Chapter Twenty: Not Hard To Love

Start from the beginning
                                    

"May pupuntahan kami ni Sine mamaya." rinig kong sabi niya.

"Saan naman?" tanong ni Erroll.

"Uhm, magmemeryenda?"

"Edi pwedeng sumama?" si Erroll bwisit.

"Tanong niyo sa kanya."

"Basta sasama nalang kami."

"Pero hindi ko kayo ililibre ah. Kasi ililibre ko si Sine eh."

"OK lang."

~•~

Ang kinalabasan kasama ko ang lahat na pumunta sa may harapan ng Jacksonville. Parepareho kaming nagsikain ng kwek kwek at sago't gulaman. Mga epal talaga 'tong mga ito oh.

Lalaki ako pero bakit nagagandahan ako kay Ice? E 'di ba kapag bading e nagwagwapuhan sa kapwa lalaki? Eh anong tawag sakin?! Putek! Ang sakit ng ulo ko.

"Todo ngiti ka," pansin ko kay Akihiro, katabi ko. 'Yung kambal naman eh nakikipagsayaw roon sa mga ibang estudyante ng nae nae at running man habang nagpapatugtog. Bali 'yung dalawa e sinosolo si Ice. Kainis. Ano kayang nararamdaman nung dalawa kasi halata naman kasing gusto nila 'yun. Ako kasi naiinis sa sarili ko. Ano ba kasing nararamdaman ko? Bakit ba kasi hindi nalang siya naging babae?

"Boy, ang daming puso."

Tumingin ako sa paligid. Puso? "Engot, anong pinagsasasabi mo?"

"Nagkakamabutihan na kami ni Britney."

"Britney? 'Yung kaibigan ni Ice?"

"Oo boy. Sa lunes nga daw manonood siya ng pageant... kung makukuha si Ice kaya dapat makuha siya para magkita kami." Buti pa 'tong lokong 'to babae 'yung natitipuhan.

"Alam ni Ice?"

"Siya nga nagbigay ng number sakin eh."

Mukhang tanga na nakangiti. Umalis ako sa tabi niya tsaka hinila si Ice mula sa dalawa.

"'Di ba sabi kong doble?"

"Ah oo nga pala."

Ayun, kumain kami. Gusto kong subuan niya ako gaya kanina. Tss. Dapat talaga may magconcert na naman para masolo ko siya.

At the end of the night, hindi ko naenjoy. Nakakinis kasi may mga epal sa buhay.

"Ice," tawag ko habang nakahiga na. Nakatitig ako sa taas.

"Mm?" parang inaantok na tanong niya.

"Good luck para bukas."

"Mmm... I love you..." Ano daw? Bigla akong napaupo at humawak sa puso ko. Kumabog ito ng kumabog.

"Ano?"

"I love you... dad."

Nadismaya naman ako doon. Nanaginip naman pala. Tumayo ako tapos tumingin sa mukha niya. 'Yung boses niya, boses babae. Boses... may kaboses siya. Narinig ko na 'yung boses na 'yun eh. Hindi ko lang maalala kung saan.

"Sana naging babae ka nalang," bulong ko.

Nawawala 'yung pagkaangas ko kapag katabi ko siya. Nababago ako kapag kasama ko siya. Sobrang saya ko kapag andiyan siya.

~•~

Ice's POV

I dreamt about my dad. He's saying that I should stop it now habang wala pang nasasaktan.

"Itigil mo na anak. OK na kami. Masaya na kami dito."

"But..."

"I love you."

"I love you... I love you, dad."

Kinabukasan, dala dala ko 'yung mga gagamitin ko for pre-pageant. Mamayang 1:00 pm pa naman 'yun kaya lang practice na naman daw. Dress rehearsal.

Pagdating ng hapon, ginood luck ako nilang lahat ng kasection ko. Bali ang susuotin namin ngayon eh sports wear. Ang suot ko naman 'yung motor racer para matakpan 'yung boobs ko. Nagwig rin ako kaya mukha na talaga akong babae.

