"Perfect set up."

Saad ni Emman habang pinapalakpak ang kamay. "Tsked" na lang ang nasabi ni Kinneth dahil sa inis.

Magkatabi na ngayon si AJ at andrei tapos si kinneth naman ang katabi ni Andrei at si Emman at julius sa pinakadulo.

Tiningnan lang ng masama ni AJ ang kaibigan sa tabi nya. Nagkibit balikat naman si andrei. Habang poker face ang mukha ni Kinneth sa tabi ni Andrei.

Nagpatuloy ang klase nila ng pumasok na ang prof ng sunod nila subject. Para namang naging awkward ang naging pakiramdam ni AJ dahil kay andrei na katabi nya.

"Bruha ka talagang bakla ka."

Sambit ni AJ sa kanyang utak. Kanina pa gustong batukan ni AJ ang kanyang kaibigan. Pero wala syang makuha na timing dahil nga maraming makakakita pag ginawa nya yun.

Natapos ang klase nila na hindi nawala ang ilang na nararamdaman ni AJ.

Isang oras pa ang dadaan bago ang "lunch break" pero dahil nakaleave ang professor nila sa Filipino kaya naging vacant ang oras na yun. Lumabas na ang mga kaklase nila at sila AJ at ang prince 4 na lang ang natira sa kwarto.

"Anong gusto nyong gawin?"
"Mahaba-haba ang oras natin ngayon."

Tanong ni julius na tumayo pa sa harapan nila.

"First of all we need to eat."
"Tara na sa cafeteria"

Saad naman ni Emman na katabi ni kinneth. Nagsitanguan naman ang lahat bilang pagsang-ayon. Tumayo na si kinneth, Emman at Andrei sa kanilang upuan. Tatayo na sana si AJ ng bigla syang hawakan ni Andrei sa braso at inalalayan patayo. Kinuha din nito ang bag na nakasukbit sa balikat ni AJ. Napa" wooooohhhh" naman ang kabarkada ni andrei dahil sa inastang yun ni Andrei.

"Boy inlove"
"Hanep"

Tukso ni Emman kay Andrei. Pilyong ngisi naman ang pinakita ni andrei. Pasimple namang siniko ni AJ si andrei sa tagiliran.

Sabay-sabay silang lumabas ng classroom. Nasa unahan si Emman at Julius samantalang magkakasabay sina kinneth, andrei at AJ sa huli. Hinawakan muli ni Andrei ang kamay ni AJ gaya ng gina-gawa nya.

Pinagtinginan muli sila ng mga estudyanteng nadadaanan nila. Yung iba ay halos tunawin sa titig si AJ. Kulang na lang ay sugurin nila at kalbuhin si AJ. Humihigpit tuloy ang kapit nya sa kamay ni Andrei dahil sa takot. At dahil sa ginawang yun ni AJ kaya napalingon si andrei sa kanya.

"Is there any problem?"

Mababang boses na  tanong ni Andrei sa kaibigan. Hinaplos din nito ang pisngi ni AJ. Kitang-kita din sa mga mata nito ang pagaalala.

"Nahilo ka ba ulit?"

Tanong muli ni Andrei. Huminto si andrei sa paglalakad at hinarap si AJ. Ikinulong ni Andrei ang mukha ni AJ sa kanyang mga palad at mariin itong tinitigan. Napakunot noo naman si AJ dahil sa kinilos ni Andrei.

"Tigilan mo ako drei."
"I'm fine."

Saad ni AJ habang inalis ang mukha nya sa pagkakakulong sa palad ni Andrei. Nauna na din syang maglakad. Napailing na lang si Andrei bago sinundan ang kaibigan. Nang makalapit na ulit sya kay AJ ay kinuha nya muli ang kamay nito at pinagsaklop muli sa kanya.

Hanggang makarating sila sa cafeteria ay hawak-hawak pa din ni Andrei ang kamay ni AJ. Nakakaramdam na nga ng pamamawis ng kamay si AJ dahil dun.

