-11- (Save Me)

41 12 1
                                    

(Ody's POV)

'I need your love before I fall, fall. Blah blah blah blah save me save. I need your love before I fall.'- paulit ulit kinakanta ng isipan ko ang kantang yan na tugtog kanina sa kotse. Na lss ata ako sa kantang yan.

"Hmm. Hmmmm. Hmmm."- di ko namalayang naghuhum na pala ko sa kantang yan.
Iniling ko ang ulo ko at nagpatuloy na sa pag aayos ng gamit ko sa loob ng kwarto ko dito sa vacation house.
Tinanggal ko lahat ng damit ko at nilagay sa cabinet.

** eeeeekkk ** (tunog ng pagbukas ng pinto)

Inayos ko kaagad yung buhok ko nung marinig ko yung pinto ng kwarto kong dahan dahang nagbubukas.

"Ody? Pwedeng tumuloy?"- tiningnan ako ni Woohyun at inaantay niya kong sumagot kaya binigyan ko siya ng tango bilang pagtugon.

Lumapit siya sakin at naupo sa kama sa tabi ko.

"Sorry nga pala."- napatingin ako sa kanya. Nagtataka ako. Bakit siya nagsosorry?? Tinitigan ko siya at nagsisisi ako sa nagawa kong pagtitig sa mukha niya. Nakatitig din siya sakin at napatingin siya sa labi ko. Napalunok ako ng sunud-sunod. Naalala ko tuloy yung.....

"Bakit naman?"- ginulo ko na ang sandaling nagkaroon ng tensyon sa pagitan namin. Tumayo rin ako at kunwaring ilalagay na ang mga damit sa cabinet. Mahirap na baka madala pako sa damdamin ko at ikasira pa iyon ng relasyon na meron kami ngayon.

"Sorry kasi nga hindi kita pinakinggan."- napatigil ako. Naiwan akong nakatayo sa harap ng cabinet. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at sasabihin ko.

"Ody. Alam ko na ang lahat. Sinabi sakin at pinaliwanag ni Jungkook ang sitwasyon niyo."- lalo akong nagtaka. Panong nagawa ni Jungkook yon? Hindi ba't siya nga tong ayaw na lumapit ako kay Woohyun pero siya pa 'tong nagpaliwanag.
Kahit na obligasyon niyang magplaiwanag, hindi parin ako makapaniwalang si Jungkook ay magagawa yon.

Akala ko hanggang yabang lang siya.
Akala ko sarili lang niya ang iniisip niya.
Meron din pala siyang tinatagong kabaitan na lilitaw lang pag maganda ang takbo ng isip niya.

"Sorry din kasi hindi ko agad nasabi sayo."- ngumiti siya. Heto na naman ang ngiti niyang kulang nalang ay tunawin ako.

"Okay na ang lahat. Magkaibigan na uli tayo. Bati na tayo Ody!"- inilahad niya sakin ang kamay niya. Parang nalungkot ako sa sinabi niya. Magkaibigan? Kami? Tinapik niya ang balikat ko ng hindi ko siya kamayan. Bigla tuloy akong natauhan.

"Pero sabi ni Jungkook, may gusto ka daw sakin.."- hinampas ko siya, nataas baba ang kilay niya na parang tinutukso ako. Nag init ang mukha ko at nakaramdam ako ng hiya.

"Ewan! Oo nalang! Diyan ka na letse!"- tumakbo ako palabas at iniwan siya sa loob ng kwarto ko.

Naglakad ako sa buhanginan ng padabog.

"Halimaw ka talaga JUNGKOOOOOK!! Papatayin kitaaaa!"- paulit ulit na sigaw ng aking isipan. Bakit kailangan niya pang sabihin kay Woohyun yon?

Natanaw ko si Jungkook na nakaupo sa buhangin sa tabing dagat.
Namumulot ng bato at saka itatapon sa dagat.
Nilapitan ko siya.

"Bakit mo sinabi kay Woohyun yon?"- nakakunot ang noo niya nung balingan niya ko ng tingin.

