Chapter 34 : Alive?

3.4K 115 0
                                    

——

"Tol san punta?" Uwian na at nakasunod lang sakin si Lace at Cain. Ewan ko ba jan sa dalawa na yan at nakasunod sakin.

"Woooh, tara sa crime room. Gusto ko ng juice." Sabi ni Cain at inakbayan pa kami pareho ni Lace. Di naman na ko tumanggi dahil gutom na din ako. Kanina muntik ng masunog si Cain buti humarang agad si Zero at nag labas ng ice. Akala ko nga mafafaculty nanaman ako buti wala si Sir. Dawn dahil nasa bayan daw sya.

Hindi naman ako naging akward towards Zero. Ok naman. Pero may itatanong parin ako sa kanya.

"Here's your orders." Nilapag ni Ychell ang inumin namin at umalis din naman agad dahil madami dami ang tao ngayon dito dahil na din uwian na. Wala si Nathan at Lyndon dahil may mission silang pinuntahan. Si Nam naman nasa Hospital. Tumutulong kasi sya dun sa pag gagamot. Si Aiwa naman kasama ata si Rin. Binisita nya sa room nya. Di pa ata makalakad eh. Si Zero? Ayun. Mag kasama sila ni Heather dahil nag pasama sya kay Zero sa mansion nila.

"Ran, october 1 na sa linggo." Sabi ni Lace. Oo nga pala. October 1 ang birth day ni Luke. May 5 days pa ko para mag ipon. Wala na kasi akong pera.

"May ano?" Asked Cain.

"Birthday ni Luke."

"Ahh kapatid mo..." tumayo ako at pumunta sa crime board. Naalala ko yung nangyari nung unang beses kaming kumuha ng mission ni Lace. Palpak pa. "Ano kukuha ka?" Nakalapit na pala sila sakin. Tumango ako.

"Kaso baka wala nanamang price na makuha." Sabi ko. Natawa sila sa sinabi ko. Pano umay na umay ako nun ng wala akong nakuha at muntik pa kong marape.

"Di iyan. Nag kamali lang kasi tayo ng kuha ng mission." Sabi ni Lace at nag hanap na sa board.

"Let me choose." Sabi ni Cain at di ko alam basta nag lakad sya kaya sumunod kami. Pumunta sya sa second floor ng Crime room kaya sumunod kami.

"Is it ok? Nakalagay dun students not allowed." Sabi ni Lace. Di sya pinansin ni Cain at nag patuloy lang kami sa pag akyat sa hagdan.

Nang nakarating na kami sa second floor. Ibang iba ang atmosphere. Maging ang design ng floor na to sa baba iba din. Mas elegante dito. Mas presko dahil na din sa mga glass ang pader kaya kitang kita ang garden ng Shera high.

"Wala naman si Sir. Dawn at iba pang teachers dahil nasa bayan sila." Sabi nya. Ang alam ko nga din bawal ang studyante dito. Pumunta si Cain sa harap ng isang board at nakita kong may nakadikit din ditong mga mission pero million na ang inaabot ng mga price. 5 million na ang pinakamababang price.

"Woah, tiba tiba tayo pag natapos natin yan." Sabi ni Lace.

Nag alis ng isang papel si Cain at binulsa yun. "6 million ang price ng kinuha ko. Tara na. Naririnig kong pupunta dito si Ychell." Sabi nya kaya nag tatakbo na kami.

Si Lace naman tinanong si Ychell kung sino dahil di pa nya kilala yun. Sinabi naman namin na yun yung nag bigay ng juice samin kanina.

Habang tumatakbo, nakasalubong namin sina Zero at Heather kaya napahinto kami sa pag takbo.

"Hey, san kayo galing? Bakit kayo tumatakbo?" Tanong ni Heather. Di ako sumagot maging sila Cain hindi nag salita. Nakapako lang ang tingin namin sa kamay nila. Mag kahawak. Holding hands huh! I smirked at them.

Naramdaman kong may umakbay sakin. Kaya naman nawala ang tingin ko sa kamay nila Zero at napatingin kay Cain na nakaakbay samin ni Lace. "Excuse us, we have something important to do." Sabi nya at hinila na kami paalis.

Nang madaanan namin sila, naramdaman ko na may humawak sa braso ko kaya napatigil ako maging sila Cain napatigil din. "Are you— ok?" Zero asked. Humarap ako sa kanila at inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko. I sweetly smiled at them ang then nodded.

"Yes, I am." Sabi ko. Walang nag salita ni isa samin kaya naka ramdam kami ng katahimikan. Maya maya pa may umakbay ulit sakin pero this time si Lace na.

"So, if you'll excuse us. May gagawin pa kami." Sabi nya at hinila na kami ni Cain habang nakaakbay samin. Queen his ass.

——

Dalawang oras na kami ni Cain dito sa may gubat at hanggang ngayon wala pa rin si Lace. Kukuha kasi sya ng gamit sa room nya ang kaso mahihirapan syang mag excuse kay Luke dahil tyak na sasama yun.

Nakaupo ako sa isang sanga ng puno habang si Cain naman nasa baba at nakahiga sa damuhan habang nakatingala sakin.

"Ayos ka lang ba?" Tumango ako sa kanya at ngumiti naman sya. Hanggang ngayon di ko makalimutan ang nakita namin kanina. Bakit sila mag kahawak ng kamay? Sila ba? Kung ganun, bakit ganun si Zero sakin kahapon? Ang sweet nya. Teka nga!! Ano naman? Sweet naman ata talaga yun lagi eh. I guess? Well, sa tingin ko hindi. Cold kaya nun. Pero bakit ganun sya kay Heather?  Arrgh naiinis na ko—

"Ayaw nyang tumayo. Tsk, iwan na kaya natin yan?" Natauhan naman ako ng marinig ko ang boses ni Lace. Tumingin ako sa baba at nakita kong nandun na nga sya at nakatingin silang dalawa sakin.

Tumalon ako pababa at binatukan si Lace. "Bakit ngayon ka lang? Pa VIP ka masyado!" sigaw ko sa kanya. Napakamot naman sya sa ulo nya.

"Ang hirap kayang mag paalam kay Luke. Namimilit ngang sumama eh buti nalang nakita ko si Nathan." Sabi nya.

"Nathan? Anong meron kay Nathan?"  Cain asked.

"Tsaka nasa mission yun diba?" Dagdag ko pa.

"Oo nga. Nakauwi na sila ni Lyndon. Nakasalubong ko sya kaya nakiusap ako na hanggat wala tayo sya na muna mag bantay kay Luke. Pumayag naman sya basta daw hati tayo."

"Lintik ka naman oh! Hahatian eh kakagaling nga lang nila sa mission ni Lyndon!" Reklamo ni Cain.

"Ok na yun! Basta tara na!" Sabi ko at nag lakad na kami paalis.

Sumunod naman sila sakin pero napahinto agad ako dahil di ko alam kung saan at ano ang mission namin.

"Ano nga pala ang mission Cain?" Huminto sya sa pag lalakad at kinuha ang papel sa bulsa nya.

"Chiki Sherk's Head."

Napahinto kami ni Lace sa pag lalakad at sinigawan namin sya ni Lace ng sabay.

"ANO?"

——

Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon