Chapter 29

2.4K 41 0
                                    

Chapter 29

Steven's POV

Oha! Gulat kayo no? May POV na ulit ako. Hahahaha! Alam ko naman namimiss nyo na ako. XD


Ang tagal naman matapos ng klase. Naiinip na ako, gusto ko makita at makasama si Rain alam niyo naman diba?

Naawa talaga ako kay Bebs. Madalas nga siyang tulala kapag nasa harapan niya sina April and Yuu. Minsan kapag napaguusapan yung about sakanila.

Ano ba kasi nagustuhan niya dun?! Gwapo si Yuu pero syempre mas gwapo ako, gentleman pa. Mabait din naman ako ah?!

Nagtataka siguro kayo bakit alam ko yun no? Halata kasi si Rain. De joke lang. Minsan halata siya tsaka kababata ko si Rain kaya alam na alam ko na ugali niya. Hindi lang pala ako ang nakakahalata pati na din sina Jasmine at Chad.

"Class dismissed!" Sabi ni prof. namin.

Mabilis akong lumabas ng room at pinuntahan si Rain. Nasa canteen daw siya eh.



"Steven!!" Sigaw ni Jazz sakin.

"O?" Matipid na sabi ko. Nagmamadali ako eh.

"Sungit. Pupuntahan mo ba si Rain?" Tanong niya.

"Bakit?" Tanong ko din.

"Sungit mo talaga!"

"Oo. Kaya wag kang magulo jan." Sabi ko.

"Uyyy!!!" Sabay sundot sa tagiliran ko. Hays! "Dumadamoves kana ah."

"Pwede ba Jasmine tigil-tigilan mo ako." Sabi ko.

"E bakit kasi hindi kapa umamin kay Rain? Alam ko naman na gustong gusto mo talaga siya dati pa." Sabi nito.

Matagal ko na nga gusto si Rain. Simula nung mga bata pa kami gusto ko na siya. Dapat nga nung highschool aamin na ako kaso ang sabi niya sa akin nun mas gusto daw niyang ganito na lang kami kaya hindi ko na naamin sakanya 'to.

Alam ko naman kasing ituturn down niya lang ako kapag nalaman niyang may gusto ako sakanya. Ayoko din naman iwasan at masira yung pagkakaibigan namin ng dahil lang dun.

And besides inlove siya dun sa hapon na yun! Dapat pala naging japanese na lang din ako kung ganun din pala gusto niya!


"Alam mo naman na hindi ko pwedeng sabihin sakanya yun diba?" Sabi ko.

"Si Yuu ba o yang pagkakaibigan niyo inaalala mo?" Tanong niya.

"Both." Sabi ko. "Ayaw ko masira pagkakaibigan namin and besides inlove pa siya kay Yuu." Dugtong ko.

"ARAY! Bakit kaba nambabatok ha?!" Sigaw ko sakanya. Ano bang problema nito at nambabatok?!

"Ang tanga mo talaga Steven!" Sabi niya. Ako tanga?! Gago ba 'to?!

"Ako pa ngayon ang tanga!" Sabi ko.

"Diba ang sabi mo inlove siya kay Yuu?" Sabi nito.

"O anong connect ng pagiging tanga ko jan?!"

"Ang bobo mo talaga!" Sabay palo sa ulo ko. Nakakarami na 'to ah. Kung hindi ka lang bestfriend ni Rain! "Diba alam naman natin na may mali kay Rain ngayon. Alam mo kasi yang si Rain may pagkapusong bato yan dati diba?"

Yeah. Ganun nga si Rain, kaya nga nabigla ako ng bigla siya magkagusto kay Yuu. Kilala ko kasi si Rain eh. Walang pakealam sa Love Love na yan. Manhid eh.

"Tapos biglang dumating si Yuu. Ang kaso medyo may pagkagaga din pala 'tong si Rain kaya ayun nainlove kay Yuu. Ang kaso nga lang si Yuu may April na ta--"

"Pwede bang sabihin mo na gusto mong sabihin." Ang dami kasing satsat eh.

"Oo na. Sungit! Dapat kasi ngayon mga oras na 'to eh. Kinocomfort mo si Rain. Broken yan kay Yuu eh. Alam mo kasi minsan ang isang tao kapag broken hearted naghahanap ng masasandalan yan at may tendecy din mainlove yung taong yun sa nagcocomfort sa kanya."

"So ang gusto mong sabihin eh tulungan ko si Rain na makalimutan si Yuu?" Tanong ko.

"Tumpak! Akala ko slow ka parin."

"Ganun naman ginawa ko ah."

"O talaga? Madalas mo lang siyang kasama pero napaguusapan niyo ba yan?" Tanong ni Jazz.

"Hindi. Hindi naman niya alam na alam natin na broken siya ng dahil kay Yuu." Sabi ko.

"Alam kung gusto mong mapasayo ang isang tao mageffort ka. Kung alam mong hindi siya okay kung sasabihin niya ayaw niya pagusapan or whatever dapat binibigyan mo siya ng words of wisdom."

"Alam mo ang korny mo." Sabi ko.

"Hays! Ewan ko sayo. Magkababata nga kayo ni Rain."

"TSSS!"

"O ayan na pala si Rain eh." Sabay turo kay Rain.

"Hi bebs, bessy!" Sabay beso samin ni Rain.

"O bakit magkasama kayong dalawa, wag mong sabihn... OMG O____O"

Sabay batok namin kay Rain. Ang dumi ng utak ng babaeng 'to.

"Hehe. Joke lang. kayo naman." Siraulo talaga. Kung di lang kita mahal.

"Osya na. Mauna na ako hinihintay pa ako ni Chad may date pa kami."

"Na naman?!" sabi ni Rain.

"Yeah. Alam mo naman. Magdate din daw kayo ni Steven bessy." Sabay kindat sakin ni Jazz.

Ano na naman pinaplano ng babaeng 'to.

"Hoy Ja---"

"Date?! Sige. Tara date tayo bebs! Namiss kita eh." Masiglang sabi ni Rain.

"Walangya ka. Chance mo na yan." Bulong sakin  ni Jazz.

"Okay bye bessy and Steven!" Sabay alis ni Jazz.



"So tara na bebs?" Sabi ulit ni Rain.

"Ah teka. Magdadate tayo ng nakauniform lang?" Tanong ko.

"Madalas naman natin gawin 'to ah." Sabi niya.

Oo nga pala. Friendly Date.

"Hays! Basta ibang date ang gagawin natin ngayon. Tara sa mall, bibili tayo ng damit." Sabay hila ko sakanya.

"Rain.." Tawag ko sakanya.

"Hmm?"

"Pwede bang kalimutan mo muna si Yuu kahit ngayon araw na 'to. Pwede bang magenjoy muna tayo. Tayong dalawa." Sabi ko sakanya.

Mukha naman nagulat siya sinabi ko pero agad naman ito nakabawi at ngumiti.

"Tara na. Let's go!" Masiglang sabi niya.





Tama nga siguro si Jazz. Gagawin ko lahat mainlove lang sakin si Rain. Hindi-hindi ko siya sasaktan tulad ng ginagawa ni Yuu sakanya.

Ang tanga ni Yuu at hindi niya napapansin yung pagmamahal ni Rain sakanya. Kung hindi ka kayang mahalin ni Yuu. Nandtio lang ako handang mahalin ka Rain.











VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon