-10- (Saturdate)

36 11 1
                                    

(Jungkook's POV)

"You can sleep now, Jena."- i don't know. But it's now comfortable to think that I'm sleeping with Jena.

Kung hindi lang sana si Ody ang nasa tabi ko, sobrang saya ko na siguro.

Nagulat ako ng maramdaman kong humigpit yung pagkakayakap ni Ody sakin.
Tiningnan ko siya, she's sleeping peacefully. Pumasok na naman sa isipan ko si Jena.

Ano na kayang ginagawa niya?
Nakakatulog kaya siya ng maayos??

Kinuha ko yung phone ko ng dahan dahan para hindi magising si Ody.
Tiningnan ko yung cellphone ko kung nagtext si Jena.
Napasinghap ako dahil hindi ko inaasahang hindi niya ko itetext.

'Goodnight Babe. I miss you :*'

Then I pressed the send button.

Nilapag ko yung phone sa unan ko.

"Ang lamig..."- napatingin ako kay Ody. Nag sleeptalk siya. Siniksik niya yung ulo niya sa dibdib ko ng hindi inaalis ang pagkakayakap sakin. Nagulat ako ng halikan ko siya sa noo.

Lagi nalang.
Pang ilang beses ko na bang nagawa 'to ng hindi man lang nagiisip?
Kanina, hindi ko namalayan na nahalikan ko na pala siya at inulit ko pa uli.
It's her fault for biting her lips and pouting.
Ody's not attractive and seductive all the time pero hinalikan ko siya na kahit kailan hindi ko nasubukang gawin kay Jena.

Please Ody wag kang mag assume, si Jena lang ang gusto ko. Maaaring nagawa ko lang yun dahil miss ko na si Jena at iniisip kong ikaw si Jena.

And please Ody, wag kang masyadong lumapit sakin. Ayokong mapalapit sayo. I'm no longer available.
---

(Ody's POV)

** dingdong. **

Minulat ko yung mata ko at nakita ko si Jungkook na tulog pa.
Nakita ko rin ang kamay kong nakapulupot sa kanya kaya madali ko yong tinanggal.

** dingdong **

Napatingin ako sa pinto. Akala ko panaginip lang na may nagdodoorbell. Totoo pala.
Tumayo ako at pumunta sa tapat ng pinto.
Inayos ko yung damit ko at nagtanggal ng muta.

Kung sino ka man. Excuse nalang sa pagmumukha ko.

Binuksan ko yung pinto at nang makita ko kung sino yung nasa pinto, agad ko iyong sinara.

Tumakbo ako papuntang bedroom region, at ginising si Jungkook.

"Evil! Wake up! WAKE UP!"- pinapalo ko siya ng unan para magising siya. Nakita kong ngumigiti siya. Pero hindi padin niya minumulat yung mata niya.

"Gumising ka na!"- hinampas ko siya ng malakas. Kinabahan ako ng bigla niya kong hilahin palapit sa kanya.
Naginit yung pisngi ko ng makita kong nakanguso siya. Naalala ko yung nangyari kagabi!

"Evil! Ako to si Ody!"- minulat niya yung mata niya at halatang nagulat siya. Napabangon rin siya.

"Anong oras na?"- tanong niya sakin.

"8:30 am."- sagot ko.

Bumangon siya at naglakad papuntang kitchen at naghilamos sa sink.

"Anong araw ngayon?"- nakakunot yung noo niya habang sinusuklay ng daliri niya ang buhok niya.

"Saturday."- nagmadali agad siyang pumunta sa pinto.

"Pumunta na ba dito si Jena?"- ngumiti ako.

"Andyan nga siya eh. Kaya nga kita ginigising."- paliwanag ko. Napabuntong hininga siya.

"Saturday ngayon. Nakalimutan ko. May Saturdate kami lagi. At pag hindi ko siya sinundo, siya ang sumusundo sakin. Anong gagawin ko? Magagalit yon pag nalaman niyang nandito ka."- taranta siya at di niya alam kung bubuksan niya ba yung pinto.

"Nakita na niya ko."- nanlaki ang mata niya at agad niya kong sinugod.
Napapikit ako nung makita kong sasapukin niya ko.

1.
2.
3.
4.

Binuksan ko yung mata ko.
Hindi niya ko sinapok.
Sa pader pala naglanding.

Nakita kong binuksan niya ang pinto.

"Goodmorning Babe! Pwede na ba kong pumasok? Papasukin mo na ba ako sa loob?"- tumango si Jungkook at niyakap naman siya ni Jena.

"Sa wakas! Nakita ko rin ang loob ng condo mo."- nilibot ni Jena ng tingin yung condo ni Jungkook at napatingin siya sakin.
Inirapan niya lang ako. Hindi siya galit??

"Fix yourself. May date tayo diba?"- sabi ni Jena habang inaayos yung buhok ni Jungkook.

"Ang gwapo mo talaga."- kinurot ni Jena yung pisngi ni Jungkook at nilapit yung mukha niya.

Totoo ba to? Sinubukan ni Jena na halikan si Jungkook pero bigla siyang umiwas?

"Jungkook kiss lang! Pagbigyan mo nako? Pleaseeee?"

Hindi ko na sila pinanuod.

Inayos ko na yung gamit ko.
Dahil wala nakong balak magtagal dito.

"Stupid!"- napatingin ako kay Jungkook. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kailangan mong sumama."- nanlaki ang mata ko. No way! Ayokong tumunganga lang don no.

"Ayoko."

"Kailangan mong sumama para makapagdate kami. Pagdating natin dun sa resort, pwede mo nang gawin ang gusto mo."- umiling ako. Inirapan naman ako ni Jena.

"Alam mo kung di ka naman kailangan di ka pipilitin eh. Pabebe"- narinig kong sabi ni Jena.

"Sinabihan ko na si Woohyun na sumama. Pumayag na siya."

"Fine. I'll go then."- napailing si Jungkook.

Wait? Galit sakin si Woohyun?

Tama! Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat.

I'm so exciteeed!

--

AN: Hey Guys! Malapit na namang magpasukan! Nakakatamad... Anyways, thank you for reading 😁😊 Keep reading guys.




Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now