Chapter 1: Concert

123 13 3
                                    

(Ody's POV)
Inagaw ko yung remote kay Ate at madaling pinatay ang T.V. Nakakairita na yang mga ganyang tugtugan ha! Masyadong sinasapuso kahit hindi maintindihan. People nowadays.

"Bakit mo pinatay? Live streaming na nga lang afford ko? Oh my god. I think I'm gonna die. I can't breathe."- hinila nya sakin yung remote at binuksan uli ang TV at muli na naman syang nagsisigaw at nagtatalon. Tinry kong sumilip sa TV para makita ko yung kinababaliwan nila.
"He wears cotton candy?"- sinamaan ako ng tingin ni Ate. Totoo naman yung isa sa kanila parang pink na cotton candy yung buhok. Yung isa naman blue. Yung isa green. Tsaka gwapo lang naman yang mga yan kase retokado. Tsaka kaya naman ng ibang tao yang mga ginagawa nyan.

Yun ang hindi ko maintindihan. Anong meron sa kanila? Gwapo nga sila ginastusan naman yang mga pagmumukhang yan. I cant believe this. Yung mismong kapatid ko pa? She's OA. Iba na sya. Para na syang baliw screaming "Woohyun Saranghae. Daebak. Ang lakeee."- pinapaltan nya lang ng pangalan yung una. At kinakanta na yan sa twing nanunuod ng Kpop Mv's.

MakaKpop si Ate. Lahat ng tungkol sa Korea inaalam nya. She's Feel-Kor. Feeling Koreana. At ako? Wala akong pakielam. Hindi ako basher ng Kpop. They driving my sister's crazy. And I don't like to see it.

Yung pera nyang ipon? Napupunta lang pipitsuging Kpop Merch. Yung pangkain nya sana? Nauwi sa bato. Not drugs.

Pumasok ako sa Loob ng Kwarto ni Mama dahil alam kong hindi maririnig dun ang kabaliwan ni Ate. Pasuray suray akong maglakad kaya nasagi ko yung envelope sa ibabaw ng cabinet at nalaglag yon. Hindi ko sana pupulutin pero may nakita akong visa.

"Ang swerte ni Ate."- sabi ko sa sarili ko habang pinupulot ang nalaglag na papeles namin. Naglalaman iyon ng pagaapruba ng Visa namin to Korea. Kaya ganon nalang ang kaswertehan ni Ate dahil nakatira ang Idol nya sa lugar kung saan nakatira ang Tatay namin. But he's not Korean. Yung citizenship nya lang. Hiwalay na sila ni Mama at may iba narin syang pamilya pero wala daw silang anak. At itong paglipad namin ni Ate sa Sokor ay regalo ni Papa kay Ate kasi gumaraduate sya ng cum laude nung college. At para narin daw makasama kami ni Papa. Maiiwan naman yung bunso kong kapatid dito kay Mama. Ayoko sanang sumama kaso ayaw pumayag ni Papa ng hindi ako kasama kaya nagmakaawa sakin si Ate. The day after tomorrow. Aalis na kami.
Lumabas nako ng kwarto. At tiningnan ko si Ate na nanunuod padin ng Kpop Videos sa TV.

"The day After tomorrow."- tiningnan nya ko at mukhang nagets nya dahil nanlaki ang mata nya at nagsisigaw sya.

"South Korea for Reaaaaaal?! THE. DAY. AFTER. TOMORROW."- hindi ko alam pero KPOP FANS ARE REALLY FREAKING RETARDED. Daig pa nila ang pinainom ng Tiki-tiki.

Im gonna miss this place.

Kinuha ko yung cellphone ko at nagsalpak ng earphone.

"Oh. Baby come back. Your choice? Drop it on me."- napatingin ako sa title ng kanta. BAD BOY? BIGBANG???? Iniscroll down ko yung playlist ko at nakita kong puro KPOP SONGS ang laman non.

"Just in case na magustuhan mo para makarelate ka sakin."- nginingitngitian nya lang ako. Kainis. Sino pa nga ba ang maglalagay nito.

Korea. I love that place. Koreans? Literally not.
I don't care about those chinky eyes with thick black penliners.
Don't care about their white, smooth and soft skin.
Don't care about their almost perfect body.
And don't care about them.
And that's freakingly awesome.

**
AN: end of Chapter One.. Alam kong.medyo maiksi lang pero next chapters mahahaba na. Enjoy reading. Thanks for reading!!!! Lovelots. ❤💋 Vote please para malaman ko kung ipagpapatuloy ko pa. Thank you so much.

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now