Chapter 17

2.2K 42 0
                                    

Chapter 17

Rain's POV

Humarap ako sa salamin tapos nagsmile. Oo dapat ipakita ko sakanila na masaya ako. Yan ako diba? Dapat di ako nasasaktan. Dapat kalimutan ko na feelings ko para kay Yuu. Masaya na sya eh. Yan naman gusto ko diba ang maging masaya si Yuu. Nagretouch muna ako bago lumabas. Hinintay ko muna na pagwala ng pamumula ng mata ko at ilong. Masyadong halata na kagagaling ko lang sa iyak eh.

"Bessy okay ka lang ba?" Sumunod pala si Jazz. "Sinundan kita kasi naman ang tagal mo. Akala namin naflush kana jan. Hahaha." Siraulong babaeng 'to.

"Ikaw kaya i-flush ko jan? Tara na nga." Aalis na sana ako ng hilain ako ni Jazz sabay tingin sakin ng napakalapit na para bang sinusuri yung mata ko.

Ano ba yan. Baka mahalata niya na galing ako sa pag-iyak. "H-hoy! Pwede bang tantanan mo nga ako sa kakaganyan mo." Sabi ko sa kanya.

"Umiyak ka ba? Namumula kasi yung mata mo oh." Tanong ni Jazz.

"Hindi no. Naghilamos lang ako kaya siguro namula yung mata ko tsaka bakit naman ako iiyak." Sabi ko sa kanya. Masyado bang defensive? Hindi naman diba?

"Ah. Akala ko kasi umiyak ka ng dahil kay You know. Si April at Yuu. Diba sila na? Akala ko kasi broken ka tapos nag-CR ka dahil gusto mong umiyak kaya siguro ang tagal mo sa CR." Anak ng.. Bakit ba ang daming alam ng Jasmine na 'to?

"Alam mo bessy. Ang dami mong alam tsaka pwede ba tantanan mo ako kay Yuu dahil kaibigan ko lang siya at may girlfriend na yung tao oh. Tara na nga." Sabi ko sa kanya. Nauna na ako maglakad sa kanya. Ayoko makahalata si Jazz.




"Ang tagal nyo naman mag CR." Sabi ni Chad.

"Tse! Namimiss mo naman agad tong si Jazz." Sabi ko.

"E bakit ba? Halika ka nga dito hon." Sabi naman nya. Tapos yinakap si Jazz. Etong dalawang tong napakasweet sa isat-isa hindi kaya sila nagsasawa? Hahahaha.

"Puro lovers nandito ah. E kayo Steven, Rain. Kailan nyo balak sumunod kina April and Yuu?" Sabi ni Chad.

"Hoy Chad! Walang susunod no! Manahimik ka nga lang jan." Sabi ko.

"Malapit na pare. Pakakasalan ko agad tong si Rain para hindi makuha ng iba." Sabay tingin kay Yuu. naki-ride pa tong gagong to.

"Isa ka pa Bebs ah!" Sabi ko sabay hampas sa balikat nya.

"Hahahaha! Bakit naman bebs? Gwapo naman ako ah. Macho. Ang dami kayang naghahabol sakin!" Sabagay may point tong si Bebs. Gwapo sya. Isa nga sya mga pinagpapantasyahan ng mga estudyante sa school eh. Bukod kina Yuu at Chad.

"Hahahaha! Oo na pogi kana." Sabay kurot sa pisngi nya.

"Bagay na bagay talaga kayong dalawa Rain." Sabat naman ni April. "Diba Yuu? Sa palagay mo?" Tanong nya kay Yuu.

Napatingin lang ako sakanya. Nakatingin lang din sya sakin. "Oo naman. Bagay kayo." Sabi nya.

Ngumiti lang ako. Bahala na nga kayo jan basta ako iinom.




Napagpasyahan namin na umuwi na. Lasing na din kasi itong bestfriend ko.

"Oy Chad. Ingatan mo yang bestfriend ko ah? Iuwi mo yan ng maayos." Sabi ko.

"Syempre ako pa! Sige mauna na kami Rain, ingat na lang din kayo." Binuhat na nya si Jazz na sobrang lasing.

"Besshyy! Bubyeeeeee!" Rinig kong sigaw ni Jazz. Hahahaha!

"Honey wag kang malikot baka matomba tayo." Sabi naman ni Chad.





"Bebs. May sasakyan kba?" Sabi ni Steven.

"Wala eh. Pero magtataxi na lang ako." Sabi ko. Diba nga sabay kami ni April pumunta dito kaya ayun di ko dala yung sasakyan ko.

"Ihatid na kita sainyo baka mapano kapa eh." Sabi nya.

"Steven! Sabay na lang sila ni Yuu tutal dadaanan naman ni Yuu yung village nila Rain." Sabi ni April.

"Oo nga. Ayos lang ba sayo Rain?"

Sasagot na sana ako kaso naunahan ako ni Steven.

"Ako na maghahatid sakanya" Sabi nito.

"Uy bebs. Ayos lang ako. Si Yuu na lang mapapalayo kapa eh tsaka madaling araw na oh baka mapahamak kapa." Sabi ko. Madaling araw na din eh tsaka alam kong pagod na din tong si Steven.

"Sige. Basta magiingat kayo ah. Text mo agad ako kapa nasa bahay kana." Sabi ni Steven. Hinalikan niya muna ako sa noo bago umalis.

"Ingatan mo yan, pakakasalan ko pa yan." Anak ng pating. Aalis na lang babanat pa 'ton Steven na 'to. Hahaha.

"Tse! Puro ka kalokohan! Hahaha." Eto talagang si Steven puro kalokohan.

"Oo naman pare." Sabi ni Yuu.

"Kinikilig naman ako sainyo. Naku! Tara na nga." Sabat naman ni April.




Sumakay na kami sa kanya-kanya naming sasakyan syempre ako sa sasakyan ni Yuu ako sumakay. Pero syempre bago kami makaalis meron pang sweet moments sina April and Yuu. Hay! Ang sakit talaga sa mata nung dalawa.



"Rain salamat ah?" Biglang sabi ni Yuu.

"Wala yun." Alam ko naman tinutukoy nya eh. Yung about kay April. "Diba nga sabi ko gusto ko lagi kang masaya kasi kapag masaya ka masaya din ako."

"Basta. Thank you talaga" Nagsmile na lang ako sakanya. "Rain bakit parang kakaiba ka kanina? May problema ba?" Sabi nito.

Nakakahalata na ba sya? Naalala ko na naman yung masakit na nangyari sakin kanina parang gusto ko na naman maiyak. "H-huh? Wala naman." pagdedeny ko.

"Okay, bahala ka." Sabi nya. Hindi na lang ako kumibo tapos itinuon ko yung mga mata ko sa bintana. Napansin kong ibang daan yung tinatahak namin.


"Yuu, hindi naman to papunta samin ah!" Sani ko.

"Hindi nga, pupunta tayo sa condo ko. May paguusapan tayo."

"Ano naman yun, aber?"

"Basta. Manahimik kna lang jan. Madami ka pang sasabihin sakin."

Hays! Akala ko pa naman naniwala na sya sinabi ko kanina na wala naman.




Tumahimik na lang buong byahe. Pagdating namin sa condo nya.

Malinis. Parang hindi condo ng lalaki. Umupo na lang ako sa couch kasi sabi nya.

"Hintayin mo ako jan, kung nagugutom ka meron pagkain sa kusina. Magpapalit lang ako."

"Yess Boss!" Sabi ko tapos nagsalute pa.

"Wag mko dinadaan sa mga ganyan Tiffany Rain." Nagpout na lang ako. "Cute mo talaga." Sabay gulo sa buhok ko. Umalis na din pumunta ng kwarto nya para magpalit na damit.



Pinagmamasdan ko buong condo nya. Hmm.. Malinis talaga tapos ang bango pa. Nahagip ng mata ko yung picture dun sa maliit na table sa tabi nung upuan. Si Yuu na may kaakbay na babae. "Si April.." Mahinang sabi ko.

Ang saya naman nila dito sa picture na 'to. Halatang inlove na inlove sila sa isa't-isa. Bagay na bagay talaga sila. "Ang swerte mo April.." Mahinang sabi ko. "Mahal ka ng taong mahal ko." Itinabi ko yung picture at inilagay dun sa table.



"Kaya pala.. Inlove ka nga." Narinig kong sabi ng nasa likuran ko. Nagulat naman ako.

T-teka kanina pba sya dito? Narinig ba nya lahat? AS IN LAHAT-LAHAT?!!












VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now