"Ang alin?"- sinipa ko siya.

"Wag kang painosente!"- naupo din ako para mapantayan ko siya at makausap ng ayos.

Kumuha siya ng bato at...

TUMAWA?

"Anong nakakatawa?"- nailing iling siya habang tumatawa. Hinawakan na niya ang panga niya at parang pinipigilang tumawa.
Nagpout ako. Nakakaasar. Napatingin ako sa dagat.
At napangiti.
Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko.
Mas malakas pa sa tawa ng katabi kong halimaw.
Tiningnan ko siya at nakita kong pinupunasan niya ang luha niya sa gilid ng mata niya at nakangiti.
Nakatingin din siya sa dagat.

* DUG. DUG. DUG. DUG. *

Napatingin siya sakin ng seryoso. At nalito ako sa tibok ng puso ko.
Parang nagkawala rin ang mga paruparo sa kalamnan ko.

"Wag ka ngang ngumuso! Mukha kang bibe."- binato niya ko ng buhangin at agad na nag init ang ulo ko.

"Kyaaaaaah!"- pagkatayo ko ay dumakot din ako ng buhangin. Pero tumakbo siya sa dagat.

Nakakainis! Hinabol ko siya hangga't mababaw pa ang tubig na pinuntahan niya.

"Habulin mo ko!"- mabilis siyang nawala dahil lumangoy siya.

"Woaaah!"- namangha ako ng tangayin ako ng alon.
Kinapa ko ang seafloor pero hindi ko makapa. Napapikit ako!
Unti unti akong lumubog.

'Nalulunod ako' sa isip isip ko.
Sabi nila pag nalulunod ka daw, hindi mo daw kailangang magpanic. At lulutang ka din.

'Mamatay nako!' Pumasok yon sa isipan ko kaya winagwag ko ang paa ko at napansin kong lutang lubog ako.

Hindi ko rin magawang sumigaw dahil saglit lang ang tinatagal ko sa ibabaw. Unti unti narin akong nanghihina at nawawalan ng hangin.

'Katapusan ko n--'

Naghahaboo ako ng hininga ng may humila sa kamay ko at isakay ako sa speedboat.

Kinuha niya ang kamay ko at pinulupot niya sa bewang niya.

"Okay ka lang?"- malakas ang pagkakatanong niya.
Hindi ako sumagot.

"Woohyun?"- mas binilisan niya ang takbo ng speedboat. So napalayo nga ako dahil sa alon.

"Wala si Woohyun. Tinawagan siya ng Girlfriend niya."- Girlfriend? Parang binagsakan ako ng sampung kaban ng bigas.
Pero di ko maintindihan bakit hindi ako nasasaktan. Bat hindi ako nagmamaktol?

"Eh sino ka?"- hindi na niya ko sinagot dahil nakarating na kami sa pangpang.

Tinaggal niya ang life vest niya pati ang shades niya.
Hinagod niya rin ng kamay niya ang buhok niyang nalaglag sa kanyang mukha.

"I'm Mr. Park Jimin. Hi Mrs. Park."- kinuha niya ang kamay ko at agad yung hinalikan.

"Mrs? Ako? Mrs. Park?"- natawa sila. Teka, bat andami ng tao dito? Akala ko ba maunti lang kami dito?
Nilibot ko yung buong resort.
Wala nga si Woohyun, nakita ko din si Jungkook at Jena na nasa nipa hut.

"Your name is Sissy Park right?"- aaaahh. Oo nga pala!!! Tumango ako.

"Thank you!"- nagbow ako sa kanya. Utang ko ang buhay ko sa kanya.

Malaki ang pasasalamat ko sa lalaling to. Kundi dahil sa kanya malamang patay nako.
Day One palang napahamak nako.

'Save me save me, I need your love before I fall, fall...'

**
AN: Guess who??? Makakasama na ni Ody sa kakulitan ang buong Bts!!!! Yess. Thank you for reading guys 😊😊😊😊

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now