Chapter 27 : Imagine

3.5K 113 4
                                    

--

"Puta bilisan mo naman Lace."

"Baka bilisan ko nga maiwan ka."

"Asa ka namang magagamit mo ability mo."

"Cain lintik! Masakit.. ibaba mo kamay mo nasasakal kamay ko!"

"The Golden Trio! Silence!!" Saway samin ni Maam. Trina. Matandang dalaga na kasi kaya ganyan.

"Ano kayo ngayon? Masakit hano hahaha! Sunog pa more. Hahaha" Sabi ni Nathan at sinabayan kaming mag lakad.

"Sasapakin nakita!" Bulyaw ni Cain kay Nathan at tinaas ang kanang kamao nya nadamay tuloy kaliwang braso ko.

"Aray ko sige ako sasapak sayo!" Banta ko naman kay Cain.

Magulo ba? Ganto kasi,

"Wilsmith, Tyler, and Walker." Sabi ni Miss. Krishna na parang depress na depress dahil samin. Nakayuko lang kami habang sya nakatayo sa harapan namin. Nasa field pa din kami at ang daming tao na nakatingin samin. Amoy parin sa hangin ang sunog na mga damo. Sila Nathan nandito din, nasa may gilid lang namin. Naririnig ko pa ngang tuma tawa sila eh. "Hindi ko alam ang gagawin ko sa inyo para mag tino na kayo."

Mag sasalita sana si Lace na nasa kanan ko pero pinigilan sya ni Miss. Krishna. "Shut up!" Sigaw nya. Grabe, I will note to my self don't try to pissed Miss. Krishna again. Noted.. "as your punishment, AGAIN! I hope this time wala na kayong magawang hindi maganda."

After sabihin ni Miss. Krishna yun lumapit si Nathan at Lyndon samin.

Kinabitan nya ng Posas ang kaliwa kong kamay at kinabit ang kabila sa kanang braso ni Cain. Sa kanang braso ko naman kinabit sa kaliwang braso ni Lace. Hindi basta basta ang posas na kinabit samin, it has an spell na kumokontra sa ability namin kaya hindi namin magagamit.

Kaya eto, nakaposas kami habang nag lalakad papunta sa boarder ng Enchanted. Mas madali pa nga to compare sa nangyari kanina at kagabi. Tabi tabi kaming natulog, tas nung naligo na kanina ang hirap. Sabay sabay kaming naligo. Imagine that? Nakakainis nga eh ang karos ni Cain. Nang mamanyak kaya si Lace ginawa lahat para ilayo ako kay Cain.

Kakababa lang namin sa mga Van na sinakyan namin pero hindi na pwedeng makaraan dito ang Van dahil masyado ng masukal ang gubat na dinadaanan namin.

"Section by Section. Remember, once na mag kahiwa hiwalay. Wag ng tangkaing hanapin ang iba. Mas mabuti kung lalabas na kayo ng kayo lang dahil delikado pa kapag hinananap nyo ang kasamahan nyo. There's a big possibility na maging illusion nalang ang kasama mo at hindi ka na makalabas sa hinanda ng mga witches. Good luck Sheranian!" Paliwanag ni Miss. Krishna.

Naunang mag pasukan ang iba at nag pahuli kaming walo. Kami nila Cain at Lace ang mag kakatabi. Malamang dahil di kami pwedeng mag hiwa hiwalay. Si Nam at Aiwa naman ang magkasama at si Nathan, Lyndon at Zero ang mag kakatabi. Naunang pumasok sila Nam at sumunod kami, naramdaman ko namang sumunod na din sila Zero.

Kitang kita ang kakaibahan ng boarder ng Enchanted. Ang crepy ng kulay. Damo at puno, nakakatakot di kagaya ng gubat sa Shera. Maitim ang mga ito, parang nadaanan ng masamang amoy at namatay ang lahat ng may buhay. Nang makapasok kami, naramdaman ko agad ang kakaibang presensya. Ang daming presense na gumagalaw.

