Chapter 9

2.8K 57 1
                                    

Chapter 9


Rain's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko.

Hay! Napakalamig. Malapit na talaga ang Christmas.


Tinignan ko ang oras sa side table ko. 9:00 AM nna din pala. Dahil wala na din naman kaming pasok kasi ng Christmas Break na. Kaya ayos lang kahit late na ako gumising.

Pagkatapos kong naghilamos at nag-ayos bumaba na din ako para makapagbreakfast.

"Good morning Kuya at Manang Lor!" Masiglang bati ko sakanila.


"Oh hija buti naman at gising kana. Maupo kana at kumain eto na din ang kape mo."


"Sige ho manang. Maraming salamat. Kumain na din po kayo."


"Kanina pa ako tapos hija. Sige kain na at ako'y maglalaba pa."


Hmm.. Ang bango ng friedrice tapos may scramble egg, hotdog at bacon pa. May bread din. Hihi! Gutom ako kaya madami kakainin ko.


*Chump! Chump! Chump!*

*Chump! Chump! Chump!*

*Chump! Chump! Chump!*

*Chump! Chump! Chump!*


"Hindi ka naman gutom nyan?" Sabi ni Kuya. Bahala ka nga jan. Gutom ako eh. Nagsmile na lang ako sakanya. Istorbo kasi. Wala munang pansinan kapag gutom ako.


*Chump! Chump! Chump!*

*Chump! Chump! Chump!*

*Chump! Chump! Chump!*


"Dadating na sila mommy at daddy mamaya bunso."


"Ah okay dadating lang pala sila mamaya eh." Akala ko pa naman kung ano sila mommy at da--- WHAT?!!! Uuwi na sila? "*cough!*"


"O bunso okay ka lang? Ang siba mo kasi kumain eh."


"Talaga kuya? Anong oras? Bakit ngay---asghydgahtehabjs,dhg!!!!" Anak ng tokwa. Tama bang subuan ako ng tinapay habang nagsasalita.


"Ingay mo. Kakatawag lang nila kaninang umaga ang sabi nila wag na daw natin sila sunduin." Ang hilig talaga sa surprise nila mom.


"Excited nako makita sila!" Sobrang miss ko na kaya sila.


"Ay teka kuya aalis pala ako mamaya. Alam mo na malapit na Christmas eh." Magshoshoping ako syempre. Yayain ko kaya sila April and Jazz o kaya si Steven. Miss ko na si Bebs eh. Pwede din si Yuu. Oo tama!


"Sure. Basta before 8 dapat nasa bahay kna okay? Remember uuwi sila mom ngayon. Patay ako kay daddy kapag di ka nya naabutan dito."



"Sige kuya. Promise!"




Pagkatapos ko kumain umakyat na ako sa taas para makaligo at makapagprepare na din.


Denim na polo at leggings na black lang tsaka ko tinernuhan ng rubber shoes. Then sling bag.


"Bunso may naghahanap sayo sa baba." Baka si Yuu na yun.


Hindi daw kasi pwede sina Jazz and April eh. Si Steven naman hindi ko macontact. Kumusta na kaya siya? Miss ko na si Bebs.




Ay, oo ng pala madalas ko na makasama si April ang bait nga nya grabe! Close na nga kami actually. May BF na din pala siya akala ko pa man din sila na ni Yuu. Ang sweet nga nila minsan eh. Sweet din naman sakin si Yuu. Malambing na tao kasi si Yuu. Iba yung pagtrato nya sakin kasi daw para daw nya ako nakababatang kapatid.


Pero minsan kapag kasama ni April yung BF niya, si Yuu tahimik lang hindi man nga lang makatingin sakanila ng diretso eh. Hindi naman ako ganun katanga para hindi mahalata na nasasaktan siya sa nakikita niya. Alam ko at nararamdaman ko na may pagtingin siya kay April. Kaya eto ang ate nyo to the rescue sa FAFA nyo. Buti na nga lang at napapatawa ko siya. Gusto ko nga sana tanungin si Yuu about dun kaso nahihiya ako. Hahaha.


"YUU!!" Sigaw ko sabay takbo kay Yuu then I hug him. Hmm.. Ang bango niya. Hahaha.


"Ikaw talaga Rain. Namiss mo naman ako agad. Hahaha." Sabay hug din sakin. Malambing siya, sobra.


Dahil may BF na yung dalawa madalas kami ni Yuu ang magkasama. Oo si Chad at Jazz na. Gravity!! Ang landi ni bff ko may lablayp na. Bwahahaha!


"Tara alis na tayo?"


"Sure. Kuya alis na kami ha?"


"Okay. Ingat ka bunso. At ikaw.." Sabay turo ni kuya kay Yuu. "Iuwi mo ng maaga ang kapatid ko. Buong buo, walang labis. Walang kulang. Maliwanag?!" Grabe naman si Kuya. Tinatakot si Yuu.


"Haha. Yes sir! Mauna na po kami." Grabe si Yuu nginitian lang niya si Kuya. Ibang klase din tong lalaking to.





Sumakay na kami sa sasakyan ni Yuu. Sabi niya yung kanya na lang daw.


"Ah Yuu. Buti na lang at pumayag kang sumama sakin."


"Ano ka ba. Matatanggihan ba naman kita?" Sabay kurot sa ilong ko. "Ang cute mo talaga. Hahaha."


Ano daw? Ako cute? Feeling ko ang pula ng mukha ko dahil sa sinabi niya.


"Yer blushing. Hahaha!" Letse. Lakas makaasar nito.


"Ikaw naman kasi eh!!" Sabay pout ko.


"Wag kang magpout baka mahalikan kita." Napatingin naman ako sakanya. Waaaaahhh! Walangya tong lalaking to.


"Ang manyak mo talaga Yuu!!" Sabay hampas ko sakanya.


"Hahaha! Aray ko! Tama na nagddrive ko. OUCH! Joke lang naman eh. Hahaha."


Yiih! Nakakainis. Bakit ba madalas ako magblush kapag bumabanat siya. Dati naman hindi naman ako ganito ah. Siguro hindi lang ako sanay. Kahit sino naman siguro magiging ganito kung ganito ba naman ka-gwapo ang magsabi ng ganun sainyo diba? Diba girls?


Malabo naman na magkagusto ako sa lalaking 'to. Alam niyo naman ang lola niyo, pihikan sa lalaki at mas maton pa sa lalaki kaya imposibleng magkagusto ako kay Yuu.


Inaamin ko naman na gwapo siya. Duh! Hindi ko naman kailangan magpakaimpokrita para sabihin na hindi siya kagwapuhan lalo na't maraming nagsasabing gwapo talaga siya at totoo naman pero malabo talagang magkagusto ako sa lalaking 'to eh parang Kuya ko lang din naman 'tong si Yuu eh.


OO. Promise! Kapatid lang talaga turing ko sakanya.


Sana...






---
Sorry pangit yung UD ko ngayon pero sana magustuhan nyo parin. Happy 200 reads!!

VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now