Nang ako na ang maglakad since number 13 ako, lahat sila nagpalakpakan. Ang galing ko kayang magpoise, with this helmet. Tumingin ako kay Sine, titig na titig siya. Pati si Erroll.

"Mukha talaga siyang babae."

"Shet ang ganda niya."

"Liligawan ko 'yan!"

Oo. Ang ganda ko kasi. Tsaka nagmake up pa ako. Hayy ang ganda ko talaga.

After that Q&A.

Nang ako ang tinawag, nagstep ako roon with confident.

"If you were given a chance to change the past, will change it, or not and why?"

Napatahimik ang buong paligid. Hindi naman ako kinakabahan pero 'yung tanong, nakakaiyak.

"If I were given a chance, I will choose to change something in the past," konting sabi ko. "I want to do something in a scene where I didn't do anything in real life. Because I want to be happy," walang pumalakpak. I was pertaining to what happened to my family. I didn't do anything to save their lives because I don't know that their life is in danger. If only if I know, I could have save them, even though I was still young.

Pagkaraan ng ilang segundo.

"WOOO! GO ICEEE! WOOOO!" sigaw ni Akihiro na pumipiyok. He did his part. Siya nga 'yung may pinakamalakas na cheer.

"Let's announce the top seven who will make it to the coronation night."

Makukuha ba ako? Parang hindi. Ang panget ng sagot ko.

Lima na 'yung natawag.

"CANDIDATE NUMBER... 13!" hindi na ako nagulat. Tapos si Akihiro sobrang saya na nagtatatalon. Though, I know why, pupunta kasi si Britney kapag nakuha ako.

After that, sa backstage, nandun si Deniel.

"Kamukha mo talaga 'yung minsang nakabangga ko ng mall," sabi niya.

"Congrats Ice." sabi ni Erroll tapos hinawakan 'yung braso ko. "You deserved it."

'Yung dalawang kambal ang ingay sa may malayo. Ewan ko kung anong ginagawa nila.

Tumingin ako kay Sine na parang hindi makatingin sakin. Naiilang. Ramdan ko 'yun. Nakawig kasi ako at mukha talaga akong babae, though babae naman talaga ako.

"'Yun oh, boy ano namang masasabi mo kay Ice?" si Hiro na ngayon ay nandito na akbay akbay si Sine.

"Huh?"

"Hindi mo man lang ba siya ikocongratulate?"

"Uh... naiihi ako," umalis siya pagkatapos.

"Ice, halika may sasabihin ako." hinila naman ako ni Hiro sa malayo.

"Ano naman 'yun?"

"Tingin ko nababakla si Sine sa 'yo. Ang ganda mo kasi eh. Pansin ko lang ah. Kasi naman obvious hindi ba? Tsaka ganyang ganyan siya noon kay Diamond noong nililigawan niya. Pansin nga namin ni kambal na these past few days e nagiiba na siya... nagiging masayahin, ganun," dami niyang sinabi, ang naintindihan ko lang, nagugustuhan ako ni Sine. Ang dal dal talaga ni Hiro. "Ikaw, gusto mo rin ba siya?"

"Huh?"

"Alam kong may pagkagusto ka rin sa kanya eh. Kita ko sa mga titig mo sa kanya. Alam mo hindi naman ako tutol kung magiging kayo... sa relasyon niyo. E anong magagawa ng iba e mahal niyo ang isa't isa, 'di ba?"

"Kung ano anong sinasabi mo."

"Sus kunyare ka pa. Sige na nga alis na ako."

Naku, kung alam mo lang Hiro! Naku, naku naku! Inalis ko 'yung wig ko tapos inisip si Sine. hindi siya mahirap mahalin. In fact nagugustuhan ko na siya... paano iyan, si Erroll? Eh... bwisit. Ngayon ko lang narealised na ang hirap ma-attached sa mga lalaki.

~•~

Don't Test The Gangster In Me (Book 1): La Morte È Il Vostro KarmaWhere stories live. Discover now