Konti pa lang ang estudyante na kumakain sa cafeteria dahil hindi pa nga lunch break. Pinili nila ang lamesa na nasa may gitna. May kalakihan kasi ito kaya kasya silang lima. Si andrei ang umorder ng pagkain nila ni AJ at kasama nya si emman at julius. Habang naiwan si AJ at kinneth sa upuan.

Naging tahimik lang ang dalawa habang busy sina andrei sa pagorder sa counter..

Naging mabilis naman ang pagdating nina andrei sa lamesa kung saan nakaupo sina AJ. Dala-dala nila ang tray na may lamang pagkain nila.

Mabilis lang nilang kinain ang lunch nila. Kinuha ni AJ ang baso ng juice na nasa may gilid para inumin ito. Ilalapit na nya sana sa bibig nya ang baso ng matabig ito ni Julius na katabi nya. Natapon ang juice sa damit nya. Halos kalahati ng damit nya ang nabasa.

"Oh my."

Nasabi na lang ni AJ. Napatayo naman sina andrei, Emman at Julius at nilapitan nila si AJ. Mabilis na kumuha ng panyo si Andrei at pinunasan ang damit ni AJ.

"I'm sorry."
"Sorry AJ."
"Di ko sinasadya."

Hinging pasensya ni Julius. Nilingon sya ni AJ at nginitian.

"No. Its okay."
"Its my fault."

Saad ni AJ. Nakahinga naman ng maluwag si julius dahil sa sinabing yun ni AJ.

"May kukunin lang ako sa kotse ko."
"Wait me here."

Saad ni Andrei. Nakataas ang kilay na tiningnan ni AJ ang kaibgan. Maging sina Emman, julius at kinneth ay napatingin din kay Andrei.

"San ka pupunta? Bro."

Tanong ni Emman. Pero di na nasagot ni Andrei yun kasi umalis na sya agad.

May extrang damit si Andrei sa kanyang sasakyan. Naisipan nyang kunin ito para ipasuot kay AJ.

Habang wala si Andrei ay patuloy pa din si AJ sa pagpupunas ng kanyang damit na natapunan ng juice.

"Hey."

Tawag ni Kinneth kay AJ. Napalingon si AJ sa gawi ni Kinneth. Maging si julius at Emman ay napatingin din kay kinneth.

"You need to wash that."

Sabi ni kinneth habang tinuturo ang mantsa sa damit ni AJ. Tumango naman si Emman at Julius bilang pagsang-ayon sa sinabi ni kinneth.

"AJ"
"Samahan ka na namin sa restroom"

Saad ni Julius habang nakaakbay kay emman.

"Halika na."

Aya naman ni Emman kay AJ. Bigla namang napalingon si AJ sa entrance. Tinitingnan nya kung pabalik na si andrei.

"Tara na."

Pagyayaya muli ni Emman kay AJ. Napahinga muna si AJ ng malalim bago tumayo.

Nagpunta sila sa malapit na ladies room. Sinamahan sya ni Emman at Julius habang si kinneth naman ay nagpaalam sa kanila na may kukunin lang.

Naiwan sa labas ng ladies room si Emman at Julius. Habang nasa loob si AJ at binabasa ng tubig ang kanyang damit para mawala ang mantsa nito.

Habang busy si AJ sa paglilinis ng kanyang damit ay dumating na din sa labas ng  ladies room si Kinneth kasama si andrei.

Ilang minuto pa ang tinagal ni AJ sa loob ng lumabas ito.

"Okay na."
"Kaso basang----" 

Di natuloy ni AJ ang sasabihin dahil biglang iniabot ni Andrei at kinneth ang kanilang damit sa kanya.

"Gamitin mo ito/Use this"

Nagkatinginan si Andrei at kinneth. Maging si Emman at Julius ay napatingin din sa kanila. Nag-apir pa si Emman at julius dahil sa inasta ng dalawa. Habang napataas naman ng kilay si AJ.

Anong trip ng dalawang to?
Kaninong damit ang pipiliin ko?


**********

Jne's Note

Kaninong damit ang gusto nyong piliin ni AJ?

Kay Andrei? O kay Kinneth?

Comment po....

My Dream GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon