Chapter 50 : It's Over

3.1K 104 0
                                    

——

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. I can see them smiling at me though their eyes shouting how much their sadness. Pinilit kong tumayo kahit na hirap ma hirap ako dahil sa sword na nakatarak sa dibdib ko. Inalis ko ito at binaba ang sword. Narinig ko pa ang pag ngiwi ni Kuya Harley na nasa tabi ko lang at inaalalayan ako

"Don't move. Makakasama sayo yan." Hindi ko sya pinansin at nag patuloy ako sa pag lalakad. Lumapit ang iba kay Lace at si Charlot naman lumapit sa papa nyang ngayon ay wala ng buhay.

Nang tuluyan akong makalapit kay Lace. Nakita kong nakadilat pa sya. Hawak hawak ko ang dibdib ko na puno na ng dugo. Lumuhod ako sa tabi nya. Lahat sila nanunuod lang sa kilos ko.

Hinawakan ko sa pisnge si Lace na ngayon ay ang dami nanamang luhang pumapatak. "Ran..."

"Shhh now. Everything will be ok." Hinalikan ko ang kamay nya at nginitian sya. Nam can heal an ill person. Kahit ano pa yun kaya nyang pagalingin.

Tumingin ako kay Nam pero nag taka ako ng napayuko sya. "Nam, ga—" napangiwi ako sa kirot ng sugat ko. "Gamutin mo na— si Lace. Isunod mo nalang ako." Sabi ko sa kanya kahit na hirap na kong mag salita. Kaya ko pa namang mag hintay pero si Lace hindi na. Malalim din ang tama nya. Kitang kita ko ang tama nya sa dibdib.

"Sorry Ran." Nangilabot naman ako sa sinabing yun ni Nam kaya tiningnan ko sya ng pag tataka.

"Ano— anong sinasabi mo?"

Lalong lumakas ang iyak ni Nam kaya lalo akong nag taka sa ikinikilos nya. Lumapit na din sa kanya sila Lyndon at hinagod ang likod nya.

"Hindi kaya ni Nam gamutin kayo pareho lalo nat sa puso ang tama nyo pareho. Isa lang Ran. Isa lang." Nanlamig ako sa sinabing yun ni Aiwa. Napatulala ako dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko.

Tiningnan ko si Lace na ngayon ay nakatingin lang din sakin.

Ngumiti sya sakin. Yung ngiting totoo. Yung ngiting si Lace Tyler lang nakakapagbigay sakin. Hinawakan nya pisnge ko at may pinahid. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Wala na. Hindi ko na maramdaman ang sakit sa dibdib ko. Hindi ko alam pero mas nararamdaman ko ang pag sikip ng dibdib ko dahil sa nangyayari imbes na sa tarak ko sa puso. Mas nasasaktan ako sa sitwasyon namin. Lalo na nang magsalita sya.

"Ran— I'm sorry." Mahina nyang sabi. Umiling ako sign na ok lang. Wala yun. Basta ba ok lang sya ok lang talaga sakin. "Galit ako— galit ako sayo. Dahil sa ginawa mo nuon galit ako sayo. Pero wala. Hindi ko magawang magalit ng tuluyan sayo. Makita lang kitang nasasaktan mas dumodoble ang sakit sakin. Ran— hindi ko alam kung mapapatawad pa kita sa ginawa mo pero please. Ikaw. Ikaw nalang ang— ang mag pagamot kay Nam." Nanlamig ako sa sinabi nya at tuloy tuloy na umiling. No no no. Ayoko!

"Makinig ka Ran— hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Kahit na galit ako sayo, mas nangingibabaw pa rin ang pag mamahal ko sayo pero kahit ganun, gusto kong— gusto kong ikaw ang mabuhay sating dalawa. Ikaw, madaming nag iintay sayo. Ang Shera.. ang Special A. Aalagaan ka nila. Mas mamahalin ka nila. Kaya please, ikaw nalang— ikaw nalang ang mag pagamot kay Nam." Lalo akong naiyak sa sinabi nya. Ni hindi ako makapag salita dahil sa kanya.

Walang nag sasalita sa kanila. Tahimik na lang kami habang iyak ko, ni Nam, Aiwa at Charlot lang ang maririnig. Hindi! Hindi pwede to!

"Ran, sabihin mo saking— ikaw ang mag papagamot kay Nam." Nakita ko syang umubo ng dugo. Nararamdaman ko na din na malapit na. Hindi na nya kaya. Tumingin ako sa mga kasama ko at nag iwas lang sila ng tingin.

Tumingin ako kay Cain at tumango lang sya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung ako ang mag papagamot, haharapin ko ang buhay ng wala si Lace. Isipin ko palang yun hindi ko na kaya. Nakasama ko na si Lace ng sampung taon. Sya na ang naging pamilya ko. Kaibigan. Kakampi. Kaaway. Tatay. Kuya. At kung ano ano pa. Mahina ako! Sobrang hina. Lumalakas lang ako pag kasama ko si Lace. Pero pano na pag nagising ako, wala na sya? Si Lace, alam kong kaya nya. Alam kong malakas sya. Alam kong kakayanin nya. Eto na din siguro ang kapalit ng pag patay ko sa ina nya. I'm sorry Lace.

"Ran, please. Ikaw nalang— na ang mag pagamot." Tumingin ako kay Lace at nakitang nakangiti sya sakin. Panay na ang tulo ng luha nya kasabay nito ang pag agos ng dugo nya. Hinawakan ko sya sa pisnge at pinunasan ang mga dumi sa mukha nya. Tinitigan ko sya at kinabisa ang bawat ditalye ng mukha nya. Yung mata nyang singkit, ilong nyang matangos, labi nyang nahiya na ang mansanas dahil sa kapulahan nito.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Ako ang mag papagamot. Ako ang mabubuhay. Ako ang maiiwan. Ako ang — ako... I promise...."

Nakapag desisyon na ko.


Si Lace ang ipapagamot ko kay Nam. Si Lace.

Nakita ko ang pag lakas ng agos ng luha ni Lace at pag ngiti nito. Inangat ko ang kamay ko papunta sa dibdib ko. Bago ako mawalan ng malay dahil sa ginawa kong pag labas ng apoy sa kamay ko, narinig ko pa ang sinabi nya.

"Sabi mo hindi ka mag papromise sakin."

Mga sigaw nila ang huli kong narinig at ang sigaw din ni Zyrus, Rin, at Luke ang narinig ko bago nandilim lahat sa paningin ko.

So long, Lace.

Shera High (COMPLETED)Where stories live. Discover now