Madaming nakabantay samin. Nararamdaman ko yun dahil sa presense nila.

Una kong napansin na wala na sila Nam at kaming tatlo lang ang nandito. Maging sila Zero wala.

"Nasan na sila?"

"Shit! Ang daming nakatingin satin."

Nag papakiramdaman lang kami ng biglang may lumabas sa harapan naman. Isang malaking Ahas? Naramdaman ko agad ang panginginig ng kamay ng mga kasama ko. Maging ako.

"Ra- ran.. tu- tus- tustahin mo n- na." Nanginginig na sabi ni Cain.

"Ang lak- laki." Sabi pa ni Lace. I-aangat ko na sana ang kamay ko ng maalala ko na.

"I can't." Pag kasabing pagka sabi ko nun sumugod ang ahas samin. Wala kaming nagawa kundi ang tumakbo. Iyun lang ang kaya namin sa ngayon. Takbo lang kami ng takbo at nakasunod ang napakalaking ahas samin.

"Shit, hindi ba naisip nila Miss. Krishna na kakailanganin natinang ability natin? Bwisit na posas to." Sabi ni Cain habang tumatakbo kami. It's not that easy dahil oras na may natitisod samin napapahinto dain kami lahat.

Illusion... Illusion lang to. Huminto ako at humarap sa ahas. Walang nagawa ang dalawa kundi huminto.

"Damn it! Wag ngayon Walker!! Wala tayong ability!!" Sigaw ni Cain sakin.

Di ko sya pinansin at pumikit ako. Illusion. Isa ka lang illusion... inisip kong mawala ang ahas na nasa harapan namin. Nang maramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko, binuksan ko ang mga mata ko at nakita kong wala na. Tama ako. Isa din to sa sinabi ni Lyndon nuon. Wag isipin ang mga kinakatakutan. So sino samin ang may takot sa ahas?

Humarap ako sa kanila at nakitang nanlalaki ang mga mata nila.

"Pano mo nagawa yun?" Asked Lace.

"Sino may takot sa ahas sa inyo?" I asked at hindi ko sinagot ang tanong ni Lace.

Walang sumagot sa kanila kaya napatingin ako kay Cain. Hindi naman kasi takot sa Ahas si Lace kaya sure na kong si Cain.

"Remember what Lyndon said? Wag isipin ang mga kinakatakutan para ligtas na makalabas dito." Sabi ko.

"Kelan nya sinabi yun?"

"Di ko ata matandaan yun? Naalala mo ba yun Cain?"

"Hindi. Nanay ko nga di ko maalala yun pa kaya." Di ko alam kung maawa ako o matatawa sa kanila eh. Bahala na nga sila jan.

Nag lakad na ulit ako at sila naman napasunod dahil sa posas namin.

"Ran pano kung isipin ko na may lalabas sa harapan mong babae na puro dugo ang mukha at makapal, gulo gulo at itim na itim na buhok tas puting damit at katawan na lumabas lahat ng dugo dahil sa kaputian nito. Ano gagawin mo?" Sabi ni Lace. Humarap ako sa kanya at bago pa ko makapag salita, may naramdaman akong bumubuga ng hangin sa harapan ko.

Nung lumingon ako, halos malaglag ang puso ko sa kaba.

"Tangina ka Lace!!" Sigaw ko at nag tatakbo na nanaman kami dahil naunang tumakbo si Cain kaya nahila ako at nahila na din si Lace.

"Aba malay ko ba! Sinabi ko lang naman eh di ko inimagine!!" Sigaw nya.

"Tanga pare! Kung mag iimagine ka mga babae nalang na nakabikini na nasa paligid natin at kinakawayan tayo ng mga bundok. Hahah- shit!! I'm starting to love this place!!" Napatigil kami sa pag takbo ng biglang dumami ang tao sa paligid namin. Hindi lang yun.

"MGA NAKABIKINI NGA!!"

Shera High (COMPLETED)Where stories live. Discover now