-22-

39 11 1
                                    

(Ody's POV)

** After 6 months **

6 months. 6 months na ang nakalipas pero parang isang oras palang. Sariwa parin ang lahat ng pangyayari.. Pano ko naman makakalimutan yon? Isa yon sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga oras na nakasama ko ang taong hindi ko aakalaing mamahalin ko.
Hindi man maganda ang aming pagtatapos, masaya ako kasi nakilala ko siya. At kahit alam kong walang pag asa na maging kami talaga, hindi ako nagmove on. Kasi dun ako masaya. Ayokong buksan ang puso ko muli sa ibang tao.
Kung dati kinikilig pa ako pag naaala ko ang mga pagsasama namin. Ngayon? May halong lungkot.

"Ody! I'm sorry I'm late.. "- tiningnan ko si Jimin. Nginitian ko siya.
Mali kayo ng iniisip..
Hindi kami nagkatuluyan.

Hindi niya daw pwedeng ipagpilitan ang sarili niya sakin kung mahal ko daw talaga si Jungkook. Pwede naman daw na magkaibigan kami.
Gusto niya kasing mahanap ang sarili ko at malaman ko ang totoong gusto ko.

At tama siya, sa pagiging malaya ko don ko napagtantong masarap magmahal. Kahit masakit, kahitbhindi ka suklian, hindi mo parin makakalimutan at iba parin ang saya ng pakiramdam ng nagmahal kahit saglit lang.
Siyempre, sa lahat ng oras hindi ko maiwasang hindi siya isipin, sa lahat ng oras.

"Ody. Hindi mo na naman ako iniintindi. Umaapaw nabyang tubig oh."- tinignan ko siya.. At yung basong sinasalinan ko ng tubig.

"You're smiling... Matagal ko nang hinahanap yang ngiti mo.."- nginitian ko siya lalo..

"Ngiting naka move on?"- inasar niya ko. Sa six months na nagdadrama ako, siya ang nasa tabi ko at naging close talaga kami. Open ako sa kanya at alam kong alam niyang hindi pako nakakamove on.

"Gago! Hindi. Inaalala ko lang yung nangyari.."

"You know what Ody??"- tinignan ko siya..

"Walang malisya but you're so beautiful. Mas maganda ka ngayon.."- inirapan ko siya at taas noong nagmalaki..

"Woaaaah! Sila lang no??"- nagsidatingan pa sa cafe plaza ang buong bts. I mean yung lima. Nasa Norway nga diba si Jungkook. Nandito kami every saturday at binili na daw to ng Bts para hangout place nila.

"Ody, can I court you?"- tinanong ako ni Rapmon at nagtawanan kami. Sanay na kami sa tanong niya sakin sa tuwing magkikita kami.

"Do you know what? Yung tawa mo talaga parang may sinusumpa eh.."- asar sakin ni Taehyung.
Inirapan ko siya..

"Ody.. Remember this pen??"- nanlaki ang mata ko?? Nagtataka ako kung anong pen yun na pinapakita sakin ni Jin Eomma..
Tapos may pinindot siya sa gilid non.

"Jungkook!? Mahal kita, bumalik ka naaaaaa! Parang awa mo na... Magpapakamatay ako!"- sinamaan ko siya ng tingin at pinagtawanan ako ng mga gago. Sabi na eh, nirecord nila yung nga sandaling nalasing ako...

"I hate you!"- inirapan ko sila. At tinignan ko si Jimin at sinabing ipagtanggol ako pero nagkibit balikat siya kaya hinampas ko siya..

"Pinagtutulungan niyo naman siya eh."- ???????

**
AN: Yeah :( Basahin niyo na yung susunod.. Last Chapter nayon. Kailangan ko ng tapusin dahil ayoko ng masyadong mahabang story..
Nalulungkot ako....

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now