Chubby Ako - Entry #44

Comincia dall'inizio
                                    

Lumapit ako sa kanya tsaka binaba yung bag ko sa upuan sa harapan niya. Kumuha na ako ng tray saka utensils at nagsimula nang pumila. Ang haba ng pila! Pero ininda ko yun. Haaay ke-bangag-bangag ko lang ngayong araw na 'to. Usually kasi, naiinis na ako pag gantong ang haba ng pila kasi mas lalo akong nagugutom, pero ngayon? Wala, bangag eh. Tinignan ko yung mga pagkain na inihanda nila Ate Manang ngayon. At yung mga pagkain? Parang utak ko ngayong araw, ang dry.

“Wala po bang adobo?” narinig kong tanong ng isang lalaki dun kay Ate Manang. Tumingin ako kay Ate at nakita kong umiling siya.

Tumingin naman ako dun sa nagtanong at nakita ko si.. Luke. *sigh Pinagmasdan ko lang siya kasi halata namang hindi niya ako napapansin. Parang dati lang. And come to think of it, mas gusto ko yung dati. Yung ganto. Langit siya, earth ako. Naalala ko nung ipinagluto niya ako ng adobo. Aspiring chef siya eh. Ang sarap ng niluto niyang yun! Haaay. Ang dami na talagang nangyari. Sobrang dami.

“J-janella..” biglang bumalik yung diwa ko nang ma-realize kong nakatingin na rin pala siya sa akin. Inalis ko bigla yung tingin ko sa kanya. Shemay. Nakakahiya. >____<

“Eto na yung binili mo.” Naalis yung tingin ni Luke sa akin nang tawagin siya ni Ate Manang. Kinuha naman ni Luke yung pagkain niya tsaka nagbayad. Tumingin ulit siya sa akin pero iniwas niya agad ‘to tsaka umalis na. Buti naman.

Bumili na rin ako ng pagkain ko tsaka dumiretso na rin sa upuan namin ng mokong kong kapatid. “Kumain ka na?” tanong ko kay Josh.

“Yup! Hindi masarap.” Sabi niya tsaka minukhaan ako. -__-

“Problema mo? Hindi ako yung nagluto!” binehlatan ko naman siya tsaka nagsimula na ring kumain.

Sobra na yung konsentrasyon ko sa pagkain nang mapansin kong nakatitig lang sa akin si Josh. Tinignan ko naman siya at dahil may subo-subo pa akong kanin, sinamaan ko lang siya ng tingin para tumigil na siya sa trip niya.

“Kung yelo ka, kanina ka pa siguro tunaw sa kakatingin niya sa’yo.”

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot kay Josh. “Baduy mo! Sino ba?” tumingin ako sa likod ko at hinanap kung sino yung tinutukoy ni Josh na nakatingin sa akin. At tignan mo nga naman, nakita kong nakatingin sa akin si Luke.

Ibinalik ko agad yung tingin ko kay Josh at binehlatan siya. “Hayaan mo na nga yan. Patapusin mo muna ako sa pag kain pwede?”

Napa-tss naman siya sa sinabi ko habang umiiling. Gusto ko pa sanang magtanong pero kumain na lang ako.

Habang kumakain ako, kwento lang ng kwento.. ng kwento.. as in ang daming kwento.. ni Josh. Tumatango na nga lang ako para hindi niya mahalatang hindi ako nakikinig eh. Medyo narinig kong may itinanong niya sa akin pero dahil busy ako sa pag kain, tumango lang ulit ako sa kanya. Sana naman hindi masama yung itinanong niya kung hindi.. >___<

“Bakit ba tingin siya ng tingin sa’yo?” tanong sa akin ni Josh saka siya pumahalumbaba sa upuan niya habang nakatiklop yung mga braso niya.

Tumingin ulit ako sa likuran at tinignan si Luke.. pero wala na siya. Umalis na ata. Kung ganun.. “Sino bang tinutukoy mo?” tanong ko sa kanya tsaka uminom ng tubig.

“Wala. Tara na nga! Nakakabagot na dito. Wala man lang na maganda. Ang papanget niyo. Tss.” Tumayo na si Josh sa harapan ko.

Tumayo na rin ako tsaka kinurot yung braso niya. “Loko! Kinagwapo mo yan?” saka ko siya inirapan at nauna nang maglakad palabas ng canteen.

Bigla akong napatingin sa gilid ko at nakita kong dun sa sulok.. mag-isang kumakain si Kim. Haaay. Nabagabag ako ulit. Kelangan ko na siyang makausap. Teka.. *iling* Hindi ren.

Sabay na kaming lumabas ng kapatid ko. Siya eh dumiretso na sa gate kasi uuwi na raw siya at manunuod ng horror movies, habang ako, dumiretso na ulit sa room namin. Hindi pa naman time eh kaya nagbasa muna ako para may maisagot naman ako mamaya sa Physics di’ba. -____-v

Nahalungkat ko sa bag ko yung Science book na hiniram ko.. namin dati ni Kim sa library. >///< Eto yung.. aish! Kinuha ko yung libro saka naglakad papunta sa library para maibalik na. Medyo overdue na kasi eh.

Pagpasok ko sa loob, ibinalik ko yung libro sa librarian namin. Aalis na sana ako kaso nakita ko si Kim. Si Kim na naman. Napahinga ako ng malalim. Eto na yun Janella. Pangatlong beses. Pangatlong chance. Sinuntok-suntok ko yung noo ko tsaka lumapit sa kanya.

Nasa harapan ko na siya nang bigla kong naisipang umatras.. pero napako na ata yung paa ko sa harap niya kasi hindi na ako nakaatras pa. >_<

Napa-ahem ako sa harap niya para makuha ko yung atensyon niya. Napatingin naman siya sa akin at halatang nabigla rin siya kasi nakita niya yung pagmumukha ko sa harapan niya. “Hi.”

“Janella?” tanong niya. Ang casual. Nakakabagabag.

“P-pwede.. p-pwede b-ba tayo..mag.. mag-usap mamaya?”

“Sige. Sa guardhouse, okay lang?”

Tumango naman ako sa tanong niya. “S-sige. Kita na lang tayo mamayang uwian sa may guardhouse. Una na ako.”Hindi ko na hinintay pa yung sagot niya at mabilis na akong naglakad palabas ng library.

UTANG NA LOOB JANELLA! SUCCESS! *hinga ng malalim*

Nang nagsimula na yung afternoon session. Para akong ewan na hindi mapakali sa upuan ko. Gusto ko na mag-uwian! Makakausap ko na si Kim! Aja! Lumipas ang apat na oras ng lesson, quiz, at kung ano pang ek-ek hanggang sa marinig ko na ang bell na nagsasabing tapos na ang klase at uwian na. Agad-agad kong inayos yung mga gamit ko at tumingin sa likod para hanapin si Kim. Kaso wala na siya sa upuan niya. Nasaan na yun? Ay ewan. Tumayo na ako saka naglakad na papunta sa guardhouse.

Medyo malapit na ako sa guardhouse nang nakita ko si Kim na nakasandal doon sa may poste sa gilid. Nakapasok yung dalawang kamay niya sa magkabilaang pockets ng pantaloon niya. Huminga ako ng malalim nang makalapit na ako sa kanya.

“Hi.”

“Hey.” Tumingin siya sa akin tsaka ngumiti pero yung tipid na ngiti lang.

“Kamusta.. Kimpot?” napatingin siya sa akin nung sabihin ko yung ‘kimpot’ pero na-compose naman agad niya yung sarili niya kaya straight face ulit.

“Okay lang naman. Humihinga pa rin.” He smirked. “Ikaw? Kamusta na?”

“Yung about sa nangyari nung Prom.” I cut him off. Ayoko nang patagalin pa eh. Tumingin ako sa kanya. Hoping for an answer.

“Ano.. ano dun?” casual na tanong niya.

“Bakit umalis ka agad? Kakausapin pa kita nun eh. Tapos hindi mo pa sinasagot mga tawag ko. Kelangan mong malaman yung nangyari. Yung totoong nangyari.”

Natahimik kami pareho. Tumingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin. He gave me this faint smile pero naging serious face din naman ulit. Dun ako kinabahan.

“May pupuntahan pa ako. Maggagabi na rin. Umuwi ka na Janella.” Nauna na siyang naglakad sa akin.

“Kim.” Pero pinigilan ko siya. Nasa likod niya lang ako at naghihintay ako ng sagot niya.

Tumigil siya sa paglalakad. Hindi niya ako nilingon pero nagsalita siya. “Tapos na yun. Kalimutan mo na lang.”

Chubby Ako. (on-going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora