"I'm not drunk Kyna. I can still see your beautiful face."

"It's not funny Ralph, stop it." Hindi ko alam kung sinasabi niya lang ba to dahil naka-inom siya o dahil gusto niya lang akong pagtripan.

"I'm sorry Ky. Sorry for pushing you away." Nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang upuan ko at hinarap sa kanya.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Amoy na amoy ang alak sa bawat paghinga niya.

"Sorry for hurting you. I love you Kyna, I still love you. And I'm sorry for being coward. I know it's too late but I'm still hoping th---"

"Stop Ralph." Pagputol ko sa pagsasalita niya. Inilayo ko ang mukha namin sa isa't isa. "Please lang, naka-move on na ko. We're friends right? Alam mong may boyfriend ako and to tell you honestly, mas mahal ko si Chander kumpara sa pagmamahal ko sayo noon. Kaya please lang, wag mo nang guluhin ang isip ko."

"Alam ko yun. At wala akong balak na guluhin kayo. Gusto ko lang malaman mo na mahal parin kita at umaasa ako na hahayaan mo kong mahalin ka." Nalulusaw ako sa bawat titig niya. Napapaso ako sa mga hawak niya.

Napapikit ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Pero isa lang ang alam ko sa ngayon, at yun ang malinaw. May boyfriend ako.

"I'm sorry kung nalilito ka.." Napadilat agad ako sa sinabi niya.

"No Ralph, hindi ako nalilito. Malinaw sakin na mahal ko si Chander, sana malinaw din sayo. We're just friends Ralph, yung satin tapos na yun. Hindi na pwedeng balikan yon." Ayokong pagtaksilan si Chander dahil lang sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon.

Napayuko siya sa sinabi ko. Oo, naaapektuhan parin ako sa kanya. Pero hindi ko hahayaan na tuluyang maapektuhan sa bawat kilos at sinasabi niya. Tapos na eh, tapos na. At kung papapiliin man ako sa kanila, si Chander ang pipiliin ko.

BENEFITS [Completed]Where stories live. Discover now