-2- (South Korea)

104 13 2
                                    

(Ody's POV)

*** Korea.

Nasa loob kami ng condominium na matagal na daw nabili ni Papa. Bukod kami kase ayaw daw ng Kinakasama nyang Koryana na makihalubilo sa amin ni Ate.

Sumalampak agad Si Ate at nakipag skype sa mga kaklase nya na halatang inggit na inggit.

Kinuha ko yung bonet ko at sinuot yon. Si Ate ang nagpasuot sakin ng damit ko. Sneakers. Ripped Jeans sa bandang tuhod. At sobrang luwag na black na damit. Im not comfortable. Binuksan ko yung pinto at lumabas. NapaWOW ako kase Automatic palang naglalock yung condo.

Naglakad ako sa hallway ng condo at hinanap yung elevator. Nakita ko yung elevator sa may left side kaya tinakbo ko nayon at nagmadaling pinress yung button. May tao sa loob. Balot na balot sya ng napakakapal na jacket tapos may scarf pa sya sa leeg na nakapulupot at nainom din sya ng Coffee. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa at nakabonet din pala sya at parang headphones pero cotton. Pantakip lang siguro yon sa tenga. Nakita kong hindi sya komportableng tintingnan ko sya kaya nung magtagpo ang aming paningin, nginitian ko sya.
Binulsa ko yung kamay ko dahil nagsisimula nakong lamigin.

Nagbablack out sa loob ng elevator. Namamatay yung ilaw at naramdaman ko ring tumigil ang andar nito. Kaya napahagis sakin yung katabi kong lalaki. Bwiset. Dito pa ba ko magisstay? Tinulak ko ng malakas yung katabi ko.

Ilang sandali lang umandar na uli yung elevator pero wala pang isang minuto tumigil na naman at napasandal na naman sakin yung katabi ko. Napayakap sya sa bewang ko kaya hinawakan ko yung scarf sa leeg nya at tinulak sya. Tsansing! Bwiset. Natanggal yung shades nya at bonnet. Masasabing pogi sya. At koreano syempre. Tinitigan ko sya at tinakpan nya yung mukha nya. Mabilis nyang kinuha yung shades nya at bonnet. Umayos sya ng tayo at kinuha nya yung phone nya sa bulsa nya.

"Babe. Malapit nako. Be sure walang paparazzi dyan ha? Ayoko pang maissue. Hindi pa sa ngayon. Hindi pa sinasabi ni Manager."- at dahil tsismosa akong tunay. Nilapit ko pa yung tenga ko sa kanya pero hindi ko madinig yung sinasabi pero alam kong babae yung kausap nya.

Nagbukas yung elevator at lumabas na sya. Nagulat ako ng may magflash. Flash yon ng Camera. Hanggang sa dinumog na kami ng reporters at paparazzi. Nagtataka ako kaya nag salita ako.

"Im sorry. But can you move? And."- sinenyasan ko sila na ibaba yung camera. At binababa naman nila. Naintindihan siguro nila na turista ako at bisita. Hindi ako IDOL.
Umiling iling ako at lumabas ng building. May nadaanan akong isang coffee shop kaya pumasok nako. Maunti lang ang tao pero sobrang lamig. Dahil winter na pala dito. Wala man lang akong Jacket.

Niyakap ko yung sarili ko. Pumila ako sa counter.

Tinuro ko yung coffee na may foam sa ibabaw sa may menu board. Hangul kase yung pagkakasulat. Nakakaintindi ako ng Korean language at kaya ko ring magsalita pero konti lang. Pero ang magbasa? Hindi.

Hindi ako maintindihan nung babae sa may counter. At tinitingnan nya yung tinuturo ko.

"I can't read it."- bulong ko habang nakamot sa batok ko.
Tinry kong ituro uli yung order ko pero hindi nya talaga makuha. Malapit nakong sumuko! Dapat sinama ko si Ate. Punyeta nilalamig nako. Nanginig ako at lalo kong hinigpitan yung pagkakayakap ko sa sarili ko, nakaramdam ako ng init ng may magsabit sa balikat ko ng Jacket. Tiningnan ko yung nasa kaliwa ko at may nakita akong Lalaki. Gwapo din sya. Nginitian nya ko at tinapik nya pa yung balikat ko bago nya tanggalin yung kamay nya. Pinahiram nya pala ko ng Jacket.
At dahil hindi ko pala naisauli yung scarf nung lalaki kanina sa elevator. Binalot ko yon sa leeg ko.

Inabutan ako nung lalaki ng baso ng kape na gusto kong iorder.

"Enjoy this place and please embrace our culture."- nagulat ako nung magsalita sya.

