Chapter 45 : Prophecy

3.3K 107 0
                                    

--

"Ate, saan ka pupunta?" Tiningnan ko lang si Luke na nakatiningin din sakin. Kasama nya si Nathan.

"Basta! Babalik din ako mamaya. May kailangan lang akong puntahan." Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse na hiniram ko sa isang maid dito sa mansion ni tita Lyn nang mag salita si Cain.

"Sasama ako Ran!" Di ko nilingon si Cain at pumasok na ko sa sasakyan. Papaandarin ko na sana ng bumukas ang passenger sit. Napairap nalang ako at sinimulang paandarin ang kotse. "Pupuntahan mo ba si Tito Hades?" Tumango ako sa sinabi nya.

"I don't know Cain, what- I mean why? How did it happened?" Nalilito kong tanong. Bigla bigla nalang kasing lumabas ang pakpak tas maya maya pa nawala na. Lumagapak pa nga ako sa lupa kanina eh. Lintik lang!

"Si tito Hades lang makakasagot nyan."

"Don't tell anyone about this." Pag katapos pinaharurot ko na ang sasakyan papunta sa Shera High.

--

"Ran? Oh my gosh buti nakabalik ka na? Oh my Cain!! Nakakamiss ka din pala!!" Unang nakakita samin si Nam na nakatambay sa may garden. Nam hugged me and Cain. Nakita ko naman si Aiwa na papalapit samin.

"Whats brings you here?"

"Masama ba baby Aiwa? Namiss mo lang ako eh!" Sabi ni Cain at niyakap din si Aiwa.

"Excuse me? Kapal tol!" Sabi nito at niyakap din naman si Cain. Natawa lang kami.

"But seriously Ran, anong ginagawa nyo dito? Alam nyo bang hinahanap kayo ni Zero?" Tumango ako kay Nam. Sinabi na din naman sakin ni Nate na hinahanap nga kami ni Zero.

"Mainit pa rin ang ulo ni Zero kaya dapat hindi ka muna pumunta dito." Sabi naman ni Aiwa. Napabuntong hininga naman ako. Anong gagawin ko? Kailangan kong makausap si Hades.

"I just need to see Hades. Where is he?" Nag katinginan naman sila Nam at Aiwa.

"Ra- ran. Naaalala mo na?" Tiningnan ko si Nam na gulat na gulat ang mukha. Tumango ako sa kanya as if on cue niyakap nila akong pareho ng mahigpit. Can't breath.

"Woah, what's with the hug?" Di ko pinansin ang nag salita. Mokong lang yun kaya ignored.

"Waaah!!! Baby Lyndon!! I missed you!!" Sigaw ni Cain at nakita kong dinamba nya ng yakap si Lyndon. Natawa nalang kami sa kanilang dalawa at nag hiwa hiwalay na sa yakap.

"I missed you too baby Cainy!" Di nalang namin pinansin ang nakakasuya nilang pag babatian. Yuck- bakla.... tsk tsk tsk, I feel sorry for the other girls who had a crush to them..

"God! I thought you can't make it. See? Naaalala mo na kami." Aiwa said with a musement in her tone.

"You- you can remember na ate?" Napatingin ako sa likod ko at nakita si Rin. Ngumiti ako ng malawak pero nawala din agad yun. Tumakbo naman sya papunta sakin at tinalunan ako at niyakap. Wala akong nagawa kundi ang yakapin din sya. "Ate! Sa wakas!! You can remember us!!" Sigaw pa nya na maluha luha na. Ngumiti nalang ako sa kanila na nakatingin lang saming mag kapatid. O mag pinsan?

--

"Wala si Zero. Kasama nya si Heather na pumuntang mansion ng mga Walker. Ano ba ang kailangan mo kay King?" Pinag patuloy namin ni Lyndon at Cain ang pag lalakad papunta sa office ni Hades. Si Nam, Aiwa at Rin naman may pasok na. Si Lyndon mag ka-cutting na daw muna sya. Tsaka ko na sasabihin kay Rin.

"I need to asked something."

"About what?" Hindi ako sumagot sa tanong nya kaya naman si Cain na ang nag salita.

"Wala ka na dun baby. Basta namiss kita yun na! Pakiss nga!!" Akmang hahalik pa si Cain sa pisnge ni Lyndon pero hinawakan ni Lyndon ang mukha ni Cain.

"Magtigil ka. Mamaya na sweety sa kwarto ko." Nangilabot naman ako sa pinag sasasabi nila. Tiningnan nya ko at si Cain naman kumapit sa braso ni Lyndon. Nakakakilabot na talaga sila.

Napansin ko naman na nakatitig lang si Lyndon sa may balikat ko kaya naman nag taka ako pero napangiti lang sya. "Is it about the wings?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. How did he know?

