Chapter 38: Panaginip lang ba?

Start from the beginning
                                    

"It's okay, best! As long as you rememeber my birthday and greeted me okay na ako." sagot ko.


"I miss you best." malungkot na boses na pahayag niya.

"I miss you too so so much! Nukaba best! 'Wag na tayong magdramahan, dapat masaya tayo ngayon." saglit akong tumingala para pigilan ang pag-alpas ng luha ko.

I really miss her.

"I'm sorry best, nadadala lang ako. It's your first birthday na magkalayo tayo. But as long na naiisip kong nandyan naman si kuya Gab para sa'yo masaya na ako." ngumiti ito.


Hayyy. Kung alam mo lang vivian. Sumasakit ang puso ko dahil sa pinsan mo pero at the same time sumasaya.


Marami pa kaming napagchikahan tungkol sa kanya. Yung crush pala niyang si Skyler ay sa iisang university lang din pala sila pumasok. At base sa mga kwento niya ay mukhang may namumuo sa pagitan nila. Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa mga kwento niya tungkol sa kanila ni Skyler.


Pero nung ako naman ang initriga niya tungkol sa amin ni Gab nagpatay malisya lang ako at nagkunwaring wala namang ibang namamagitan sa amin aside from being my child's father. Tumaas lang ang kilay nito at mukhang hindi naniniwala sa'kin.Buti na nga lang at naliligo nung time na 'yun si Gab eh.

May kini-kwento ba rito si Gab na hindi ko alam?

Hindi na niya ako tinanong pa ulit sa amin ni Gab at iniba na ang usapan. Mukhang naramdaman niyang ayaw ko munang pag-usapan iyon. Tinanong na lang niya ang tungkol kay Elisia. Kung anu-ano pa ang tinanong nito tungkol sa pagbubuntis ko. Ipinakita pa niya sa'kin ang ibang mga binili niyang gamit ni Baby. Labis naman ang kasiyahang naramdaman ko.



Pagkatapos naming mag-skype ni Vivian ay naligo at nag-ayos na rin ako ng sarili ko. Uuwi kami ngayon sa mansion para magcelebrate kasama ng pamilya ko at parents rin ni Gab. Kaunting selebrasyon lang naman.

〜Ꮘ〜

"Happy Birthday, hija!" bati nila tita at tito pagkabungad ko pa lang sa bahay.


"Thank you so much po sa pagpunta." Ginantihan ko rin sila ng yakap.


"Ahh.. No problem, hija. Parte kana ng pamilya kaya we will always be here." ani Tito.

Napangiti naman ako sa sinabi ni tito. Ang saya lang sa pakiramdam na welcome na welcome ako sa pamilya nila.


"Oh my lovely daughter is on her legal age now! You're now a lady, sweetie! Happy Birthday!" nalilis ang atensyon ko kay Mommy at Daddy na galing mula sa patio.

"Happy birthday, princess!" bati din sa akin ni Daddy.


"Thank you po, mom and dad. I miss you both." hindi ko maiwasan ang paglambong ng mga mata ko.


"Hayyy... You're a big girl now!" ani Daddy. Napayakap nalang ako sa kanila.


"Osya! Bago pa tayo magkaiyakan dito.. punta na tayo sa patio. Kanina pa nakahanda lahat doon." pag-iiba ni Mommy sa usapan.


Nagpunta na kaming lahat sa patio. Nagulat ako nang akbayan pa ako ni Gab. Qoutang qouta na talaga siya sa pagpapakilig sa'kin. Hinayaan ko na lang siya at hindi na nag-usisa pa.


Pagkarating namin sa patio ay bumungad samin ang malaking lamesa na punong-puno ng iba't-ibang putahe.


"Mom? Bakit ang dami niyo pa pong hinanda? Eh tayo tayo lang naman po ang magsasalo."


Ipinagtulak na ako ng upuan ni Gab at saka pinaupo. Magkatabi kami ngayon at kaharap naman namin ang mga magulang namin. Bakit parang iba yung nararamdaman ko ngayon?


"Elise, hija.. We're celebrating two occasions today. That's why, naghanda tayo ng marami. Hindi lang kami ang naghanda lahat ng 'yan. Nagbigay din sina tita lucy mo." paliwanag ni Mommy.


Agad nag-arko ang kilay ko. Two occasions?


"Ha? Bakit po? I mean.. we're only celebrating for my birthday, right?"


Nadagdagan ang kuryosidad ko ng nakita kong lahat sila ay malapad ang pagkakangiti.


Somebody please tell me... What's happening?


"Yes hija. It's your birthday today and since you are on your legal age now.." ibinitin ni Daddy ang sasabihin.

Napabaling-baling ang tingin ko sa kanilang lahat. Tinignan ni Tito si Gab at nagulat na lang ako ng may inilabas itong isang maliit na kahon mula sa bulsa ng pantalon niya.


Literal na nanlaki ang mga mata ko. What the!


Lumuhod ito sa harapan ko at saka binuksan ang maliit na kahon. Agad kuminang ang diamond ng singsing!


"G-Gab.. A-Ano 'to? A-A-Anong ginagawa mo?" hindi ko mapigilang mautal sa tanong ko.



Nagbuga ito ng malalim na paghinga at saka muling tumitig sa'kin.


"Elise Amber Fortalejo..."


Halos hindi ako kumukurap habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Will you marry me?"



Omg! Panaginip lang ba lahat ng ito?


〜Ꮘ〜

One Wicked Night | ✔️Where stories live. Discover now