Chapter 29 : Say What?

3.4K 114 1
                                    


--

"Akala ko pa naman wala na yung posas. Lintik!"

"Hi mates."

Inirapan ko lang si Cain. Nandito kami sa may open field ng Enchanted. Yup, nakapasok na talaga kami sa mga lugar ng mang kukulam. Yehey!

At yung posas. Pag katapos naming mag usap ni Zero, bumukas ang pinto at iniluwa nuon si Cain at Lace. Nakahawak sa mga leeg nila si Nathan at kinabit ulit saming tatlo ang Posas. Saya no. Sobra!

Nasa harapan si Miss. Krishna at nag sasalita. Di ko magawang makinig dahil pala isipan parin sakin yung mga nangyari.

Biglang napatigil si Miss. Krishna ng lumapit sa kanya ang isa pang teacher na di ko kilala at may binulong. Kitang kita ko kung pano mamilog ang mata ni Miss. Krishna sa gulat. Maya maya pa napapalakpak sya sa tuwa? Anong nangyayari sa kanya?

--

"Ran? San ka pupunta?" Tanong sakin ng dalawa habang nakasunod lang sakin dahil nga nakaposas pa rin kami. Di ko sila sinagot at nag lakad lang ng nag lakad. After ng nangyari kanina umalis agad si Miss. Krishna. Hindi ko na sya nakausap dahil bumalik na pala sya sa Shera. Isang gabi nalang kami dito kaya ine enjoy na ng iba.

Di ko alam kung bakit napa aga ang uwi namin. But I think may kinalaman ang sinabi ng teacher na yun kay Miss. Krishna. Di ko alam pero kinakabahan ako na ewan. This is weird....

Kinabukasan naka uwi na din kami sa Shera. Hindi pa natatanggal ang posas namin kaya mag kakasama pa rin kami. Hindi din muna kami pinag pahinga dahil may sasabihin daw ang Reyna at Hari. So nandito sila?

Napansin kong excited ang iba at nag tatakbuhan pa papunta sa gym kung nasan ang lahat.

Nauna na sila Zero dun dahil napakabagal naming mag lakad dahil bawat may mabunggong isa samin napapahinto na kaming lahat.

Pag pasok palang namin sa gym rinig ko na kagad ang katahimikan na bumabalot sa paligid. Nag lakad kami sa pinaka baba at nakitang nandun sila Zero malapit sa mesang mahaba kaya dun kami pumunta. Habang nag lalakad nag sasalita ang babae sa gitna. Babaeng may violet eyes...

"I want you all to meet, my long lost daughter, the heiress of Shera. Heather Walker."

Alam ko. Ramdam ko. Ramdam na ramdam ko ang tingin sakin ni Lyndon, Zero, Aiwa, Lace, Cain, Nathan at Nam. Di ko alam pero tinitigan ko ang babaeng nag lalakad papunta sa tabi ni Mr. and Mrs. Walker. Kasama din si Rin pero nakabusangot ang mukha nya na parang bad trip.

Tiningnan ko lang ang babae sa mata nya at nakangiti naman sya sa lahat. Grey... it can't be...

Napailing ako. Ni di ko na magawang makinig sa sinasabi ng babae sa harap. Heather? Sya si Heather?

Di ko alam pero basta nalang nag labas ng apoy ang kamay ko na syang sumira sa posas. Napasigaw si Cain at Lace dahil napaso sila sa apoy kaya napunta ang atensyon nila samin. Nakita kong nakatingin ang lahat sakin.

Anong nangyayari sakin? Bakit ako nag kakaganto?

Ngumiti ako sa lahat at yumuko. "So- sorry. It- it was m- my fault." Alam kong nag aalala si Lace. Pero sa iba? Ewan ko. Iba ang tingin nila. Naawa? Bakit? Haha ok lang ako. Yumuko ako at tumakbo na paalis sa gym. Really what's up with me? What's wrong? Umasa ba ko? But the truth in the first place hindi naman talaga ako si Heather.

Stupid me!

--

"Lyndon ano to? Lokohan? What just happened there? Seriously? Heather? The heck I'm not even get a single goosebumps just by looking at her. She's fake!!" Sigaw ni Aiwa kay Lyndon na kasalukuyang nakatingin sa langit at nakasandal sa railings ng rooftop. Nakita nya pang nag lalakad si Ran kanina papunta sa gubta ng Shera kaya napa iling sya. She's now probably thinking that I trick her. Damn that girl, heather her ass.. Sabi nya sa isip nya.

"We can't do anything Aiwa. You know the Walker Family. Especially tito Hades. They knew what was real to not." Paliwanag nya. Narinig nyang napapadyak si Aiwa sa inis.

"I will definitely give that impersonator a hell life here. Arrggh!!" Napailing nalang si Lyndon at narinig ang pag sara ng pinto. He knows what Aiwa can do. She's a bitch, yeah... but now? Well, I guess makikisali sya sa pagiging maldita nito. Lalo na't kaibigan nila ang kinukuhanan ng karapatan ng impustor na yun.

"Heather huh, the hell her face."

Shera High (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें