"Are you done now? 10 minutes is up. I think it's enough para agawin ang girlfriend ko." Bigla akong napatayo ng biglang lumabas si Chander.

Diretso ang tingin niya sakin at walang emosyon sa mukha. Hindi magkamayaw ang dibdib ko sa pagkabog, sobra akong kinakabahan. Kanina pa kaya siya? Narinig niya ba lahat?

"10 minutes won't be enough to get back what is mine." Muntik ko ng batuhin ng upuan si Ralph. Aish! Pinapalala niya pa ang sitwasyon eh!

Ngumisi si Chander habang pinaglalaruan sa kamay niya ang susi ng sasakyan habang nanatiling naka-upo si Ralph. Please, ayokong makakita ng away!

"Just to inform you asshole, Kyna is not yours. You must be dreaming. Do you want me to punch you to make you awake?"

"C-chander," Tinapunan niya lang ako ng tingin at binaling ulit ang atensyon sa susi.

"Leave us alone now." Malalim ang boses na sabi ni Chander. Kinikilabutan ako. Gusto kong hilahin patayo si Ralph at itulak palayo dahil mukhang wala siyang balak umalis.

"What if ayoko?"

"Ralph!" Singhal ko sa kanya. Ngumisi naman siya at tinitigan ako sa mata. "Mahal mo ba talaga siya?"

Napako ang mata ko sa mata niya. Pero mabilis ko yung iniwan ng marinig ko ang malakas na pagtunog ng susi. Tiningnan ko si Chander na seryoso ang mukhang nakatingin sakin.

"Yes, Ralph. Mahal ko si Chander. Kaya pwede ba umalis ka na dito."

Nakita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Chander. Thanks God.

"If you say so," Ani ni Ralph at tumayo. Lumapit siya sakin pero mabilis siyang hinila ni Chander palayo.

"Back off."

"Maybe she's with you right now, but I'll make sure that she will be with me in the future." Tumalikod siya at humakbang ng ilang hakbang bago huminto ulit.

"I will fight for her. I will win her back."

-----

Kate's POV

Hinanap ko si Justin sa loob ng bahay nina Dendo. Kanina pa ko paikot ikot dito at nahihilo na ako! Asan na ba kasi yung alien na yon!

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon