-13- (Wrong Sent)

40 12 2
                                    

(Ody's POV)

'Ody! Ody! Gumising ka nga. Para kang timang, baliw, ulaga.'

Nagpapaikot ikot ako sa kama ko dahil naaalala ko yung nangyari kanina.

'She's not my girlfriend'

'She's not my girlfriend'

'She's not my girlfriend'

Bumangon ako. Teka totoo naman ah? Hindi niya naman talaga ko girlfriend! Kaya nga kahit kanina na nalulunod nako mas inuna niya pa si Jena eh.

"Achoo!"- sisipunin pa ata ako. Bumalik ako sa pagkakahiga at nakita ko yung jacket na bigay ni Jimin.

"Hindi pa pala ko nakakapagpasalamat ng maayos."- hinanap ko yung phone ko para tingnan yung oras.

"10:58 PM."

Gabi na. Malamang tulog nayon.

Binalik ko yung tingin sa phone ko.
May nakita akong text. Galing kay Jungkook???

From: Evil

'Goodnight Babe. I miss you :*'

Delivered: Yesterday 10:30 Pm.

Kagabi pa? Teka. Dun ako natulog ah? Na wrong sent siya! Ang tanga naman nito.

"Hoy. Wrong sent ka! ".

Nireplyan ko siya.

Evil: Oo ngayon ko lang napansin. Gising ka pa?!

- ang tanga nito! Malamang gising pako. Nakapagtext pa nga ko eh.

Me: Oo gising pa.

Evil: I mean, bakit gising ka pa?

Me: Hindi ako makatulog eh.

Evil: Bakit? Wala ka bang mayayakap na unan diyan?

- para kong loka loka. Takte! Di ako kinikilig ha! Naalala ko lang yung kagabi! Kyaaaaah! Erase. Erase. Erase!

Me: Anong tanong yan?! Eh ikaw bat gising ka pa?

10 minutes.

Haist. Tulog na ata yon.

30 minutes....

Sabi ko nga tulog na.

1 hour.

Hindi ko siya iniintay magreply no.

** beep **

Evil: Iniisip kase kita.

WHAAAAAAAAT?!
Napasigaw ako. At parang tangang ngiting ngiti.

** beep **

Evil: Wrong sent ulit. Goodnight. Stupid Clumsy Pervert.

Pfffft. Okay. Hindi ako nag assume!

**

Weird. Halos 12 Midnight nako natulog at maaga akong nagising.

"Goodmorning Mrs Park."- nagulat ako dahil pagpunta ko sa kusina ay nandun na si Jimin. Nagtitimpla ng kape. Maaga rin siyang nagising? 5 am palang ah.

"Goodmorning."- naupo ako dun sa Stool sa tabi ng table.
Inabutan rin ako ng tasa ng kape ni Jimin. Ngumiti ako at bumulong ng thank you.
Naupo siya sa tabi ko.

"Sinong pinakgwapo saming pito?"- nagulat ako ng tanungin niya ko non. Err. Sino nga ba? Nag isip ako.

"Haha. Wag mo munang sagutin."- well para sakin si Taehyung at Jungkook. Lahat naman sila gwapo eh.

"Alam mo, masaya akong magkaron kami ng bakasyon dito sa resort nato. Lahat ng pagod at hirap na naramdaman namin, nawawala."- napatingin ako sa kanya. Hindi halata sa itsura nila na pagod sila.

"Kahit pagod na kami, hindi namin pwedeng ipakita sa mga fans namin na pagod na kami. Dahil trabaho namin ang pasayahin sila. Hindi madaling maging sikat. Kulang sa tulog at minsan malilipasan ka ng gutom."

"Edi pagod ka na niyan?"- wala kong ibang masabi dahil hindi ako makarelate. Pero base sa sinabi niya, hindi nga madali ang ginagawa nila.

"Sure ka bang hindi mo ko kilala? Ang bts?"- umiling ako.

"Bangtan Sonyeondan?"- umiling ako uli.

"So hindi ka Army? I mean hindi ka namin fan?"- tumango ako. Napasinghap siya.

"I can't believe this. Kaya pala wala ka man lang reaksyon kanina ng makita mo kami. Sang planeta ka ba galing?"- pabirong sabi niya.

"Taga Pilipinas ako. Minsan ko nang narinig ang pangalan niyo sa Ate ko pero wala kong idea na kayo pala yon."- mukha siyang namangha.

"Kaya naman pala. Anyways, masaya ako na hindi ka pala talaga Gf ni Jungkook."- nasamid ako. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"May gusto ka ba kay Jungkook?"- kumunot yung noo ko.
Tinitigan niya ko at nag iintay ng sagot ko. Nataranta ako at kinabahan.

"W-al-la. B-bak-kit?"- nauutal rin ako. Ginulo niya yung buhok ko.

"Kasi ako gusto ki--"- tumayo ako. Ayokong marinig ang sasabihin niya kahit wala akong kasiguraduhan kung ano yon.

"Alam mo, may nakalimutan akong gagawin. Sige paalam."- nagmadali akong umalis at umakyat pataas.

"Babe! Babe! Wake up!"- nakita ko si Jena na nakatayo at kinakalampag yung pinto ng kwarto ni Jungkook.

Maya naya'y nagbukas narin yung pinto at nakita ko si Jungkook na naka hawaiian shorts at plain white shirt. Kakaligo niya lang rin.
Muntik nakong mapatalon nung pasadahan niya ko ng tingin at ngitian.
IMAGINATIOOON.

ERASE. ERASE. Namalikmata ka lang.

Hindi ko napansing magkatapat lang pala ang kwarto namin ni Jungkook. Pumasok ako sa kwarto ko at isinara ng marahan ang pinto.

Sumalampak ako at nahiga sa kama.

Kung nandito lang si Woohyun baka hindi siguro ako bored ngayon.

**

AN: End of chapter! Thank you for reading guysssss! Mapapadalas ang pag uupdate ko dahil tatapusin ko na to bago mag pasukan para makapagstart nako sa bago kong story 😊😊😊 Wag lang akong tatamaan ng katamaran.

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now