-4- (Smile)

53 12 1
                                    

(Ody's POV)
Lumapad yung ngiti ko at pakiramdam ko aabot yon sa langit at mapupunit ang labi ko. Para kong nakakita ng pag-asa. Makakauwi nako.
"Sinusundan mo ba ako?"- tanong ko sa kanya ng pabiro. Kinamot nya naman yung batok nya at nakatungo sya.
"Sadyang maliit lang ang mundo okay? Anyways. Anong ginagawa mo sa harapan ng Bighit? Audition?"- teka sasabihin ko bang napagkamalan akong Girlfriend ni Jungkook na isa din palang sikat at tinatawag na Golden egg este Maknae. No. Wala dapat akong pagsabihan nito.
"Nagroad trip ako magisa para naman malibot ko ang seoul. Hindi ko nga alam kung pano umuwi eh. Buti nalang dumating ka."- natawa sya sa sinabi ko. Naupo sya sa tabi ko at nakisipa din sa lata ng softdrink.
"Loka loka ka din no? Oh hindi ka pa uuwi?? Tara na!"- tumayo sya at hinila nya ko papunta sa scooter nya. Hinagis nya sakin yung helmet. Tiningnan ko lang yon, habang si Woohyun sinusuot yung helmet nya. Tiningnan ako ni Woohyun at inagaw sakin yung helmet. Inayos nya yung buhok ko at kinabit yung helmet. Umangkas uli sya sa scooter nya at inistart yung engine. Sumakay nako sa likod nya syempre! Hindi uso pabebe! Pero hindi pa sya naandar.
Kaya bumaba muna ko baka kasi may Problema. Bumaba din sya at kinulbit yung babaeng dumaan.
Kinausap nya yon pero di ko maintindihan kasi medyo malayo sila. Nakita kong nagpacute si Woohyun at kinilig naman yung babae. At maya maya may iniabot yung babae kay Woohyun.
Tumingin sakin si Woohyun at nagthumbs up. Lumapit sya sakin.
"Lagyan mo ko."- kinuha nya yung kamay ko at nilagay yung Foundation.
"Para san?"
"Magpapa- tan ako. Di kasi kita pwedeng samahan in Public. Makikilala ako ng mga reporters."- nilapitan ko sya at nilagyan sya ng foundation. Nagsuot din sya ng nerdy glasses na hugis bilog. Cute nya nga eh. Kaya siguro ganong kadali nalang niyang nahingi tong foundation dun sa babae.

** Cafe Plaza **
"Anong gagawin natin dito??"- tinanong ko si Woohyun nung tumigil kami sa Cafe Plaza. Dahil ang alam ko, iuuwi nya nako.
"Kakain."- shet. Nakakahiya! Wala akong dalang pera. Pulubi akooooooo.
Pero wala nakong nagawa, sumunod ako sa kanya at pinaupo nya nako sa table, sya nalang daw ang oorder.
Napatingin ako sa labas ng shop.
Si Jungkook?? May kasamang babae??? Sya siguro yung Girlfriend nya?? Pero bakit ang lakas ng loob nyang magpakita sa Public nang magkasama sila???

"Yan ba yung girlfriend ni Jungkook?"- sabi nung Babae sa likod ko na halatang tinutukoy yung bababeng kasama ni Jungkook sa labas ng Shop.

"Hindi ah. Nakita ko na yung Girlfriend ni Jungkook kanina, Live Broadcast. Sweet nga nila eh. "- G2. Baka Sweet!

"Haist. Eh sino yan?"- G1. Alam ko Girlfriend nya to kase nakita ko narin to last week dito mismo sa loob ng shop. Magkasama sila.
Pero nagbalat kayo si Jungkook.
Sya siguro yung Babe???

"Makeup Artist nya yan. Ganyan kabait si Jungkook. Hindi kanya tatratuhin na parang basura."- Nako nagkakamali ka G2! Ang gaspang kaya ng ugali nyan!!

"Hoy. Nakikinig ka ba?? Kanina pako nagsasalita."- napakurap ako. Nandito na pala si Woohyun.

Binigay nya sakin yung cake at hot choco. Kumain kaming dalawa. At hindi kami nagusap. Natapos kami sa pagkain. Madilim na nung makalabas kami ng shop. Konting lakad nalang malapit nako sa bahay pero sabi ni Woohyun magscooter parin daw kami.

Tumigil kami sa tapat ng building.

"Dito ka pala. May condo din ako dito pero matagal nakong di nauwi. Floor ano ka?"- sabi niya. Naggesture ako ng four para sabihing nasa fourth floor ako.
"6th floor ako. 6th pataas kasi karaniwan celebrities yung tao."- napatingin ako. Kaya pala nakita ko si Jungkook. So dito din sya nakatira??
Speaking of. Nakita ko syang lumabas ng building kasama yung babae.
Nakita ata ni Woohyun na nakatingin ako kay Jungkook. Kaya siniko nya ko.
"Fan ka???"- tiningnan ko sya.
"Hindi no!"- nilapitan nya ko. Sobrang lapit. Pero lumihis sya sa tenga ko.
"Girlfriend nya yung kasama nya."- tapos nilagay nya yung daliri niya sa labi nya. "Ssssshhh. Secret lang."

Lumapit sa kanya si Jungkook.
"Woohyun."- si Woohyun ang tinawag nya pero sakin sya nakatingin???
"Wag kang basta bastang lalapit sa mga babae tulad nyang nasa tabi mo."- nagulat ako. Tinignan naman ako ni Woohyun.
"Manggamit yan. Nagpapasikat eh. Payong kaibigan lang ha."- at umalis na si Jungkook. Nagkibit balikat naman si Woohyun.
"Ewan ko ha, pero diba dapat sya tong binabalaan ko??"- nagtaka naman ako. Kaya pinaliwanag nya sakin.

Nalaman ko na sa building nato pala nakatira yung girlfriend ni Jungkook. Close daw sila ni Jungkook dati ng sobra. Kaya alam niya daw yung panliligaw ni Jungkook dun sa Fourth Floor Girl na si Jena. Hanggang sa naging sila. Pero feel nya daw kasi yung habol nung babae kay Jungkook kasi nagconfess daw yung Jena na fan na fan sya ni Jungkook. Parang nagfirst move eh si Jena. Kaya ayun.

"Kaya ba kampante kang samahan ako kasi wala akong pakielam sayo?"- nagtaka sya sa tanong ko.
"Hindi ah. I mean Medyo. Baka kasi gamitin mo lang ako para sumikat. Eh wala ka naman palang pakielam sakin eh."
"Ewan nga sayo."- iniwan ko sya sa labas ng building.
"Teka! Anong pangalan mo???"- sumigaw sya. Napakamot ako sa ulo. Bawal Pabebe. Commoner lang ako!!!! Hinarap ko sya pero nagulat ako ng makita ko si Jungkook sa harapan ko.
"Layuan mo si Woohyun"- inirapan nya ko at nilampasan pero binangga nya ko sa balikat. Akala ko nga tatalsik ako sa lakas kaya napasandal lang ako sa glass door.

Nakita ko naman si Woohyun na nakatingin kay Jungkook na nakaalis na. Tapos tumingin sya sakin. Nginitian nya ko pero parang may mali sa ngiti nya.

"Ako si Odyssey! Call me Ody!!!"- sinigawan ko sya at naghandwave ng babay. At tumango sya. Hindi ako pumapasok hangg't hindi sya nakakasakay pero hindi sya nasakay hangga't hindi ako nakakapasok.
Bawal ang pabebe kaya pumasok nako. Dumiretso ako sa elevator.
Haaaayyy!!!!!!

Pagbukas ko ng condo, lumitaw agad si Ate. Nakapamewang.

"At san ka nanggaling?? Mukhang mas nag eenjoy ka kesa sakin ah??"- halata ba sa ngiti ko??? Nginitian ko lang sya.
"Aba! Aba!"- hindi ko sya pinansin. Nahiga lang ako sa sofa at tumingin sa kisame. Hinawakan ko yung labi ko na nakangiti.

'Napapadalas ang pag ngiti mo ah?' Bulong ko sa sarili ko.

********
AN: end of chapter. Yeeeeaaaaah!!!!!! Nam Woohyun or Jeon Jungkook???? Lets see. 😊😊😊 thank you for reading. Don't forget to vote ⭐⭐⭐⭐ Thank you!!!!!

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now