-6- (Arte lang)

41 11 1
                                    

(Ody's POV)

"Tandaan mo, two years na kayo. Trainee palang si Jungkook, Kayo na. Nagkakilala kayo sa Condominium dahil iisang building lang yon. "- pinapaulit ulit sakin ni Ms Lee yung sinasabi niya. Tandang tanda ko na. Hindi ko naman siguro makakalimutan yan sa Presscon.
Tango lang ako ng tango.

"At kapag hindi mo alam yung sagot, hayaan mong si Jungkook ang magsalita."- tumango lang ako. Like the? Wala kaya akong naiintindihan sa nangyayari dito. Atleast alam ko yung gagawin ko.

** bzzz. Bzzzz. **
Nagvibrate yung phone ko, tinignan ko kung sino yung nagtext. Unregistered number. Binasa ko padin yung text niya, baka kasi emergency.

From ****: Samahan mo ko bukas.

Me: Sino ka ba? Presko mo ah.

From ****: Secret. Malalaman mo bukas.

Me: Bahala ka.

Tinago ko nayung phone ko.
Takte sino ba yon? Baka mamaya kawatan yon. At pano niya nakuha yung number ko??

"Oh!"- hinarap ko si Jungkook. Inabot niya sakin yung box. Tinitigan ko lang yon. Wala kasi akong idea kung ano bayon.

"Isuot mo sa presscon. Si Ms. Lee ang pumili niyan."- kinuha ko na yung box. At nagthank you sa kanya.

Bukas na ang prescon. I don't have any idea what my world could be after prescon. Malamang hindi maiiwasan na ibash ako. Tapos malamang papanuorin ni Ate yung Prescon. At makikilala niya ko. Alam ko na ang magiging reaksiyon ng mga tao.

"Let's go"- inalok ni Jungkook yung kamay niya sakin. Tinignan niya lang ako.
"Maglalunch tayo. Hindi ako pwedeng kumain mag isa. At kailangan nating maging sweet. Lalabas tayo in Public."- nagmadali nman akong tumayo at hinawakan yung kamay niya dahil nafifeel ko na ang pagkairita niya.

Magkahawak kamay kaming naglalakad palabas ng building. Hanggang sa may tumigil sa harap naming kotse.

Napabitaw si Jungkook sa kamay ko at napangiti siya ng malapad.
Napaisip tuloy ako kung bakit? Samantalang sakin ang sungit sungit at kung samaan niya ko ng tingin wagas.
Binulsa ko nalang yung kamay ko para di awkward. At nagmuni muni.

Napansin kong bumababa nayung BABAE sa kotse niya.
Hindi ko alam pero nung tiningnan ako mula paa hanggang ulo balik sa paa at balik sa mata ko, nailang ako at parang natataranta. Siya yung Real as in totoo. Tunay. Hindi Impostor! Siya ang tunay na Girlfriend ni Jungkook.
Inirapan lang ako ni??? Jena ata pangalan niya.
Tumingin siya kay Jungkook, tiningnan ko naman yung mata ni Jungkook na nakatitig lang sa mukha ni Jena. Inlove sila. Inlove na inlove at mukhang walang makakatibag don.

Hinila ni Jungkook yung kamay ko at inakbayan niya ko sa balikat.
At saka niya hinalikan sa pisngi si Jena. Bago niya ko binitawan.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa paligid.
Kaya pala. Kaya pala hinila niya pako para malaman ng iba na FRIENDLY KISS lang yon, BESO BESO lang. But the truth is TOTOO. MAY SPARK! May KILIG! May TLC o tender loving care.
So hindi lang kaming dalawa ang kakain nang Lunch! Tama ako. Kakain kaming tatlo.

Bat kailangan kasama ako?
Hindi ba pwedeng sila lang?
Nasagot ko ang sarili kong tanong.

Hindi pwede. Ano napang iisipin ng tao pag sila lang?
So kailangan talaga, nandun ako.

** @Cafe Plaza.

Kain lang ako ng kain ng Cake. Hindi ko sila pinapansin.
Ano bang klaseng lunch to? Cake lang. Diet? Pero hindi eh, sweet to.
Este sweet sila.
Pero siyempre Joke lang yon, Oo minsan pero kinokontrol nila.
Lagi silang magkausap at madalas na hampasin ni Jena yung braso ni Jungkook.

Nga pala. Hindi ako pinapansin ni Jena. Siya nga din umorder ng kinakain ko eh. Sila umorder sila sa iba, dito lang nila kinain.
Yung akin? Cake lang.
Hindi na nga ko nag almusal eh!!
Nagpapadyak ako.
At nakita kong napatingin sila sakin.

"Cr muna ko."- tumayo ako at lumabas ako ng cafe plaza.
Iniintay kong tingnan nila ako kung sakali pero busy sila sa pag uusap.
Tinatakasan ko na sila hindi pa nila alam.
Nakakainis. Kung ganon lang mangyayari sana hindi nalang ako sumama! Ang gaspang ng ugali ng Jena nayon. Bagay sila!

** CE Building. (Condo estate.)
Sumalampak ako sa kama.

"Kulang sa tulog. Nalilipasan ng gutom. Laging pagod. Haaaay buhaaa---"- napatigil ako sa pagsasalita nung makita ko si Ate na nakain ng Ice Cream. Kinulbit ko siya. "Broken?"- stress reliever nga diba ang Ice cream? Tumango tango naman siya habang subo subo yung kutsara ng ice cream.
"Waaaah! Uwaaaah! Si Jungkook! Confirm. May Girlfriend na siya.Kung sino man yang Sissy Park siya hindi sila Bagay!!!"- Nagulat ako. Mabuti nalang at pinalitan nila yung Pangalan ng Sissy Park.
Tinapik tapik ko naman yung balikat ni Ate.
"Ate, pano no nalaman? Baka naman acting lang nila yon para sumikat sila lalo."- tinatary kong ikomfort si Ate kasi yun naman talaga yung totoo. Sumubo uli siya ng ice cream at may tumutulong luha sa mata niya. Hinagis niya sakin yung cellphone niya.
"Ayan! Panuorin mo! Trending yan, worldwide. Kaninang umaga lang nangyari dito sa Building nato. Mabuti at tanghali nakong nagising! Hindi ko nasaksihan. "- kinakabahan ako. Pinlay ko yung video na yun na nangyari kanina lang.

Ohmygod. Yakap yakap ako ni Jungkook. Mabuti nalang at Low Definition to kaya hindi ako makilala. Dahil kung hindi. Mahaba habang palinawagan ang mangyayari.
Tapos puro tilian na.

"I can't let you go this time"- tapos wala nakong narinig dahil sa sigaw nung mga tao.

Naiwan akong tulala. Sinabunutan ko yung sarili ko at hinawakan yung dibdib ko, mabilis at malakas ang tibok. Nagpakawala rin ako ng buntong hininga.
Paulit ulit na tila musikang bumubulong sakin ang mga katagang.

'I can't let you go this time.'

'I can't let you go this time.'

'I can't let you go this time.'

'I can't let you go this time.'

Agad ko namang kinontra.

"Ody! Arte niyo lang yon Ano ka ba?"

Paulit ulit, walang katapusang bumubulong sa aking isipan. Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.
**

AN: End of Chapter. Yey. Another chapter na naman. Thank you for reading 😊😊😊 Vote and comment. Saranghae ❤❤❤

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now