Chapter 41 : Blood Lust

3.2K 97 0
                                    


--

"Di kasi dyan! Dito ang daan. Mas sanay ka pa samin lintik ka!"

"I can hear the sounds of Mayna clearly kaya wag kang ano dyan!!"

"Sa mali ang dinadaanan natin eh!!"

"Men manahimik ka nalang!! Babangasan na kita!!"

"Kukutusan na kita!"

"Sasakalin na kita!"

"Sasapakin naman kita!"

"Kakatayi-"

"Pag di kayo tumigil susunugin ko kayo hanggang maging abo kayo at isasaboy ko yun sa katawan ni Nathan!" I shouted at the top of my lungs. Kanina pa yang dalawa na yan. Kanina pa ko naririndi sa kanila!

"Oh nadamay ako?" Nathan inosently asked. I just glared at him kaya napayuko sya. Yung dalawa naman nanahimik na.

Pinag patuloy ko ang paglalakad at di na sila hinintay. Pero maya maya pa narinig ko nanaman ang bulungan nila.

"Ikaw kasi eh!"

"Anong ako? Ikaw kaya!"

"Eh sino bang tanga ang nag mamagaling sating dalawa?"

"Ikaw men!"

Hinarap ko silang dalawa at tiningnan ng masama. Napatigil sila sa pag lalakad at nanginginig na tiningnan ako. Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga. Nakakainis na tong dalawa na to. Bwisit! Bakit kasi sumama pa sila?

Naglakad ako palabas sa Shera High ng tahimik. Hanggang sa makaalis na ko ng tuluyan sa gubat, may napansin akong presense sa paligid ko. Presense palang nila kilala ko na kung sino. Kinuha ko ang sword ko at ginawa kong Bow. Dahan dahan kong inayos ito at pinatamaan ang puno ng tatlong beses. Sakto namang natamaan sa damit sila Nathan, Lace, at Cain. Si Luke naman bumaba sa punong tinungtungan nya at pumose pa na parang may kakalabanin. Tinaasan ko sya ng kilay at napakamot naman sya sa ulo nya. Di ko na kailangan pang tanungin kung anong ginagawa nila dito dahil may dala silang bag pero bakit sila sasama sakin?

"Bakit kayo sasama sakin?" I asked. Tumawa naman si Cain.

"Men wag kang feelingero. Hindi kami sasam- woah!! Ow Men that was close!!!" He shouted. Pinana ko kasi sya sa may tabi ng ulo nya kaya muntikan ng matamaan ang ulo nya.

"Sasama kami." Tiningnan ko lang ng seryoso sila.

"Walang iwanan Ran." Nginitian ako ni Lace. Haay, wala naman akong magagawa.


"Malapit na ba tayo?"

"Nope."

"Malapit na?"

"Not yet."

"Malapit na ba?"

"No."


"Makakarating pa ba tayo?"

"Hindi na kaya tumahimik ka dyan!!" Tanong kasi ng tanong si Cain tas si Lace naman ang sumasagot. Si Luke tulog na nakapasan kay Nathan. Si Lyndon as much as he wanted to come he can't. Said Nathan because he can't endure the temperature at the Mayna. Halos mag kamukha lang naman ang temperatura sa Mayna at Shera pero may kakaiba nga sa hangin ng Mayna na hindi siguro matagalan ang amoy nito. Buti nga at hindi nakasama yun eh. Malamang na dadagdag lang ang gulo dito.

Tumahimik naman na si Cain at pinag patuloy na namin ang pag lalakad. Buong gabi kaming nag lalakad at sumisikat na ang araw. Nasa gubat na kami ng Mayna. Halos pamilyar na ko dito kaya sure akong malapit na kami dun sa bahay namin.

"Ran, malapi-"

Nakita ko na ang bahay namin kaya naman sinagot ko na si Cain. "Oo kaya manahimik ka na."

Lumiwanag naman ang mukha nya at tumakbo na kami papunta sa bahay na nasa harap namin. Nang tuluyan na kaming makalapit sa harap ng bahay, naging simangot naman ang mukha ni Cain at si Nathan naman napangiwi. Pumasok na kami ni Lace sa loob at sumunod naman na sila. Kagaya ng iniwan namin, walang nag bago. Lahat sunog.

Binaba ni Nathan si Luke sa isang gilid at tiningnan ang kabuuan ng bahay.

"Ran, bahay nyo ba to?" Tumango ako at pumunta sa may gawi ng kwarto. Buti pa tong kwarto hindi masyadong nasunog.

"Wag mong sabihin men sinunog mo din to?" Cain asked. Tiningnan ko sya ng masama kaya nag peace sign lang sya.

"It looks good. Kailangan lang nating ayusin."

--

"Lace!! Matulog ka na muna! Pwede naman ng bukas na yan." I said to him. Hapon na kasi pero gumagawa pa rin sya ng bahay. Gawa lang naman sa kahoy. Si Cain at Nathan tulog na sa loob kasama si Luke. Sya nalang ang gumagawa dito. Ok naman na dahil mabilis silang gumawa kahit sa kahoy lang. Ok na to, atleast may nag tatabing samin mula sa labas.

"Osige." Pumasok naman na si Lace sa loob. Kitang kita ko pa ang pag hikab nya. Inaantok na talaga to.


Nag lakad lakad muna ako pero hindi ako masyadong lumayo dahil baka may mangyaring masama nanaman sa bahay. Habang nag lalakad ako may kumalawit sa braso ko na sanga mg puno at nasugatan ako. Medyo malalim ang sugat kaya naman ang lakas ng dugo. Pupunasan ko na sana ng bigla nalang may humawak sa braso ko at bigla bigla nalang akong sinandal sa puno. Napapikit ako sa sakit dahil sa lakas ng impact. Ramdam na ramdam ko ang lapit ng katawan nya sakin. Shit! Vampire....

Isang tao lang ang gusto kong makita ngayon. Pero ng binuksan ko ang mata ko, iba ang nakita ko. Iba ang pares ng mata na nakita. Namumula din ito pero iba ang may ari ng mga mata na to. Nathan....

Nag titigan lang kami. Hindi ako makapaniwala. Alam kong nag eexist ang vampire pero si Nathan? Vampire sya? Nang tumagal tagal nakikita ko ang pag iiba ng kulay ng mata nya. Bumabalik na ito sa pagiging brown at mukhang nag pipigil sya. "Blood lust?" Tiningnan nya ko at bumalik nanaman ang intense red eyes nya. Lalong humaba ang pangil nya at humigpit pa ang hawak nya sa mag kabilang braso ko dahil sa sinabi ko. Napabuntong hininga nalang ako at iniawang ang leeg ko.

Akala ko di nya nakuha ang pinapahiwatig ko pero napailing lang sya at naramdaman ko nanaman ang kagat sa leeg ko. Habang nakalapat ang labi ni Nathan sa leeg ko, isang tao ang naalala ko.

Zero, I missed you....

Shera High (COMPLETED)Where stories live. Discover now