Chapter Twenty Seven: Don't Test The Gangster In Me

Magsimula sa umpisa
                                    

Bigla kong sinampal ang mukha niya ng malakas na nagecho pa sa buong CR ang tunog. Nagulat ang mukha niya at nakita kong bumakat roon ang aking kamay sa pisngi niya. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa kanyang balikat habang napapangiti. "Sinong mas magaling, ako o 'yung mga babae mo?" hindi ko na pinalitan 'yung boses ko. Alam na niyang babae ako, ngunit hindi niya alam na ako ang Reyna ng Underground world.

"I-ikaw. Sino k-ka ba t-talaga?"

"Gusto mong malaman?"

"Oo."

"Oo babae ako Erroll, isang babaeng nagpapanggap bilang isang lalaki," napahinto ako saglit habang nilalagay ang kaliwa kong kamay sa pisngi niya. Hinila ko 'yung mukha niya papalapit sakin ngunit nang mas ilapit niya ay sinabunutan ko siya para hindi iyon maglapat, ngunit isang pulgada nalang ang pagitan ng mukha namin. "Gusto mong malaman kung sino ako?”

"Tell me Ice."

He tried to shift our position to corner me and kiss me but I immidiately push him on the wall so hard made him say "aww..."

Ngumiti ako sa kanya. “Don't test the gangster in me, Erroll..." binigyan ko siya ng isang halik na mabilis.

Inayos ko ang aking pustura habang titig na titig si Erroll sakin.

"Why are you doing this?"

"Because I wanna kill someone."

"Kill who?"

"Let's just forget about this. Kalimutan mong may nalaman ka ngayon, my sweet Erroll! See you sa classroom."

Napangiti ako sa kanya at tuluyan ng umalis. Wala akong alinlangang ginawa 'yun. 'Wag lang niyang ipagkakalat kundi, mapapatay ko siya. Pagbalik ko sa classroom e nagdidiscuss na sila.

~•~

Erroll's POV

Napasapo ako sa ulo ko at napasabunot sa buhok ko. Anong ibig sabihin nun? Gangster rin siya?! Unbelievable! Napahawak ako sa labi ko, 'yung mga halik niya, ang sarap. 'Yung labi niya, ang tamis at ang lamig. Parang hindi maalis sa mga labi ko. Napangiti na lang ako.

Pero kapag naaalala ko 'yung mga sinabi niya kanina, sobrang kakaiba niya. Ice, ano ba talaga ang tinatago mo? Napapaisip tuloy ako na isa rin siyang katulad namin pero, bakit naman niya ginagawa ito? Sino ang gusto niyang patayin? Bakit sa Jacksonville? Taga Jacksonville ba 'yung gusto niyang patayin?

Lumabas ako ng CR at bumalik sa classroom. Tumingin ako sa kanya, 'yung mga mata niya, parang may lumalabas na apoy kapag tumitingin. Tss.

After ng class hindi niya ako pinapansin kahit sa lunch. Nang natiyempuhan ko siyang pumunta sa counter para magpabilang ay tinabihan ko siya.

"Alam kong galit ka sakin pero sana naman huwag mo 'kong tratuhing ganito Ice. Pwedeng bumalik nalang tayo sa dati? 'Yung magkaibigan pa tayo?"

"Sino naman nagsabing galit ako?"

"Uh..."

"OK na tayo. Kalimutan nalang natin 'yung nangyari, hindi ba sinabi ko na ito kanina? Kalimutan mo narin 'yung halik ko."

"Pero liligawan din kita."

Ngumiti siya. Isang makahulugang ngiti na parang may sinasabi o iniisip siya sa sarili niya. Ewan ko rin pero parang nakita ko na itong ngiting ito. Hindi ko lang maalala kung saan. "Sige lang. Pero tatanungin kita ha, liligawan mo ba ako kahit hindi mo nalamang babae ako?" tanong ko.

"Oo."

"Gago."

Pagbalik namin sa may table, agad nagtanong si Sine. "Anong pinagusapan niyo?"

"Si Erroll kasi, gusto daw akong idate mamaya," tumingin ako sa kanya at napangiti siya.

"Huh?"

"Oo, Sine at umoo siya. Kaya pupunta kaming mall mamaya."

"Paanong---"

Nanlilisik na naman ang mukha ni Sine. Sobrang inis at selos siguro, ramdam ko 'yun eh.

~•~

Pagkatapos nga ng klase ay naglakad kaming dalawa ni Ice. Pero ramdam namin sa likod naming sinusundan kami ng kambal at ni Sine.

"Erroll, kung gusto mo akong idate, ayokong may sumusunod. Baka mabuko pa akong babae talaga ako."

"Sige," lumingon ako sa likuran at nagpunta sa may likod ng kotseng pinagtataguan nila. "Hoy, pwede bang 'wag niyo kaming sundan."

"Hindi namin kayo sinusundan!" sigaw ni Sine.

"Eh ano namang tawag sa ginagawa niyo?"

"W-wala... 'lina nga kayo!" hinila niya sina Jiro at Hiro palayo.

Pumunta nga kaming mall ni Ice. Nanood ng sine habang may popcorn.

"Ice," tawag ko sa kalagitnaan ng movie.

"Ano?!" masungit na sabi niya. Ibang iba sa Ice na nakilala ko.

"Anong totoong pangalan mo?"

"Uhm... Queen Valencia."

"Ah, pwedeng ano, kasi naiilang parin ako sa pagiiba ng pagkatao mo ngayon. Nagiba na kasi 'yung pagsasalita mo sakin."

"Uh, sorry pero... kapag kaharap lang natin sila ako magsasalita ng panlalaki. Pagkaharap ko sa 'yo, ipapakita ko 'yung babaeng ako... at ganito ako kapag babae. Honestly, Erroll sobrang crush kita dati. Nadismaya ako nang nakita kong may kahalikan ka tapos nalaman kong... babaero ka pala. 'Wag ka ng magmaang maangan. Pinakialaman ko 'yung phone mo."

"So, bawas points ako dun?"

"Oo. Lamang na si Sine sa katunayan eh."

"Paano ko ba maibabalik 'yung dating ikaw?"

"I'm always like this, Erroll. That Ice you knew, it was just a mask."

Hinawakan ko 'yung pisngi niya. "Pwede ba kitang halikan?"

"Hindi. Ang kapal mo. Hindi ako katulad ng mga babae mo. At kung inaakala mong may kahulugan 'yung halik kanina, nagkakamali ka."

"Sorry..."

Nagiba na talaga siya.

~••~

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon