-12- (Jimin's Game)

50 11 1
                                    

(Jungkook's POV)

Hinawakan ko ang panga ko sa sakit. Nasobrahan ata ako sa kakatawa.
Pinunasan ko rin ang luha ko sa gilid ng mata ko.
Kailan pala ko huling tumawa ng ganto? Nakakaloko lang. Ang sarap niyang inisin at nakakatawa yung mukha niyang mapula pa sa kamatis.

Nagtaka ako kung bakit siya tumahimik. Tumingin ako sa direksyon niya. Nanlaki ang mata ko ng makita kong nakatingin siya sakin. She's doing it again.

"Wag ka ngang ngumuso! Mukha kang bibe."- binato ko siya ng buhangin. Napabuntong hininga ako.
"Kyaaaah!"- tumayo agad ako at tumakbo papuntang dagat ng makita kong kumuha ng buhangin si Ody.

Naiinis at namumula na naman sya na parang kamatis.

"Habulin mo ko!"- lumangoy ako para mapalayo ako sa kanya.
Habang lumalangoy ako, napapansin kong parang lumalakas yung alon sa dagat. Tumigil ako at lumangoy pabalik. Hinanap ko si Ody.

Wala siya.
Hindi ko siya makita.
Hindi kaya?!
Sisisirin ko na sana ang ilalim ng dagat ng marinig kong sumisigaw si Jena.

Sigaw siya ng sigaw na nalulunod siya kaya nagmadali akong lumangoy papalapit sa kanya.

"Joke! Hahahah. Mahal mo talaga ko ha!"- hinampas niya ko sa braso. At nainis ako sa ginawa niya. Umahon nako sa tubig at tinanaw ang dagat.
Nakita ko si Jimin na nakasakay sa speedboat at angkas angkas si Ody.

Nakarating na pala sila Hyung.

"Sorry kung pinakaba kita ha?"- pinulupot ni Jena yung kamay niya sa braso ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis. Gusto kong magalit kay Jena. Hindi niya ba alam na may buhay na nakataya kanina at nakuha niya pang magbiro?

Hinila ako ni Jena papuntang nipa hut at dun kami naupo.

"Look. Close agad si Jimin at Ody."- tinuro ni Jena yung direksyon ni Ody at Jimin.
Papalapit na sila dito sa nipa hut.
Hindi pa nila alam na si Jena ang pinakilala kong Stylist ay ang totoo kong Girlfriend.

Mahabang palinawagan ang ihahanda ko mamaya.

"Seriously Kookie? Mas inuna mo pang sagipin yang stylist mo kesa sa Girlfriend mo?"- bungad agad sakin ni Jimin. Nakaramdam ako ng inis, sabi na nga ba at may masamang nangyari kay Ody. Pero mas inuna ko si Jena.
Kung alam ko lang na nagbibiro lang si Jena, hindi ko na siya lalapitan.

"She's not my girlfriend."- lahat sila napatingin sakin at nagulat. Pwera lang kay Ody. Nakatungo lang siya.

"Hyung, i want you to meet my Girlfriend."- inakbayan ko si Jena. Lahat sila mukhang hindi makapaniwala.

Ipinaliwanag ko na sa kanila ng maayos at naintindihan naman nila.
Nalaman ko rin na may gusto pala si Taehyung kay Jena, pero hanggang dun lang naman daw yon at may tiwala ako kay Taehyung.

"Achoo!"

"Magkakasakit ka niyan. Mrs Park."- napatingin ako kay Jimin.
Kinuha niya yung Jacket niya at ibinalot kay Ody.
Ano naman kayang plano ni Jimin?
Lahat nalang ng babae pinaglalaruan at niloloko nito.

"Jimin. Let's talk."- tumayo ako lumabas ng nipa hut. Naramdaman ko ding sumunod sakin si Jimin. Hinarap ko siya.

"Jimin. Anong plano mo?"- nagpamulsa sya at tiningnan ako. Ngumiti siya. Nakakalokong ngiti.

"Alam mo kung anong ginagawa ko di'ba? Simple lang. Hindi siya sayo. So pwedeng sakin siya. Akala ko ba sanay ka na sa laro ko??"- tiningnan ko siya at mukhang seryoso siya sa sinasabi niya.

"Wag si Ody. Iba nalang. "- inakbayan ako ni Jimin.

"Ayoko ng iba. Si Ody ang gusto ko. Siya ang tipo ko, madaling mahulog sa bitag at mukhang palaban."- at tinapik niya yung balikat ko.
Umalis siya at iniwan akong mag isa.

"Aaaaaaaaaaaaaa!"- napasabunot ako sa sarili ko.

Ody's not a game to play.
Not a food to taste.
Not a glass to break.
Not an item to buy.
She's also a human but she doesn't deserve to be hurt.
She's a woman, deserves to be happy and to be loved.

I'm not falling for her.
I just want to protect her, no less no more.

**

AN: Sweetside at heroic side ni Mr. Ilong lumalabas.
Nahuhulog na ba ang loob ni Ody kay Jungkook?
O nahuhulog na ba ang loob ni Jungkook kay Ody?
Abangan yan sa next chapters!
Thank you for reading guys! Thank you for your support!

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now