-17- (Acceptance)

38 11 1
                                    

(Ody's POV)

"Ody...."- hindi ko napigilang hindi humikbi. Sa sobrang pag aalala ko napaiyak ako. Masaya ako na marinig ang boses niya.

"Hoy! Stupid! Are you crying?"- mas lalong tumindi yung pag iyak ko at napahagulgol ako.

"Ssshhh. You're so ugly when you cry."- parang kinurot yung puso ko. Nakuha niya pang mang asar! Parang wala siya sa bingit ng panganib ha?

"Okay ka lang? Wag kang aalis diyan! Wag kang tatayo!"- tumayo ako at nilapag yung phone ko sa kama at lumabas ako ng pinto ng kwarto.

Dahan dahan akong lumabas ng cottage bago ko tinakbo ang likod ng cottage papuntang gubat.

'Matapos nito, hindi na talaga kita lalapitan.'

Yun ang naisip ko habang tumatakbo ako papasok ng gubat.
Wala akong idea kung san ako pupunta hanggang makita ko ang higanteng puno at maaninag ng liwanag ng buwan ang lalaking nakaupo. At ilaw ng cellphone niya.

Nang makita ko syang nakaupo at nakasandal sa puno, nakayuko sa gitna ng ulan. Napatigil ako.

'Ganon niya talaga kamahal si Jena na lahat niya samantalang si Jena nandun sa cottage. Natutulog. Kaya yun ang nagtulak sakin na hanapin siya dahil ako ang nakokonsensya para kay Jena. Alam kong pinapaiwas na niya ko pero kailangan ko tong gawin.'

"Hoy!"- inangat niya ang ulo niya. Nakatingin lang siya sakin kaya nginitian ko siya at naupo ako sa tabi niya para mapantayan ko siya.

"Okay ka lang?"- kasi ako hindi ako okay. Masyadong malamig...
Nagulat ako ng hilauin niya ko at yakapin.

"Ody...."- humigpit yung yakap niya at napaiyak ako.. Ody! You're not falling for this guy okay??

"Hindi ko nakita si Jena.."- bumitaw ako sa pagkakayakap dahil natauhan ako. Pinunasan ko yung luha ko para di niya makita at pinaliwanag ko sa kanyang nasa cottage na si Jena pero di ko sinabing hindi naman talaga siya nawala.

Hinila ko siya patayo at sabay kaming lumabas ng gubat.

"Ody."- tinignan ko siya bago kami pumasok ng cottage.

"Oh?"

"Thank you pero sana hindi mo na ko hinanap."- nilagpasan niya ko at pumasok na siya sa loob.

Dumiretso siya sa Cr at kumuha ng towel samantalang ako? Naiwang tulala don.

"Oh bat ka basa?"- natauhan ako. Tiningnan ko si Jimin na kakababa lang ng hagdan. Umiling ako.

Nakatingin siya sa left sife niya. Kaya tiningnan ko kung sinong tinitingnan niya at nakita ko si Jungkook.

"Nakabalik ka na pala."- tinaguan siya ni Jungkook.

"Mauna nako."- nilagpasan ko silang dalawa at umakyat ako sa hagdan.

At naramdaman kong may sumusunod sakin.

Nilagpasan niya ko.

God! It was Jungkook!

Tumigil siya sa pinto ng kwarto niya.

"Jungkook!"- tumingin siya sakin..

"Wag ka rin sanang mag expect."- ngumiti siya at tumango. Bago siya pumasok sa loob ng kwarto niya.

'Good Job Ody! Wag kang obvious! Iwas at deny lang hangga't kaya! Wag puso ang pairalin ha?'

'Tanggapin na rin na hindi lahat ng gusto, nakukuha..'

**
AN: Short update for now. Medyo busy ako eh. Thank you for reading 😊😊😊😊

Behind The Cameras: Perfect MistakeWhere stories live. Discover now