Chapter Twenty-Six

Magsimula sa umpisa
                                    

"I'll see you at lunch." pilit niya.

"Isang oras lang yung break ko ngayon, Grant. So, you don't have to-"

"I wanna see you, Fallon." he cut me off. Hindi ko rin nagawang sumagot dahil sa gulat sa sinabi niya. Sumikip pa nga ang dibdib ko dahil doon. "I don't care if it's only for an hour or a fucking minute. I wanna see you. I will see you. Okay?"

Ngayon ay hindi lang sumikip ang dibdib ko. Halos magwala na ang puso ko sa loob dahil sa sinabi niya. May frustration sa boses niya. Hindi ko iyon maipaliwanag. Frustrated siya dahil gusto niya akong makita? My heart fluttered even harder.

I bit my lip. Forcing my heart to calm the hell down. "Okay."

"Good." he replied and then released a breath. "I'm gonna let you go now. Drive safely, okay?"

"I will. Bye, Grant."

"Bye." malambing na sabi nito, hindi katulad ng kanina na sobang seryoso.

Umayos na ulit ang mood ko nang matapos na ang tawag. Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi ko dahil sa pag-uusap namin. Hindi ko talaga magawang magalit sa kanya ng matagal. Iba talaga ang epekto sa akin ni Grant.

Habang nagda-drive papuntang campus ay hindi ko maiwasan balikan ang pag-uusap namin kanina. Naalala ko ang sinabi niya. Late na siya nakauwi kagabi kaya late rin siyang nagising. Hindi ako sigurado pero may kutob ako kung saan niya nanggaling.

Magka-text kami kagabi pero ten o'clock pa lang ay nagpaalam na ako sa kanya na matutulog na ako. He told me he'll be sleeping too. Posible na late siya nakauwi dahil pinuntahan niya ulit si Maxwell kagaya nung ginawa niya nung magkasama kami. That was just the other night.

Hindi ko siya tinanong tungkol doon. It's none of my business. It's wrong to poke your nose to where it doesn't belong. Kung ano man ang meron nung gabing iyon ay sa kanilang dalawa na lang iyon. Although I am curious.

A part of me is also terrified of the idea. Iyong nagkikita sila. Hindi lang iyon ang unang beses na nalaman kong magkasama sila. The first time I saw them, Grant cancelled on me. The second time, it was Maxwell who told me that he'll be going to Grant's office. Pangatlo ay iyong tumawag si Maxwell habang nagdi-dinner kami.

Palagi ba silang nagkikita? Tuwing gabi? Nagkikita rin sila? Hindi ba nagagalit o nagseselos si Rush? Knowing their history, sa palagay ko ay hindi naman maiiwasan iyon. Does he know about Maxwell and Grant's rendezvous? Pinapayagan niya?

Umiling na lang ako sa dami ng tanong na naglalaro sa utak ko. I shouldn't think about it. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko kapag iniisip ko iyon kaya pinilit kong i-distract ang sarili ko. I turned up the player's volume and sang along with the music until I finally reached the campus.

Sa mga sumunod na araw ay naging busy si Grant sa trabaho. Hindi na ako nagpasundo ako sa kanya tuwing umaga dahil nung sumunod na araw na sinundo niya na ako ay nakita ko ang kakulangan ng tulog sa mukha niya. He's too busy to drive me home too. I understand. I know he's busy with work. At ako naman ay busy rin dahil midterm exams week namin.

Last day na ng exam namin bukas at ngayon ay nagsusunog ako ng kilay dahil mahirap na major subject ang huling ite-take kong exam bukas. Halos eleven o'clock na at kalahati pa lang ang nare-review ko. Hindi pa nga ako sigurado sa lagay na ito kung may pumapasok sa utak ko o ano.

Nakapalumbaba ako habang pinaglalaruan ang hawak na ballpen nang tumunog ang phone ko. Ring tone iyon ng face time. Bumaba agad ang mga mata ko sa screen at napaupo bigla nang makita na si Grant ang tumatawag.

Inayos ko muna ang buhok ko bago sinagot ang tawag at itinapat sa harapan ng mukha ko ang phone. Grant's face appeared on my screen and I couldn't help myself from smiling at the sight of him. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakita!

When I Chase (When #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon