Chapter 55

3.7K 36 0
                                    

Chapter 55


Rain's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas magmula noong nagtapat sa akin si Yuu. Sa dalawang linggo iyon, marami din nangyari. I mean.. medyo madami din.

Medyo iwas din ako kay Yuu sa nagdaang isang linggo. Kasi naman.. Hay! Ewan ko ba. Ang gulo kasi eh o ako lang ang magulo? Kung inaakala niyo nawala na feelings ko para sa kanya, nagkakamali kayo. Hindi na ata mawawala 'to lalo na ngayon na halos siya na lagi kasama ko.

"Hello! Earth to Rain? Rain to earth?!" Sabay wagayway ni Jazz sa harap ko. Nasa canteen kami ngayon. Kami lang dalawa ni Jazz pero pasunod na din si Chad. Si Yuu? Ewan ko.

 "Tulaley ang peg 'teh? Lalim ng iniisip ah, nalunod ako grabe!" Jazz.

"Tse! Tahimik! Asan naba yang boyfriend mo? Ang hyper mo eh." Hyper na naman kasi ng babaeng 'to.

"Pasunod na yun baka pinuntahan pa si Yuu. Infairness sa fafa mo ah. Kilig to the bones ako sa mga pinanggagawa niya for you." Jazz.

Sa dalawang linggong nakalipas todo effort si Yuu. Hatid sundo nya ako sa school kahit na medyo iwas ako sa kanya lagi na lang nya ako nahahanap at nakikita. Wala na ata ako katakas sa lalaking 'to. Naalala ko pa nung isang araw.


FLASH BACK.

 

 

Pagkatapos ko nag-ayos diretso na sa kusina.

 

 

"Good morning kuya." Bati ko kay Kuya. Tumango lang ito at nginitian ako.

 

 

"Kuya.. ah.. eh.. si ano.. hm.." Bakit ba hirap ako magsalita para itanong lang kung dumating na si Yuu diba? Palagi na nya kasi ako sinusundo. Mag-iisang linggo na din nya ako hatid-sundo.

 

 

"Hindi pa dumadating si Yuu." Natatawang sabi nito. "Napaghahalataan kang namimiss mo yung tao."

 

 

"Tse! Hindi naman kasi si Yuu hinahanap ko. Itatanong ko lang sana kung dumating ba si Jasmine dito napagusapan kasi namin na sabay kami ngayon." Pagdadahilan ko.

 

 

"*chuckled* Okay. Okay. Defensive much eh."

 

 

I rolled my eyes to him. "Whatever. Makaalis na nga." Sabi ko sabay tayo.

 

 

"Take care sis. Bye!" Natatawang pahabol nito sakin. Bakit ba ang lakas mang alaska ng kapatid ko.

 

 

 

 

 

 

 

Pagdating ko sa room. Teka, bakit ang daming tao sa labas? Anong meron?

One Sided Love (UNEDITED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora