Chapter 22 : Missing

3.5K 105 0
                                    


Malakas ang hangin, madilim, tahimik. At tanging pag hinga lang namin ang maririnig. Naglabas ako ng apoy sa kaliwang kamay at hinagis sa harapan ko. Agad syang nakaiwas kaya nag hagis pa ko ng sunod sunod.

Natisod sya sa isang bato kaya nawala ang focus nya, hinagisan ko sya agad at pinuntirya ang kamay nya.

"Aray naman!! Tama na oo na talo na ko!!" Sigaw ni Zyrus.

-

"Here." Inabot ko sa kanya ang isang bote ng tubig. Ayaw nya ng softdrinks edi iyun nalang. Tinanggap naman nya pero napahinto sya dahil sa malamang di nya mabuksan. Kinuha ko yun at ako na nag bukas.

"You almost kill me." Reklamo nya at ininom ang tubig nya. Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Almost lang naman eh. Yamo next time papatayin na talaga kita." Sinuntok naman nya ko sa braso pero pabiro lang.

Tumingala ako sa langit. Dinama ko ang simoy ng napakalamig na hangin. 8 na ng gabi, nasa gubat kami dahil sabi ko dito nalang kami mag practice. Well, malas dahil ayaw talagang lumabas ng apoy nya kahit pa sunod sunod ko syang patamaan ng apoy. Iwas lang sya ng iwas.

"Tingin mo lalabas pa yung apoy na yun sa kamay ko?" Mahina nyang tanong. Ramdam kong pagod na din sya dahil dalawang oras kaming nag laban. I shrugged my shoulders. Ginulo ko ang buhok nya at nginitian nya.

"You can. Trust me. Tutulungan kita! For now, go to bed. Gabi na bawal mapuyat ang batang kagaya mo." Napasimangot naman sya sa sinabi ko.

"Di na ko bata no." Reklamo nya. Natawa nalang ako.

"Oo na hindi na. Pumunta ka ng dorm mo. Gamutin mo na din yang kamay mo, kaya mo na yan ha." Tinulak tulak ko sya patayo.

"Di ka pa ba pupuntang dorm mo?"

Umiling ako. "Nope. Papahangin lang ako. Mauna ka na." Wala naman na syang nagawa kundi umalis na.

Nung nasigurado ko na wala na si Zyrus, kinuha ko ang blue sapphire crest sa bulsa ko. Lagi lang tong nasa bulsa ko. Di ko iniiwan sa dorm ko kasi baka may pumasok. Sino? It's either Lace or Luke.

Kahit madilim, I can still see the beauty of the crest. Kumikinang ito dahil sa sinag ng buwan. Dahil sa kumikinang to, napansin ko na may nawawala. Teka bakit nawala? Shit where it is?

Nawawala ang nasa gitna. Nawawala pinaka Blue sapphire.

--

Nasan na ba yun? Kanina pa ko nag hahanap dito sa may gubat pero wala naman. Di kaya nawala to nung nakipag laban ako kay Chiki? Hindi eh, kanina lang nung umuwi ako sa dorm ko nandun pa yun. Kaya sure akong nandito lang yun sa gubat. Nawala lang to nung pag katapos ng practice namin ni Zyrus. The heck!! Saan ko yun hahanapin?

Pumunta ako sa may ilalim ng puno na inuupuan namin kanina ni Zyrus. Sinimulan ko ulit na mag hanap ng may mag salita sa likod ko,

"Eto ba hinahanap mo?" Napatingin ako sa likod at nakita ang hawak nya. Agad ko yung kinuha at tinago sa bulsa ko. Napayuko ako dahil sa kaba at takot. Takot na baka kunin nya sakin ang sapphire. "You know that it's important for our tribe specially you. Next time ingatan mo na yan." Sabi nya sakin at naupo sa ilalim ng puno.

Nanatili akong nakatayo at nakayuko. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. Kahit mahina alam kong naririnig nya ko.

"Hhmm? What do you mean?" Tanong nya.

"You know what I mean. Bakit?" Ulit ko sa tanong ko kanina.

"I don't unders-"

"Bakit nasayo ang crest?!! Bakit binigay mo sakin ang crest?!! Bakit?!!" Sigaw ko sa kanya. Alam kong alam nya ang tinutukoy ko.

Tiningnan ko sya at napatango sya na parang ngayon lang nya ko naintindihan. Tiningnan ko sya ng masama. "Simple. Because it's yours." Ayan nanaman sa it yours it yours na yan.

Kahit anong pilit kong tandaan ang nakaraan wala akong maalala. Bukod sa nakita kong batang Heather at Aiwa wala na kong maalala. Kaya panong magiging ako si Heather?

Kinuha ko ang Crest sa bulsa ko at hinagis sa kanya. "No." Sabi ko at ngumiti sa kanya. "I'm not that person who do you think I am." Tinalikuran ko na sya pero bago ako tuluyang tumakbo narinig ko pa ang sinabi nya.

"Heather, no matter what you do, you can't escape again! This time." Di ko na sya sinagot at tumakbo na paalis sa gubat. Ayoko! Hindi! Hindi ako si Heather. Hindi!!

-

Shera High (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora