Chapter 42

2.6K 28 0
                                    

Hello! Kumusta ang lahat? Haha. Pasensya ang tagal kong di nakapag UD. Busy sa buhay tsaka nawalan din kami ng connection ng dahil sa bagyo. Everyday mag UUD ako, malapit na rin kasi matapos 'to. So ayun lang :)

Ayun lang. Enjoy reading! Ü






Chapter 42

Rain's POV

"Good morning!" Masiglang sabi ko kay Kuya Nick. Ang ganda ng gising ko.

"Mukhang masaya ka ata?" Tanong sakin ni Kuya tapos ininom yung kape niya.

Umupo naman ako sa harapan niya.

"Halata ba kuya? Hahaha." Sabi ko habang kumukuha ng fried rice. Hindi ko na nga pinapahalata eh. Hahaha.

"Kumusta naman kayo ni Yuu? Kumusta yung pag-uusap nyo?" Tanong ni Kuya sakin.

"Ayos naman Kuya. Okay naman kami." Sabi ko. Okay naman kami ni Yuu ah. Ang mahalaga sakin hindi niya ako iniiwasan at nafefeel ko na may pag-asa kami. Sana nga..

"Hmm... Mabuti naman. Osige. Mauna na ako sayo. Ingat sa school." Pagpapaalam ni Kuya.

Pagkadating ko sa school hinanap agad ng mata ko si Yuu. Ayun siya! Kasama niya nga lang si April.

"Yuu!" Tawag ko sa kanya habang papunta ako sa kanila.

"Good morning April." Masayang sabi ko kay April pero parang walang narinig si April.

"Ang ingay mo na naman. Haha." Sabi ni Yuu tapos ginulo yung buhok ko.

"Yuu naman eh! Ang hilig mong guluhin buhok ko." Sabi ko.

"Ang cute mo talaga kapag naasar. Hahaha." Gravity! Feeling ko namumula na naman ako. Hahaha.

"Ehem! Excuse me. Rain, mauna na kami ni Yuu ah?" Sabi ni April sabay harap kay Yuu. "Tara na babe." Sabi niya sabay higit dito. May sasabihin pa sana itong si Yuu kaso hinila agad siya ni April.

Problema nun? Problema ni April? Baka guni-guni ko lang 'yon.






April's POV


"Yuu! Akala ko ba iiwasan mo na siya?! Akala ko ba malinaw na yung usapan natin pero ano yun? Bakit parang mas lalo pa ata kayo naging close?!" Sigaw ko kay Yuu habang naglalakad kami hindi naman kami masyado napapansin ng mga estudyanteng dumadaan kasi medyo maingay dito.

"Feeling ko naman kasi hindi niya gagawin yun babe besides kahit anong gawin na pangseseduce sakin ni Rain hindi ko siya papatulan at never ko siyang papatulan." Sabi naman niya sakin. Kahit na!

"Kahit na! Babe natatakot pa rin ako. Please naman oh! Malay mo saktan niya ako anytime." Sabi ko sa kanya.

"Hindi magagawa ni Rain yon. Kilala ko siya April at alam kong hindi niya magagawa 'yon. Sabihin na nating may gusto siya sakin pero alam kong never siyang mananakit o maninira ng relasyon. Hindi ka niya gagalawin at hindi ako papayag dun. Okay? Kaya relax lang." Sabi nito sabay halik sa may noo ko.

Hindi na lang ako sumagot. Hindi ito tama! Kailangan kong gumawa ng paraan para iwasan at magalit ng tuluyan si Yuu kay Rain. Bakit pa kasi sila nagkakilala!








Rain's POV



Alam ko na maling 'tong ginagawa ko pero kasi hindi ko mapigilan sarili kong umasa na sana maging kami balang araw ni Yuu. Masama ba yun? Hindi ko naman siya inaagaw kay April at wala akong intensyon na agawin siya. Naghihintay lang ako siguro naman magsasawa din ako sa kakahintay.


Hindi ako ganun ka-desperada para mang-agaw ng boyfriend ng may boyfriend. Hindi naman ako ganun kasamang babae para gawin yun. Naghihintay lang ako ng chance at kapag nagkaroon na ako gagawin ko lahat.


"Hi Bebs!" Bati sakin ni Steven kakatapos lang ng klase ko siya din nauna lang ako ng kaunti dito sa cafeteria.

"Kumusta kana bebs? Naging busy ka ata. Nakakalimutan mo na ako." Kunwaring pagtatampo ko.

"A-ah. Oo eh. Medyo naging busy sa bahay tsaka sa company." Sabi nito at halata naman dahil medyo lumungkot yung mga mata niya.

"May problema ba bebs?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman bebs. Medyo napagod lang siguro this past few days." Sabi niya sabay ngiti sakin.

"Bebs I love you." Sabay hug sakin ni Steven. Medyo mahigpit ang pagkakayakap nito na para bang eto na yung last na yakap nya sakin. Na para bang hindi na ito mauulit muli.

Guni-guni mo lang yan Rain. Gravity! Kung ano-ano naiisip ko ngayon.

"Umiiyak kaba Bebs?" Tanong ko kay Steven feeling ko kasi nababasa yung uniform ko sa may likod.

"Hahaha. Hindi no. Bakit naman ako iiyak." Medyo malungkot na sabi nito.

"Bebs naman eh. May problema kaba?" Tanong ko ulit sa kanya. Naglilihim na ata sa akin si Steven ngayon.

"Wala nga bebs. Namiss lang talaga kita." Nakangiting sabi nito. Hindi pa rin ako satisfied.

"Sabihin mo lang sakin kapag may problema ka bebs ah? Wag kang mahiya sakin." Sabi ko. Naglilihim na si Steven sakin ngayon. Hay!













------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

So ayan muna. Sana nagustuhan niyo. Namiss pa man din kayo ni Author. Hahahaha. XD

Tomorrow is my bIrthday! (October 22). Tatanda na naman ako. Huhu.




VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now