"O-ookay..."- mahina kong sagot habang natango tango. Sinabayan nya pako sa paglalakad palabas ng coffee shop at tumigil kami sa labas. May nalabas na usok sa bibig nya dahil sa sobrang lamig pag nahinga sya.

"Hindi nya ko kilala?"- bulong.nya pero narinig ko.
"Sino ka ba?"- nilingon nya ko. At nagtaka sya dahil naintindihan at narinig ko yung sinabi nya.

"Hindi talaga?"- naglabas sya ng bubble gum, nginuya nya at pinalobo. Saka nya dinuwa.
"Hindi padin?"- tinanong nya uli ako. Pero umiling ako. Napatango sya at may kinuha sa bulsa nya. Yung cellphone nya at pinakita sakin ang logo ng infinity.
"Infinity sign?"- napakamot sya sa batok. Binalik nya yung cellphone nya sa bulsa at humarap sakin. Iniabot ang kanang kamay at nakipagshakehands.

"Nam Woohyun of Infinite."- nginitian nya ko ng malapad at ako naman ay tumango tango na parang naiintindihan.
Hanggang sa pinalibutan na kami ng reporters. Sheeet. Too many reporters here.

"Nam Woohyun are you Dating non showbiz girl? At Cafe Plaza?"- tanong nang isang reporter na may hawak na mic.

"Hindi po. Inaaccompany ko lang, turista sya."- nagpaliwanag si Woohyun daw. Pero parang hindi sya pinaniwalaan.

"I gotta go. Thank you. I'm Ody by the way from Philippines."- sinadya kong magpakilala para malaman nilang turista lang ako. Nagbow akogaya ng ginagawa ni Ate pag nagttethank you sya. Saka ako umalis.

Bumalik ako sa condominium. Nagtataka ako. Matanong nga si Ate.

"Dito kase sa building nato or dito sa Sokor. Pagala gala lang mga celebrities. Mabuti nga hindi sila dinudumog masyado ng fans. Talagang reporters lang. At saka minsan tinatago nila ang identity nila lalo na pag nakikipagdate sila sa nonshowbiz. Yung iba naman madalas namamasyal lang. Teka bat mo natanong?"- hindi ko na kinuwento kay Ate. Alam kong hindi sya maniniwala o kaya baka himatayin sya dyan at tangayin ako sa labas uli. Nilapag ko na yung coffee na may nakalagay palang 'woohyun :)' akala siguro nung counter kay Woohyun yun. Napangiti ako. Mabait pala ang Koreans.
Hindi ako kinikilig no. Ngiti lang.

Nahiga ako sa kama at sinandal ang ulo sa headboard. Nakita ko si Ate na nanunuod ng Korean Drama.

"Anong title nyan?"- nagulat si ate nung nagtanong ako.

"High school love on. Paulit ulit ko na nga tong pinapanuod eh. Ang gwapo kase ni Nam Woohyun"- nagulat ako. Nam Woohyun? Sabi na eh. Pamilyar. Lagi ko nalang naririnig kay Ate. Pero baka magkapangalan lang sila.

"Sheeet. Ako nalang yung bubble gum oh?"- parang tanga si Ateng kinikilig magisa don. Tinignan ko yung screen ng tv. Nakita kong nanguya yung lalaki ng bubble gum at pinapalobo. Nakita ko yung lalaki si NAM WOOHYUN? NAKILALA KO KANINA??? Omg. Kaya siguro dinumog kami ng Reporters. At dating nonshowbiz? Hala? AKala nila. Omg. Ang mabait na idol masisira ang career. Akala ata ng reporters nakikipagdate sya saken?

"Woohyun? Eh ano yung infinite?"- napatingin sakin si Ate at ang lapad ng ngiti. '
"Interesado ha. Name ng Boy Band yon. Member nga si Woohyun, at si Sungyeol."- tumango tango ako.

Okay yun pala yon. Teka? Naging OA ata ako kanina. It's not me.

Napatingin ako sa Jacket at Kape. Napangiti ako. May mabuti rin pala ang puso at hindi lahat mapagpanggap.

Hindi naman pala lahat masama.

Salamat Nam Woohyun sa Jacket at Kape. It's a good start. I should pay you back.

At siguro meron talagang something sa inyo kung bakit kinababaliwan kayo ng mga babae dyan? I think im starting to see it.

Bit still, im not your fan but I dont hate Kpop Idol at all.

***
(AN: Nam Woohyun!!!!!!!!! Wooooooh! Dabest! Naiimagine ko ngiti ni bby. Hihihihi. Kilig mats. Enjoy reading ha? Vote.narin. Salamat Yung photo na nasa taas 👆👆👆 Sya po si Nam Woohyun.)

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now