Epilogue

91 9 3
                                    

(Jungkook's POV)

Nakakaloko diba? Kung pano ko nahulog sa babaeng ,Stupid. Clumsy and Pervert na nagtulak saking alagaan at mahalin siya.

Nung simula palang na nakita ko siyang nakatayo at pinagkakaguluhan ng reporters, iba na ang naging epekto niya sakin.
May naramdaman akong kuryente ng akbayan ko siya.
Lalo na ng punasan ko ang frosting sa gilid ng labi niya.

That was the first time, i felt that my heart skips a beat everytime I saw her. Iniwasan ko siya, at sinupladuhan kasi ayokong mapalapit siya sakin.
Girlfriend ko na si Jena at hindi ko siya pwedeng mahalin.
Lahat ng pag iiwas na kaya ko sinubukan ko.

That moment in elevator, (nangingiti ako sa tuwing maalala ko to) It was my first time to saw her crying. Naguilty ako ng hablutin ko ang earphone niya na nasira ko.
Kasalanan niya yon dahil tinapakan niya ang ego ko. Pinaghintay niya ko sa tapat ng condo niya at hindi niya rin ako pinakinggan..
Dun napalapit ang loob ko sa kanya..
Naghanap ako ng mamahaling earphone para palitan yon, Alam kong hindi ko mapapalitan ang value non pero tetestingin kong palitan. Alam ko rin sa sarili kong parang may mali sakin at ibibili ko siya nun kung si Jena nga hindi ko nabibilhan ng regalo.

Nung oras sa presscon, mali ang mga sagot niya pero nakakabilib ang pagpapalusot niya.. Mas nagkatwist tuloy sa masa ang love story namin.
She's so beautiful, mabuti't hindi niya nahahalatang nakatingin ako sa kanya sa buong oras ng presscon.
That's the first time na mapansin kong parang slow motion ang nasa paligid. Parang tumitigil at bumabagal ang oras.

Nasa Cafe Plaza ako kasama si Jena at may narinig ako nung ingay, magkasama si Woohyun at si Ody..
Why? Yun pala ang kauna unahang pagkakataon na nakaramdam ako ng selos. Kaya wala akong nagawa kundi hilahin siya. Nawala rin ako sa pag iisip ko at nagpadala ako sa akala kong galit pero SELOS pala.
Sinampal niya rin ako kaya natauhan ako, kinaladkad ko siya sa palabas ng elevator. Wala ako sa sarili kong dinala ko siya sa condo ko na kahit si Jena hindi ko pinapasok, binuhat ko pa nga siya non dahil na sprain ang paa niya, nagalit uli ako i mean SELOS kasi nga tinawagan siya ni Woohyun.
Kaya kinuha ko ang phone niya.
Mabuti nalang at nakayuko siya habang buhat buhat ko siya dahil para akong baliw na ngiting ngiti at parang nanalo ng award.

Yun din ang gabing nawala ang first kiss, 2nd at 3rd kiss ko. Balak kong iseduce siya pero ako ang nabiktima niya. Tumawag uli si Woohyun non at sa inis ko nakipagvideo call ako at hinalikan ko si Ody.
Akala ko masama lang ang ugali ko nung gabing yon, selfish lang pala ako na kahit gusto niya si Woohyun, wala akong pakielam.

Yun din ang gabing hinding hindi ko makakalimutan. Magkatabi kaming matutulog at nalaman kong hugger din pala siya. Sinabi kong wala nakong unan pero marami akong extra sa cabinet. So, nagoffer ako ng hug. I thought si Jena ang iniisip ko that time.. I just said that. But deep inside, Si Ody. Si Ody.

Saturdate pero Vacation ang kinalabasan. Ako ang nagsuggest non kay Jena.. Wala lang.. Gusto ko kasing makasama pa si Ody. So hindi ko sinabi sa kanya na private resort yun dahil baka hindi siya sumama. Pero sinabi kong sumama si Woohyun. Kaya sumama siya. Kinausap ko din si Woohyun, sinabi ko sa kanyang may gusto sa kanya si Ody at yun din ang oras na sinabi niya saking may gusto na daw ako kay Ody. Tumanggi ako, dahil nung mga panahong yon wala pakong idea.. Pero natuwa ako nung nalaman kong may girlfriend siya. Hindi na niya pwedeng landiin si Ody.

Yun din ang araw na nagalit ako kay Jena dahil sa pagpapanggap niyang nalulunod. Hindi ko tuloy nailigtas si Ody at naunahan ako ni Jimin.

Si Jimin, si Jimin na akala kong paglalaruan lang si Ody pero hindi pala, buti pa siya nung nga oras nayon nahalata na niyang may gusto ako kay Ody, samantalang ako? Hindi.
Sinabi niya lang sakin na paglalaruan niya si Ody at nagulat siya sa pagtutol ko. Kaya hindi niya lalo nilubayan si Ody para magselos ako at umamin.

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now