-15- (Danger)

39 12 1
                                    

(Ody's POV)

"Jimin! Habulin mo naman yung bola.."- sigaw ni Taehyung.
Natatalo na kasi sila sa Volleyball, dahil laging mintis ang tira ni Jimin. kalaban nila ang Rap Team sila Suga, Rapmon at Hobi.

"Para sayo to Ody!"- nag spike si Jimin kaso hindi yun umabot sa side ng kalaban kaya sa Rap Team napunta yung score.

Umiling si Jimin at nakipag apir kay Taehyung. Kahit na ako yung nahihiya sa ginawa niya.

"Kookie! Sali ka!"- napatingin ako sa likod ko nung marinig kong tinawag ni Taehyung si Jungkook.
Tumango lang si Jungkook at naupo sa tabi ko.

Hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Nakakunot ang noo niya dahil nasisilaw siya ng araw. Pinagpapawisan rin siya at nagpapaypay siya gamit ang kamay niya. Inabutan ko siya ng tubig at tiningnan niya lang ako bago tinabig yung kamay ko.

Nagulat ako sa naging reaksiyon niya. Akala ko Okay na kami. Pero akala ko lang pala yon. Bumalik na naman siya sa pagiging magaspang.
Tumayo siya at pinigilan ko siya kaya napabalik siya sa pag upo.

"Y-yung kanina, k-kay J-jimin. Hindi ko ginusto yon. Sorry."- Tiningnan niya ko. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Okay lang. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Wala naman tayong relasyon eh."- Shit. Oo nga pala.. Pero akala ko.... Akala ko kaya siya nagkakaganito kasi nakita niya kong kahalikan si Jimin..

"Akala ko kas--"- nagulat ako sa sinabi niya kaya napatahimik ako.

"Akala mo nagseselos ako??"- nanlaki ang mata ko. Anong sasabihin ko??

"Nag away kasi kami ni Jena."- dun ko naisip na sobrang tanga at feelingera ko pala.. Napayuko nalang ako..

"Binalaan kita, sabi ko wag kang mag eexpect ng kahit ano mula sakin. Nagpakita lang ako ng kabaitan saglit, binigyan mo na agad ng kahulugan."- nararamdaman kong kahit anong oras pwedeng pumatak ang luha ko. Nagtutubig na ang mata ko. Huminga ako ng malalim.. Anong mali sakin? Bat parang masikip sa dibdib ang nararamdaman ko?

"Wag mo muna kong lapitan."

Natulala ako. Anong gagawin ko? Aalis? Tatakbo? O mananatili dito??

"Hey Ody. Halika libutin natin tong resort."- niyakad ako ni Jimin pero kay Jungkook siya nakatingin. Naweirdan ako kay jimin pero sumama ako sa kanya. Distansya muna kay Jungkook, yun lang. Para sa ikabubuti ng lahat.

**

Naglalakad kaming dalawa sa dalampasigan.
Malalim pa sa dagat ang iniisip ko.
Pero kasing linaw din ng dagat ang lahat..

Nag assume ako.
Nag expect.

"Kyaaaaaaah!!!"- nagwala ako dahil binuhat ako ni Jimin (Bridal Style) at papunta syang dagat..

"Wag kang malikot! Baka malaglag ka"- tiningnan ko si Jimin. Naaalala ko si Jungkook.. Napangiti ako pero bigla rin akong nainis. Walang maganda don!!

"Aaaaaaccccck!!!!!"- nagulat si Jimin.. Nagtaka siguro siya kung bakit ako sumigaw..

Nginitian niya ko ng nakakaloko at binato niya ko sa tubig..
Pero maya maya hinila niya ko.
At winasiwas yung tubig papunta sa mukha ko.
Napikon ako kaya gumanti ako.

Sa sandaling ito nakalimutan ko yung nangyari kanina. Nakaramdam ako ng kasiyahan. Sana lagi nalang ganto.

Hinila ako ni Jimin at hinawakan ako sa kamay. Naglakad kami pabalik sa cottage dahil inabot na pala kami ng hapon sa paglalaro.

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now