Chapter 40

2.9K 29 3
                                    

Chapter 40


Yuu's POV


"Please Kuya Nick pababain mo naman si Rain. Kailangan ko talaga siya makausap." Pagmamakaawa ko parin kay Kuya Nick.


"Nag-away ba kayo?" Tanong sa akin ni Kuya Nick.

Nag-away nga ba kami? Hindi naman diba? Ano lang, gusto ko lang magpaliwanag kay Rain at makausap na din.

"H-Hindi Kuya. Ano lang.. Gusto ko lang talaga makausap si Rain." Sabi ko sa kanya.


"Yuu kapatid ko si Rain. Mahal ko yun kahit na sadista siya at ayokong nakikitang nasasaktan, umiiyak siya."


"Kuya Nick, ano bang pinag--"


"Huwag mo masyadong ipakitang mahalaga sayo yung kapatid ko kung balak mo din siyang iwan sa huli kasi si Rain sobrang mahalaga ka sa kanya."


"Mahalaga din naman sakin si Rain, Kuya." Sabi ko.

"You know what I mean Yuu. Alam kong alam mo kung gaano ka kahalaga sa kapatid ko at alam kong mahalaga din sayo si Rain." Alam ko naman gusto niyang sabihin. Alam ko na mahal ako ni Rain.

"Magmula ng nakilala ka ng kapatid ko lalo siyang naging masaya pero magmula ng dumating ka din sa buhay ng kapatid ko nagagawa na niyang magpretend na masaya kahit mismo sa harap ko."

"Pasensya na Kuya. Hindi ko naman alam na dadating sa point na mahuhulog ang loob sa akin ni Rain."

"Alam ko. At hindi ko din expect na mahuhulog ang loob sayo ng kapatid ko at alam ko kung gaano siya kahalaga sa buhay mo. Nakikita ko sa mga kilos niyong dalawa."


Oo sobrang mahalaga sa akin si Rain at ayokong mawala siya sakin or iwan niya ako.


"Mahal mo na ba kapatid ko?" Tanong niya ulit sakin na ikinabigla ko. "Mahal mo na ba si Rain?"


Hindi ako makasagot. Bakit nga ba hindi ako makasagot? Yes or No lang naman diba? Parang dati lang nung tinanong ako ni Rain kung may tendency bang mainlove ako sa kanya.


Tumayo na si Kuya Nick pero bago siya umalis may inihagis siyang susi sa akin. "Puntahan mo na siya." Sabi nito at umalis na.


Dali-dali ako pumunta sa kwarto ni Rain as I expected nakasara nga kwarto niya buti na lang binigay ni Kuya Nick spare key.


Nakita ko si Rain na nakahiga sa kama niya. "Rain?" Tawag ko sakanya sabay sarado ng pinto.


Hindi pa rin siya gumagalaw. Lumapit ako sa kanya. "Natutulog kana naman?" Bahagya akong napatawa. Dahan dahan akong tumabi sa kanya. Pinagmasdam ko siyang mabuti. Namumula pa yung ilong niya. "Umiyak kana naman ba?" Sabi ko.


Para akong tangang kinakausap yung tulog. "Sorry lagi na lang kitang pinapaiyak."


Nabigla ako ng bigla siyang gumalaw at niyakap ako. Akala ko magigising siya buti na lang hindi kaso nga lang nakayakap siya sakin.


Niyakap ko din siya hindi ko alam pero parang sobrang namiss ko siya kahit na lagi naman kami nagkikita pero namimiss ko pa rin siya. Bigla naman ako nakaramdam ng antok.



Rain's POV

Nagising ako kasi parang may mabigat na kung ano nakadagan sa akin. Niyakap ko na lang yung unan ko. Ang banong naman ng unan ko naamoy ko si Yuu.

Inamoy amo ko lang yun. Nakakatawa naman kaamoy nga ni Yuu pero parang ang tigas ata.



*Kapa.. Kapa*  

*Kapa.. Kapa*  

*Kapa.. Kapa*  

*Kapa.. Kapa*                  



Ang tigas nga pero hayaan na mabango naman. Lalo ko hinigpitan yung yakap ko sa unan ko. Feeling ko tuloy si Yuu yung kayakap ko.              




"Hindi kapa ba tapos sa kakaamoy at kakahawak sa abs ko?" Nabigla naman ako sa nagsalita.                



Teka lang... Nagsasalitang unan. Minulat ko yung mata ko. 




O_______________________________O                    




Teka tao 'to ah?! Napahiwalay ako bigla pagtingin ko.                  



"Hello! ^___________________^" Si Yuu na wagas kung makangiti.                    



Anak ng tokwa si Yuu nga bakit nandito 'to?! "Anong ginagawa mo dito?! Bakit katabi kita? Bakit kayakap kita?!"                



Pero imbis na sagutin niya ako eh hinila niya lang ako kaya napahiga ulit ako. "Hoy Yuu!! Nakakachansing kana naman!!"




"Gustong-gusto mo naman. Haha." Sabi niya.





"Hoy ang kapal ng mukha m--- *tsup*" Anak namin ni Yuu este anak ka ng nanay mo!!





O////////////////////////////////O





"Sshhh! Wag kang maingay." Sabay yakap niya ulit sa akin at hinigpitan pa ito.







ASDFGHJKL!!!!!!!!!!!!!!!!





HI.. HIN.. HINALIKAN NA NAMAN NIYA AKO!!!!!!!!!! O-M-G!!!!!!!!!





>////////////////////////////////


"Namiss kita" Sabi pa niya. O////////O


Tangina mo Yuu! Wag kang ganyan. >///////////







April's POV

Kinakabahan ako. Kanina pa ako maikot-ikot sa kwarto ko.


"Girl, nahihilo ako sayo kanina kapa paikot ikot jan. Ano bang problema?" Tanong sakin ni Angel. Friend ko siya since HS hindi nga lang siya sa nag-aaral sa university na pinapasukan ko.


"Kinakabahan ako Gel eh. Baka kasi.." Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko.


"Duh! Dahil ba dun sa pagsisinungaling mo kay Yuu kaya ka ganyan?" Tumayo si Angel at hinawakan ang balikat ko tsaka pinaupo sa kama. "Alam mo mahal ka ni Yuu kaya I'm sure ikaw pa rin ang paniniwalaan non." Sabi niya sakin.



"What if paniwalaan niya si Rain?" Tanong ko sa kanya.


"Edi baligtaran mo si Rain. Relax ka lang jan okay? Patay na patay kaya sayo si Yuu. Diba nga gumawa pa siya ng paraan para lang maging kayo ulit? Kaya chill ka lang jan." Sabay kindat sakin ni Angel. "Tsaka magaling kana man jan eh. Painosente kapa, gaga. Hahaha!" Natatawang sabi pa nito.


Alam kong mali 'tong ginawa ko pero ayoko kasi lalo pang magkalapit sina Yuu at Rain, alam ko anytime pwedeng mahulog ang loob ni Yuu kay Rain lalo na't may gusto sa kanya si Rain. Alam ko naman na walang balak agawin ni Rain si Yuu sa akin kaso paano na lang kung si Yuu ang pumunta mismo kay Rain at iwan ako ni Yuu. Hindi ko kakayanin. Ayoko! Ayokong mangyari yun.


Lahat ng sinabi ko kay Yuu puro kasinungalingan lang. Yung balak agawin ni Rain sa akin si Yuu? Hindi totoo yun. Gawa-gawa ko lang yun pero hindi ko pinagsisihan. Mahal ko si Yuu at gagawin ko lahat wag lang siyang maagaw ng iba sakin.










VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now