-14-

37 12 1
                                    

(Jungkook's POV)

'Iniisip kasi kita'.

Tinititigan ko yung tatlong salita na tinayp ko sa phone ko para ireply kay Ody. Ewan ko, pero kusa atang gumana ang kamay ko at nag type ng ganyan. Napansin ko ring nakangiti ako. Napailing ako. Ano bang nangyayari sakin nitong mga nakaraan?

Isesend ko ba?

Malamang hindi!

10 minutes......

Sesend ko na! Pero ano nalang iisipin non? Jungkook! May Jena ka na okay?? Hindi maganda to.
Hindi ko isesend.

30 minutes.......

Eh ano naman kung may Jena ako? Sinasabi ko lang naman yung totoo. Tsaka rereplyan ko lang siya.
Pero mali padin!

1 hr....

Napagdesisyunan kong idelete yung tinayp ko. Pero...
Napindot ko yung send button.

Nagtype agad ako ng.

'Wrong sent ulit. Goodnight Stupid clumsy Pervert.'

Haist. Maniwala kang wrong sent lang yan....

(Ody's POV)

"Ody... Hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko pero.."- masayang masaya ako. Nakapikit ako at iniintay ang susunod na sasabihin ni Jungkook.
Hinawakan niya ako sa pisngi at tinitigan.

"Gumising ka na! Gising!"- unti unti kong minulat yung mata ko.

"Anong ginagawa mo dito?"- tanong ko kay Jungkook. Nakaupo siya sa paanan ko. Takte! Nanaginip lang pala ako kanina.

"Kanina pa kita ginigising pero mukhang maganda yung panaginip mo at ayaw mong paawat. Ngiting ngiti ka pa. Ano ba kase yung napanaginipan mo?"- napabangon ako. Kung alam mo lang, nakakakilabot.

"Wala ka na don."

"Oo kumakain na sila. Tayo nalang iniintay ng pagkain. Tara, masamang paghintayin ang pagkain."- hinila na niya ko patayo.

Aish. Eto na naman siya sa panghihila niya.
Naalala ko dati, kakahila niya sakin nagtaob ako tapos nasprajn yung paa ko at binuhat niya ko...

'Ody! Hindi ito ang tamang oras para aalalahanin ang kalandian mo!' Saway ko sa sarili ko.

Kakaisip ko hindi ko namalayang nasa tapat na pala ko ng hapag kainan at nakaupo na.

Katabi ko sa kaliwa si Taehyung at sa kanan si Jimin. Katapat ko naman si Jungkook na katabi si Jena.

"Try this. Masarap yan."- nilagyan ni Jimin yung plato ko ng spicy chicken feet. At kanin. Pinagsalin niya rin ako ng Juice.

Siguro mabait lang talaga si Jimin at maasikaso at pinanganak na gentleman kaya ganto yung trato niya sakin. Ako pang tong nagiisip ng kung anu-ano.

Nagsimula nakong kumain.
Pero nagsimula ng panibagong topic si Taehyung.

"Maganda naman si Ody. Lalo na nung araw ng presscon. Akala ko talaga Bigtime na si Jungkook kay Ody eh. Eh may Jena na pala si Kookie."- nasamid ako. At napatingin silang lahat sakin, inabutan naman ako ng Juice ni Jimin.
Bat kase ako pa yung topic no?

"May hint nakong, hindi si Ody ang gf mo Jungkook."- tinaasan siya ni Jungkook ng kilay.

"Yung hickeys mo sa leeg Jungkook. Ako dibang may gawa nun?"- napatingin ako kay Taehyung?
Totoo? Teka? Nakakadiri ah! Lalaki sa lalaki?? Akala ko si Jena yung may gawa nun? What the eff???

"Change topic nga!"- reklamo ni Jena. Tsss. Oo nga. Change topic.

Nilapit ni Jinin yung upuan niya sa upuan ko. Nailang ako ng unti.. Inakbayan niya rin ako.

"Bagay ba kami?"- napatingin ako sa kanya at nakatingin siya samin at magkalapit ang mukha naming dalawa.
Napalunok ako. Naalala ko na naman tuloy si Jungkook! Teka? Ano ba?? Ody magtino ka ha? Mukha ka nang Jungkook.

"Ayieeeeh!!!!"- binato nila ng kanin si Jimin at tumayo pa si Suga para itap ang balikat ni Jimin.

"Support guys!"- napatingin ako kay Jungkook.

* Dug. Dug. Dug. *

Nakatingin siya sakin ng seryoso.
Wala siyang emosyon.
Hindi ko siya mabasa.

Tumayo siya at pinagpag niya yung damit niya at dumiretso siya palabas ng cottage.
Binalik ko yung tingin niya sa plato niya at hindi niya pa nauubos yung pagkain niya, iniwan niya rin si Jena.

Speaking of Jena. Nakatingin siya sakin ng masama. Teka? Anong ginawa ko?!

"Bat umalis si Kookie?"- tanong ni Taehyung.

Tumayo rin ako at nakita ko na napatingin silang lahat sakin.

Nabigla ako ng hilahin ako ni Jimin at halikan...

"Kookie san ka galing?"- natauhan ako. Tinulak ko si Jimin at tiningnan ko si Jungkook. Andito na pala siya. Tiningnan niya ko at seryoso rin siya, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.

"Hinanap ko lang yung bracelet ko."- at tinaas niya yung bracelet niya.
Umakyat narin siya at sinundan siya ni Jena.

"I'm sorry.."- sinampal ko si Jimin at nakita kong nagulat siya.

Nakaramdam ako ng guilt?
Bakit?
Ano Ody ang nangyayari sayo?
Wag mong sabihing....

Hindi. Hindi ka nahuhulog sa kumag na yon okay???
Ody, maling mali to. Maling mali...

**
AN: Nahihirapang aminin sa sarili... Nako Ody! Ano ba kasing nararamdaman mo??
Anyways. Thank you for reading guys. 😊😊😊 Tiyaga lang! Mararating rin natin ang dulo Eksdi. 😊😊😊😊

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now