Chapter 58 (LAST CHAPTER)

6.5K 57 4
                                    

Chapter 58

Rain's POV

It's been two weeks magmula ng nangyari yung surprise sakin ni Yuu. Mas lalo ko pa siya minahal dahil sa mga ginagawa niya.

"Kailan mo ba balak sagutin si Yuu?" Tanong sakin ni Jazz. Nasa mall kasi kami. Buti nga at wala si Chad.

"Gusto ko sana yung surprise para masaya." Gusto ko sana yung ma-appreciate niya.

Napatingin naman ako sa mga sticky notes sa dito sa may bookstore ng mall.

"Bes! Alam ko na!" Masayang sabi ko sabay hila sa kanya sa may bookstore.

Pagkatapos namin bumili ng sticky notes at iba pa namin gagamitin ay lumarga na kami papunta sa bahay nila Yuu.

"Grabe bes! Excited na ako!" Puno ng excitement na sabi ko kay Jazz habang inaayos yung laman ng plastic hawak ko.

"Teka bes diba si Yuu 'yon?" Napakunot noo naman ako at tinignan yung tinuturo ni Jazz.

"Oo siya nga bes! Tara sundan natin."

"Gaga! Bakit pa natin susundan, pano na 'tong surprise ko for him?" Sabi ko kay Jazz.

"Gagawin pa rin natin syempre. Saglit lang naman bes. Manong pakisundan naman po yung itim na kotse na yun."

Hindi na ako nakaangal pa dahil wala naman akong magagawa kapag sinabi ni Jazz.

Pero sa totoo lang gusto ko din naman sundan parang may kakaibang feeling ako dito eh. Parang may iba.

Habang nasa byahe kame hindi ko mapigilan hindi kabahan may kakaiba talaga.

"Jazz tara na, wag na natin sundan." Pag-aaya ko sa kanya.

"Ano ka ba? Nandito na tayo Rain." Sabi nito. "Ay teka manong stop muna. Sino naman kaya susunduin ni Yuu dito?" Tanong sakin ni Jazz.

Pumasok si Yuu sa isang malaking bahay medyo may pagkamodern ang bahay. Ilang saglit lang ay lumabas na si Yuu kasama si...

"April..." Mahinang sambit ko. Nakasakbit ang kamay ni April kay Yuu.

"Manong sundan mo ulit! Naku! Mapapatay ko talaga si Yuu kapag nalaman kong niloloko ka niyan! Hindi pa nga kayo eh!" Nanggigil na sabi ni Jazz.

Halo-halo na ang naiisip ko sa mga oras na ito.

Niloloko lang ba ako ni Yuu? Hindi ko alam kung ano bang iisipin ko sa mga oras na to.

Tumigil ulit ang sasakyan sa condo ni Yuu.

Sa pagkakataon na iyon ay sumunod na ako sa kanila. Iniwan ko si Jazz sa loob ng taxi at nagmadaling sundan sila. May susi din ako ng condo ni Yuu dahil siya mismo ang nagbigay ng duplicate sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang kabog sa dibdib ko ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o hindi na.

Ngayon ay nasa tapat na ako ng pintuan ng condo niya. Labis labis ang nginig sa aking kamay habang ipinapasok ko ang susi. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan.

"HAPPY BIRTHDAY!!!"

Sabay-sabay nilang sigaw. Nandito sina Chad, Alex, April, ang Kuya ko, ang parents ko at ang parents ni Yuu. Pati na rin ang iba namin mga classmates sa university.

"Surprise bessy!" Biglang sabi ni Jazz

Lumapit naman sakin si April at biglang lumuhod.

"I'm so sorry Rain. I'm sorry sa lahat ng nagawa ko sayo." Umiiyak na sabi nito.

Tinayo ko siya at niyakap.

"It's okay. Nagmahal ka lang naman kaya mo nagawa 'yon." Sabi ko sa kanya.

Kumalas na kami sa pagkakayakap.

"Friends?" Tanong sakin ni April habang nakalahad ang kamay niya

Tumango ako at kinuha ang kamay niya. "Friends."

Umalis naman siya at pumunta si Yuu sa harapan ko.

"Hi Love." Bati sakin ni Yuu. Naiiyak ako. Naiiyak ako sa tuwa. Lagi na lang niya ako napapasaya ng ganito.

Nagform naman ng straight line sina Chad, Jazz, Kuya at ang parents ko tsaka itinaas ang mga hawak nilang placards.

Naiyak na ako ng tuluyan ng mabasa ko ang nakasulat.

CAN YOU BE MY WIFE?

"Nakakainis ka talaga tsaka bakit wife? Kaka-18 ko lang." Natatawa na naiiyak na sabi ko.

"Baka kasi makuha kapa ng iba. Para sakin ka lang kasi." Sabi ni Yuu.

Lumuhod ito at narinig ko naman mga tilian ng mga kasamahan namin dito.

"Can you be my wife? The mother of my child--" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nya ng halikan ko siya sa labi.

Sorry Mom, Dad & Kuya. Haha.

"YES!" At isinuot na niya sakin ang sising tsaka hinalikan ulit.

"Ehem!" Sabay na kunwari naubo sina Daddy, Kuya at Alex.

Napatawa na lang kaming dalawa ni Yuu.

"Thank you love. This is the best birthday gift!" Sabi ko sa kanya.

"Ako ang dapat mag-thank you. Sa mga nagawa ko sayo noon ay nagawa mo pa rin akong mahalin ulit. Mahal na mahal kita Rain." Puno ng pagmamahal na sabi niya sakin.

"Walang bibitaw ha? Forever tayo."

"Yes love. Forever." Sabi sabay halik ulit sakin.

Alam kong madami pa kaming pagdadaanan ni Yuu at handa kaming dalawa sa kahit na anong pagsubok na dumaan.

THE END.
Feb. 20, 2014
09:55PM

---

Natapos din!!! Omg!!! Hahaha.

Buti pa sila naniniwala sa forever. Hahaha.

Maraming salamat sa mga nagtyagang naghintay ng napakatagal kong update. Hahaha. Thank you so much guys!

VOTE AND COMMENT.
POGS WITH LOVE.

One Sided Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now