-3- (Wrong Person)

64 12 1
                                    

(Ody's POV)

"Oooodysseeeey! Samahan mo koooooo! Daliiiii!!"- hindi ko pa tapos kainin yung cupcake na binili sa Isang Dessert Store dito sa Korea pero hinila nako ni Ate palabas ng condo. Mali. Kinaladkad nya pala ko palabas ng buong building. Hawak hawak nya ko sa kaliwang kamay, mabuti nalang nadala ko yung cupcake sa kanang kamay ko kaya habang kinakaladkad ako ni Ate, nakakain ako.

"Ody. Iiwanan na kita? Tatakbuhin ko na yung Plaza, ang bagal mo."- parang timang si Ate dahil nagtatalon sya habang natakbo. Nagsisisigaw pa, pinagtitinginan tuloy sya ng mga tao.
Bakit kaya sya excited? Tsaka ano bang meron sa plaza??

Napatingin ako sa isa sa mga tindahan at may nakita akong poster ng kung anong grupo.

"Astro at Plaza. 9:00 Am."- yun lang yung naintindihan ko at nabasa ko, nakahangul na yung iba eh.
Tinititigan ko lang yung mga tao dun sa poster. Minamatyagan.

"Yah."- napaharap ako dun sa nagsalita. Nabitawan ko yung cupcake ko.
Ganito ba talaga dito? Walang pakielaman ng fashion style at fashion sense?? Kahit na winter, nakashades pa sya.

"Woohyun?"- ngumiti sya at nagpamulsa saka sumandal sa wall ng tindahan. Tinaas nya yung kilay nya.

"Naalala mo. Buti naman."- kinindatan ko sya. Pwe! Landi ko. Hahahaha. Wala lang feeling ko kase close kami at hindi sya artista. "Yung jacket ko? Mahal yun, ibalik mo."- ah okay. Kaya pala kinausap uli ako kase kukunin nya na yung Jacket nya. Mabuti at hindi ako umasa. Teka Shet na malagket! Di ko pa pala yon nalalabhan..

"Nasa condo pa eh. Lalabhan ko muna? Handwash? O dryclean?"- tumawa sya at ginulo yung buhok ko.
"Joke lang. Sayo nayon. Regalo ko na sa turistang katulad mo."- nagthank you ako sa kanya at nagbow simbolo ng pamamaalam ko. Wala nang dahilan para samahan at ientertain ko sya. Baka mamaya may reporters pa, mapaissue pa kami. Ayoko namang mabash at masira yung career nung may mabuting loob na yon.

"Teka! Hindi ko matandaan yung pangalan mo."- narinig kong sumigaw sya nung nakatawid nako sa kabilang kalsada.

Naupo ako sa isa sa mga benches malapit sa park para intayin si Ate.
San ba kase yung Plazang yon?

Napatingin ako sa left side ko at may nakita akong dyaryo. Last week pa yon. Kaya hinablot ko kase may nabasa akong Woohyun?? Don't know.

Nilipat ko sa Page 9 at don ko nakita yung picture ni Woohyun last week sa harap ng Cafe Plaza. Pero hindi nya ko kasama.
"Nam Woohyun said he was accompanied Filipino tourist."- napailing ako.

"Miss??"- sinara ko ng mabilis yung dyaryo at tinignan yung nagsalita. babae sya at may hawak syang cellphone. ALAS! Interview.

Tama ang hula ko, interview nga. Pero hindi ko sya maintindihan yung sinasabi nyang Girlfriend, live broadcast. Tango nalang ako ng tango hanggang sa maraming camera man na dala ang kanilang naglalakihan at naghahigh tech na camera. Maraming mic at cellphone ang nakalabas at nakatapat yun sakin.

Hanggang sa nahawi yung mga tao dahil may dadaang isang lalaki. Papalapit sya sakin at nakita kong nagulat sya. Tumingin sya sa matandang lalaki na kasama nung naginterview sakin kanina. At tinanguan lang sya nung matandang lalaki.

Lumapit sakin yung binatang lalaking koreano at nginitian ako. Inakbayan nya ko at may pinahid syang kung ano sa gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki nya. Shet may frosting pako ng cupcake. Teka anong kasweetan to???

"Sa Prescon nalang natin tunghayan ang iba pang mga balita at kasagutan."- sabi nung lalaking matanda. Unti unti namang nagsialisan yung mga tao at kaming apat nalang ang natira. Tinanggal nung lalaki yung pagkakaakbay nya sakin.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Masyadong mabilis. Masyadong nakakalito.

May tumigil na puting van sa harapan namin at pinasakay ako nung Babae.
Kaya sumakay ako, kasi sa mga oras nayon wala rin ako sa ulirat ko.
Katabi ko pa yung lalaki. Tinitigan ko sya kase parang nakita ko na sya.

Inisip kong mabuti kung nagkita na ba kami. HE WAS THE GUY IN ELEVATOR LAST WEEK.

"Jungkook. Live Broadcast yung nangyari kanina. You should thank me at makakapagdate na kayo ng nonshowbiz girlfriend mo in public."- nagsalita bigla yung matamdang lalaki.

"She's not my girlfriend. She's a wrong person."- sabi nung Jungkook ata. Tumingin sya sa labas.ng bintana ng nakakunot ang noo. Nakikita ko ang kilos nya sa salamin sa harapan ng sasakyan.

"Akala namin.."- napatingin sakin yung matandang lalaki. At binow nya ang ulo nya. Humihingi sya ng sorry dahil sa insidenteng nangyari.

"Sorry. Pati ikaw nadamay pa. Tsk. Pero kailangan mong magstay samin hangga't may papel ka. Ako nga pala si Manager June."- lalo akong nalito sabi nung lalaking matanda este ni Manager June.

Pagkababa namin ng van, pumasok kami sa isa sa office sa loob ng Bighit entertainment building daw.

Doon pinaliwanag sakin ang lahat.

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Manager at Jungkook.
Matagal na daw karelasyon nitong si Jungkook yung nonshowbiz girl nayun at tanging silang tatlo lang ang nakakaalam.
Kaya kung magdate sila ay patago o kaya naman kailangan pang magpalit ng anyo. Si Jungkook lang daw kasi ang nakakakilala dun sa Babae kaya hindi nila alam na hindi pala ako yon.
Nagkamali sila dahil, inupuan ko ang dapat palang meeting place nina Manager at nung babae.
Kaya nung nakita nila ako, inakala nilang ako yon. Nagpadala pa sila ng nga reporters para Ibroadcast yon Live. Kaya hindi na daw nila pwedeng bawiin. Makisakay nalang daw ako sa pagpapanggap. Bibigyan din naman daw nila ko ng pera bilang bayad. Kailangan lang namin maging sweet sweetan. On air or Behind the cameras..

"Pwede nyo namang sabihing break na kami 'kunwari'"- suggest ko pero hindi daw pwede dahil kaya daw nila inaannounce yon is para gumawa ng ingay sa masa. Para daw lalong pagusapan. Lalo na kung nonshowbiz yung babae.

Iniwan ako ni Ms. Lee yung babaeng naginterview kanina at ni Manager. Naiwan kami ni Jungkook sa loob ng office dahil maglalunch break muna daw sila Manager.
Tumayo ako para umalis kaso nakalimutan kong hindi ko nga pala alam ang daan pauwi. Kaya bumalik ako sa upuan ko.

"You ruin everything. "- nakasandal pala si Jungkook sa pinto at nakacrossed arms. Poker face. Hindi ko nalang sya pinansin.
Pero naramdaman kong naupo sya sa tabi ko.

"Don't assume anything.
Know your limits.
Shut your mouth if it's not necessary. We're strangers behind the cameras. Privacy.
Mind your own business.
And."- tiningnan nya ko. Sinuklay nya pa yung buhok nya pataas gamit ang kanyang kamay.

"Nothing's gonna change. You're just a nobody."- tumayo sya at binuksan yung pinto. Pero hindi sya nalabas.
Ginalaw nya yung ulo nya na parang pinapalabas ako. Pero hindi ako tumayo.

Hinila nya ko at pinalabas. Sinara nya ng malakas yung pinto at natamaan ako sa noo. Hawak hawak ko yung noo ko hanggang sa paglabas ko ng building.

Tumawid ako para tumambay dun sa Bus stop dahil hindi ko alam kung san ako pupunta at kung san ang way pabalik sa condo.

"Kung alam ko lang, edi sana hindi nako umalis sa tabi ni Woohyun."- reklamo ko habang sinisipa sipa yung can ng softdrink.

"Narinig ko ang pangalan ko... "

***
AN: End of Chapter. Sheeeet! Jungkook or Woohyun?? Sheeeeeeems.. thank you for reading pala. And dont forget to vote. Maraming salamat. Sa mga Kpop Fans dyan! Magwala tayo kung ganyan yung mangyayari satin. Omygeeee. Pag umabot to ng 100 reads at 24 votes. Araw araw akong maguupdate at ipupublish ko narin yung bagong story ko. 😁😁 Vote kayo ⭐⭐

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now