Napangisi naman si Lyndon sa reaction namin ni Cain. Maya maya pa hinila nya kami papunta sa may rooftop.

"How did I know? Well, it because of this." Sabi nya sabay turo sa sintido nya.

"Men, may utak ka pala?" Lyndon just glared at him. Naupo kami sa bench at nasa gitna nila akong dalawa.

"Remember my ability? I can remember anything. 2 years old tayong lahat nun ng marinig ko ang usapan nila tita Rhi, tito Hans and my parents sa mansion nila Ran." Rhi and Hans. I smiled upon hearing their names. "I accidentally heard their convo. It's all about your ability." Tiningnan nya ko at pinag patuloy nya ang pag sasalita. "Well, hindi pa naman talaga alam nila tita at tito ang ability mo but one thing is for sure. You can see things clear na namana mo kay tita Rhi. And your fire na namana mo kay tito Hans. But knowing the Walker. May iba pang kakayahan ang mga ito. Like you." Tiningnan nya ko sa mga mata. Nanatili naman kaming tahimik ni Cain na nakikinig sa kanya. "The Crest. Iyun lang ang narinig ko sa usapan nila. On your 20th birthday, dun lang lalabas ang pakpak mo." Tinaasan ko sya ng kilay. Natawa pa nga ako dahil sa sinabi nya eh.

Kahit kasi lumabas na ang pakpak sa likod ko, isipin ko palang natatawa na ko. Tiningnan ako ng masama ng dalawa at binatukan pa ko ni Lyndon.

"Men, mag seryoso ka nga! Ikaw naman Baby!! Wag mong binabatukan ang prinsesa!!" Sigaw ni Cain at hinawakan nya ang ulo ko. He even patting my head.

"Seryoso na kasi." Nag 'ehem' si Lyndon at pinag patuloy na nya ang kwento nya. "Yun na nga. 20th birthday mo pa dapat lalabas ang pakpak, I even heard na kasama mo ang crest na yun pag kalabas mo palang sa sinapupunan si Tita Rhi." Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"What do you mean men?" Si Cain na ang nag tanong.

"I mean, you know. Poof!! Pag kairi ni Tita sayo! Yun na!! Kasama mo na yung crest na nasa likod mo. I don't even know how did it happened. Siguro kakaibang pwesto ang ginawa nila tita at tito sa pag gawa sayo? Hahaha" Natawa naman silang dalawa sa sinabi ni Lyndon. Tinaasan ko sila ng kilay, mga gunggong talaga! Napakamot naman sya sa ulo nya. "Ang hirap naman pag remembering ability ang kakayahan mo. Bwisit!!" Sinuntok ko sya sa braso nya kaya naman pinag patuloy nya ang pag kekwento. "Yun na nga!! Nasa likod mo ang crest. Nakadikit ito sa likod mo pero natanggal din naman iyun nang umiyak ka na daw after 1 week. Akala pa nga nila tita at tito patay ka dahil hindi ka umiiyak. That was also the time na may nag pakita sa kanilang prophecy. Di ko na alam kung buhay pa ba sya o patay na basta siya ang nag sabi na ang crest na yun ang mag tatanggol sayo. Iyun din daw ang dahilan kung bakit ka makakalipad. Ni minsan di ko pa sya nakita pero alam kong hindi sya dito sa Shera nakatira. Basta yun na lang ang narinig ko dahil sumigaw ka na nun at tumakbo naman ang mama at papa mo papunta sayo while my parents carry me papunta sa inyo. Dun ko din unang nakita ang Crest na hawak mo, ang lakas pa nga ng liwanag nun eh. Hanggang sa may nang yaring pag sugod ng Venator. And yun- tito Hans and tita Rhi-" di ko na sya pinatapos pa sa sasabihin nya at nilabas nalang ang crest sa bulsa ko.

Lumiwanag ang Crest pero hindi kagaya dati, sobra ito sa liwanag ngayon. Naramdaman ko ang pag hawak sakin ni Lyndon sa braso ko kaya naman tiningnan ko sya.

Nanlalaki ang mga mata nyang nakatingin sa Crest.

"Ganyang ganyan ang liwanag ng crest ng gabing yun." Bulong nya saming dalawa ni Cain. Si Cain naman naramdaman kong humigpit ang hawak nya sa braso ko.

"Someones here." Natigilan ako sa sinabi nya at may naramdaman din akong presense na sobrang lakas. Maya maya pa naramdaman namin ang presense nya sa harapan lang namin kaya sabay sabay kaming tatlong napatingin sa harap at halos himatayin ako sa nakita ko.




Mom.... dad....

Shera High (COMPLETED)Where stories live. Discover now