Chapter Twenty Four: Go Back To What We Were

Beginne am Anfang
                                    

Bigla kong inalis 'yung kumot ko at pawis na pawis ako! Pero anong sabi niya? Nagsorry na siya. Pero ang bastos ko naman ata dahil hindi ko siya pinansin knowing him na minsan lang ata magsorry? Nakakaloka! Kaya  bumaba ako at lumabas. Hinanap ko siya sa labas at sa rooftop at doon ko siya nakita habang nagyoyosi. Nang tiningnan niya ako, parang wala. Ang sakit ng tingin niya, parang dragon.

“Uhh...” napaubo ako pagkatapos kong humuni. Kasi naman sa usok niya, nakita kong inapakan niya 'yun. Pinaypaypaypayan ko pa 'yung harap ng mukha ko para mapaalis 'yung usok.

“May asthma ka nga pala.” Duh, wala. Ayoko lang talaga sa usok. “Bakit ka nandito?” tanong niya. 'Yung paligid, dumidilim na pero kitang kita 'yung sunset mula rito. Napatitig lang ako roon at sa kanya. Tumingala ako para makita ko 'yung mukha niya pero nakatingin parin siya sa may sunset.

“Uh... ano pinapatawad na kita.” wala siyang imik. “'Yung nangyari satin nun, ano kalimutan mo na,” wala paring imik. “May naaalala ka bang nangyari nung gabing 'yun? 'Yung lasing ka?”

Tumingin siya sakin. “anong ibig mong sabihin?”

“Wala!”

“Say it!”

“Wala nga!”

“Eh bakit mo tinatanong kung may naaalala ba ako nung gabing 'yun o wala?” Oo nga naman. Logic 'yun! “Anong nangyari? May nangyari ba satin?” ngumiti siya.

“Waaa-wala!”

“Talaga?!”

“Wala nga, ang kulit mo.”

“Nandito lang pala kayo! Yow Ice, long time no see!” bigla namang dumating si Akihiro. Thank you very much to him! Woo! “Nagtext sina Deniel at Erroll, gamit 'yung cellphone ng mama niya, bukas pa daw sila darating, 'yung kambal naman nasa Pangasinan, tapos ako magdedate kami ni Britney ngayon. Yiee! Ge, magpapaalam lang ako,” pababa na sana siya nang pigilan ko.

“Sandale!”

“Bakit Ice?”

“Sama ako.”

“Huh?”

“Date nila 'yun sasama ka?” tumingin ako sa kanya. Nakakainis kasi. Kinikilabutan ako. Sana nandito si Erroll o Deniel o 'yung kambal!

“Oo nga Ice, next time na lang. First date namin ni Britney ko 'yun eh. Sige byee!”

“Sandale!”

“Oh, paano ba 'yan, dadalawa nalang tayo ngayon?” isang nakakalokong ngiti na naman 'yung binigay niya sakin.

“Diyan ka na nga!" Umalis ako tsaka pumunta sa kwarto ni Erroll at Akihiro. In-lock ko 'yun tsaka nahiga sa kwarto ni Erroll. Teka, may nakakapa ako... cellphone 'to ni Erroll ah? Tiningnan ko tsaka pinakialaman. Wala namang passwords kaya inopen ko. 'Yung messages.

From: 09090909096
Hi babe I miss you! See you tom.
From: 09090101026
Hi lovey, meet tayo this night!
From: 09080090905
Baby, bakit hindi mo sinasagot mga calls ko?
From: 09070909091
Erroll ko, asaan ka na? Kanina pa ako naghihintay dito?
From: Mama
[Erroll] hoy Akihiro! Puta ka wag mo pakialaman yang phone ko!!!

Bigla akong kinabahan sa mga nabasa ko. Fucking sheet! Wala sa mukha niyang babaero siya gaya ni Akihiro. Sobrang naturnoff pa ako, crush ko pa naman siya. Napaisip tuloy ako. Totoo 'yung sinabi ni Sine na babaero talaga si Erroll. Pumunta ako sa galleries niya, may picture kong snap shot na hindi ko alam. Huwag niyang sabihing pati ako gusto niyang kanain? 'No ba 'yan Erroll! Sobrang turn off ka na sakin.

May narinig akong katok sa may pinto, si Sine! Ahmp! Hindi ko siya pinansin at natulog. Pagkagising ko, mga seven na kaya lumabas ako at nagugutom na sa kusina.

“Lumabas ka rin.”

“Sine pwede bang tigilan mo na kasi ako. Stop giving me goosebumps,” sabi ko. Kanina ko pa gustong sabihin 'yun sa kanya.

“Hindi naman eh.”

“Pero 'yun 'yung nararamdaman ko. Pwede bang, bumalik nalang tayo noong ano noong mabait ka sakin after nangyari 'yun?”

“Sige. Umupo ka na, promise! Magkaibigan na tayo!” itinaas pa niya 'yung kamay niya na parang nangangako talaga. Umupo naman ako. Nakita ko 'yung niluto niya, adobo!

“Marunong kang magluto?”

“Ano sa tingin mo? Paano ako nakapagluto kung 'di ko alam? Hehe!” tumawa pa siya. Ayan bumabalik ka na.

“E saan ka naman natuto?”

“Kay mom at kay Diamo—” napalungkot 'yung mukha niya sa sinabi niya pero after that ngumiti rin siya sakin.

“Ah, tikman na lang natin.” pagtikim ko, masarap nga. “Ang sarap ah.”

“Ikaw ilang gabi mo na akong 'di nililibre kaya mamaya times ten 'yung panlilibre mo.”

“Sige.”

“Saan ka pumunta this week?”

“Sa Japan.”

“Anong ginawa mo naman dun?”

“Winter kasi dun kaya napagpasyahan kong dun ako pumunta regalo sa sarili ko sa pagkakapanalo ko last pageant.”

“Uh, congrats nga pala ha?” sabi niya habang kumakain.

“Congrats din, nanalo kayo sa Dance competition eh.”

Ghad... medyo hindi ako nagiisip ngayon.

“Napanood mo?”

“Oo naman.” ako pa nga 'yung may pinakamagandang entrada dun eh.

“Pero hindi kita nakita.” kitang kita mo ako.

“May nangyari pa nga eh. Sino 'yung babaeng may white crystal na gown at mask? Tsaka 'yung nagiba 'yung white screen.”

“Hindi mo dapat malaman ang bagay na 'yun. Change topic nalang tayo, namiss mo ba ako?” ayan na naman kinikilig ako eh.

“Hindi.”

“'Yung totoo kasi.”

“Oo na. Namiss ko 'yang kapangitan ng mukha mo.”

“Wow naman.” sinapok niya ako pagkatapos.

“Aray!”

“Para 'yan sa pagsisinungaling mo!”

~•~

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt