Chapter Twenty Two: Feelings Revealed

Start bij het begin
                                    

~•~

After that parang naiilang si Vince sakin.

“'Wag kang mailang. Alam mo bang dadalawa lang kayo ng hacker ko na nakakaalam ng mukha ko?” sabi ko. Nakaupo kami ngayon dito sa bench.

“Queen...”

“Ano ba, 'wag kang matakot? Treat me as Ice not Icy.”

“S-sorry po. Pero kaya pala nagkakacrush 'yung iba sa inyo kasi babae talaga kayo. Pati nga ako eh.” Gwapo si Vince kaya lang it seems like he is a coward, or sa harap ko lang? “Ano po bang plano niyo bakit niyo ginagawa ito?”

“Curiousity kills, don't you know that?”

“S-sorry po...” nanginginig na sabi niya.

“WAAHAHA. Ang cute mong matakot. Uy 'wag matakot sige ka mas tatakutin kita. And drop that 'po'. Kausapin mo ako ng magalang kapag nakamaskara ako hindi 'yung sa ganito. By the way, I know your expertise in terms of selling drugs, weapons and diamonds in Underground World. Since first day of school, I've already have my eyes on you that's why I decided to make you as my right hand for the account here in the Philippines."

He just nodded.

"Do you accept this offer?"

"Of course, Queen. The pleasure will always be mine serving you."

"Don't worry about the bankruptcy of your father's corporation, I'll take care of it."

"Alam mo?"

"Of course. I know all the information about you, Vince. Kaya mo pinasok ang underground market kasi gusto mong isave ang naluging corporation ng dad mo. And the answer is here right in front of you," I said while pointing to myself.

"Thank you, Queen Icy."

"No worries, Vince Calleda."

It was a moment of silence.

“Good luck pala bukas Ice.”

“Thank you."

~•~

Tapos na akong nagshower, mga ten pm na wala pa din si Sine. Nandito kanina si Akihiro kaya lang uuwi raw siya. Sabi niya kanina kung okey lang daw ba ako? Sabi ko naman oo. Then he said na hintayin ko nalang daw si Sine para may kasama ako.

Uwaaaa! Naaalala ko tuloy 'yung kanina. Gusto niya akong halikan? So it means gusto niya ako?! Gusto niya ako?! Gusto ako ni Sine!

Tumayo ako at bumaba. Umupo ako sa kama ni Sine. Hanggang ngayon kinakabahan parin ako. Ano nalang sasabihin at gagawin ko mamaya? Nakakailang iihh! Crush ko naman siya. In fact gusto ko na nga siya. Ang pogi niya kasi tsaka minsan mabait. Kapag kasi nakita mo 'yung mabait na side niya eh mahuhulog ka. Eww. What a word? Ang badoy. Nandito sana si Erroll para may kasama ako, 'yung hindi ako naiilang.

Parang may narinig akong mga kalampag sa labas. After some minutes ay may malakas na kumakatok sa pintuan. Si Sine! Iiihhh! Nakakakilabot.

Tumayo ako at unti unting binuksan 'yung pinto, nakita ko siyang hinuhubad 'yung t-shirt niya tapos ang pungay ng mata niya. Amoy alak pa. Saan naman kaya nagpunta 'to? Parang nahihilo siyang umenter. Napabackward naman ako dahil nakakakilabot siya. Kitang kita ko na ngayon 'yung katawan niya. Nakita kong sinarado niya 'yung pinto tapos lapit siya ng lapit sakin. Hanggang sa kinorner niya ako sa mga bisig niya na nasa ding ding na.

Amoy na amoy ko 'yung alak.

“Pinahiya mo 'ko kanina, Ice.” sabi niya sa tonong lasing.

“Ahhh...” kinakabahang sabi ko. Kasi naman ehhh kami lang nasa dorm tapos, tangka niya pa akong hahalikan kanina. Iniisip ko na may mangyayari samin. Pero no! It should not be!

“Namimiss ko na 'yung labi mo.” anong sabi niya? Namimiss niya? Eh hindi pa naman kami naghahalikan.

“Anong gagawin m—?” hindi ko na naituloy 'yung sasabihin ko at napalaki mata nalang nang nilapit niya 'yung lips niya sa lips ko. Ang lamig ng lips niya at ang lambot. Nanghina ang tuhod ko nang naramdaman ko ang katawan niya na nakalapit sakin. Tapos 'yung lips niya nagsimulang gumalaw. Napapikit ako sa sensasyong binibigay niya sakin at nagsimula naring sagutin ang mga halik niya. Ang sarap ng halik niya nakakaaddict. Kahit nalalasahan ko 'yung alak, mas nilaliman niya 'yung halik niya. Ang kamay niya nasa likuran na ng ulo ko, while pulling it.

I don't know pero parang nawala ako sa huwisyo nang nagsimula kong ilagay ang kamay ko sa chest niya papunta sa dalawa niyang braso. I wrapped my both hands around his neck while responding to his kisses. I don't know how to kiss but when I felt his lips, nagkusang gumalaw ang akin. Sobrang lakas ng tunog ng puso ko to the point na naririnig ko ito. May nararamdaman rin akong kakaiba na hindi ko maintindihan.

“Hmmm...”

“Hmm...”

His hands went on my back habang umuupo kami sa kama niya. His kisses went on my jaw and to my neck.

“Alam mo, mahal na kita kahit mali,” sabi niya tsaka niya akong niyakap ng mahigpit. Nahiga na siya while I can feel his lips on my neck and his breathing. Hindi naman ako makagalaw. Ano itong nararamdaman ko? Sobrang naginit ang aking katawan at ramdam ko 'yung hubad niyang katawan na sobrang init din. I-I can feel something hard on his down part. Mas hinigpitan niya 'yung pagyakap niya when I tried to escape. “'Wag kang umalis kahit sa panaginip lang. Mahal kita,” sabi niya na nagpakabog ng puso ko.

'Yung first kiss ko siya. 'Yung una pagkaramdam ko ng ganito, siya ang dahilan.

“Nagugustuhan na rin kita...” sabi ko naman.

“Salamat,” he said while his eyes were closed. For a moment, I hugged him so tight at nakatulog sa tabi niya ng magkayakap.

~•~

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu