Chapter 43

2.4K 34 3
                                    

Chapter 43


Yuu's POV

Habang papunta kami nina Jazz at Chad sa cafeteria nakita namin sila Steven at Rain na magkayakap. Hindi ko kasama si April may tatapusin daw silang Report. Napatigil ako. Hindi ko alam pero parang may kumirot sa may bandang dibdib ko nung nakita ko silang magkayakap.

Ano ba 'to?! Ganito din naramdaman ko kay April noon. Ganitong ganito. Ano bang nangyayari sayo Yuu?!

"Yuu ayos ka lang?" Tanong bigla sakin ni Chad.

"A-ah. Oo, tara na." Sabi ko.


Naguguluhan pa rin ako kay Rain. Hindi ko alam kung tama ba yung sinasabi ni April sakin na aagawin niya daw ako kay April pero alam ko naman na hindi niya iyon magagawa. Mabait na tao si Rain at matalino hindi niya magagawa ang mga ganoong bagay.


Kaya nga hindi ko pa rin magawang iwasan siya kasi nagtitiwala pa rin ako kay Rain tsaka mahalaga siya sakin. Bestfriend ko na yang si Rain eh.


Pero kung dumating man sa point na gawin niya 'yon hindi ko lang alam kung ano magagawa ko. Hindi ko naman kayang saktan si Rain.


Naupo kami sa harapan nila Steven at Rain. Ang saya naman nilang tignan. Talagang kilalang kilala na nila ang isa't-isa. Bakit feeling ko sana ako na lang yung nasa tabi ni Rain. Sana ako na lang katawanan niya, hinahawakan niya at niyayakap niya. Sana ako na lang kakulitan niya ngayong oras na 'to. Nakatitig lang ako sa kanila. Gusto ko man alisin yung mga kamay ni Steven sa mga balikat ni Rain pero hindi ko magawa. Ano bang nangyayari sakin?!


"Oy! Tama na landian." Biglang sabi ni Jazz.


Patuloy pa rin ang dalawa sa paghaharutan. Kung titignan mo para silang magjowa. Kahit papaano ay nakita ko sa mga mata ni Rain na masaya siya. I mean yung totoong tawa niya na matagal ko ng hindi nakikita. Si Steven lang pala makakagawa nun.


Hindi ko maipaliwang yung nararamadamn ko dahil parang  naiinggit ako kay Steven dahil napapasaya niya ng sobra si Rain.


"Ah Yuu maawa ka sa lata." Sabi ni Chad sakin pero hindi ko pinansin. Busy akong nakatitig kina Steven at Rain.


"SHIT!" Napamura ako sa nakita ko. Nahagis ko ng di oras yung coke in can na hawak ko.


Nagaagawan kasi sila ng phone kaso nakataas ang kamay ni Steven para hindi maabot ni Rain. Si Rain naman pilit ito inaabot ang kaso na-out of balance sila kaya ayun napahiga sila pareho pero ang mas malala nahalikan ni... Basta!


"Masama 'to." Narinig ko naman sabi ni Chad.


Agad ko naman hinila si Rain kay Steven. Hindi ko maintindihan sarili ko ngayon. Feeling ko nagdilim paningin ko sa nakita ko. Ayoko ng may ibang humahawak kay Rain ayoko ng may ibang humahalik sa mga mapupulang labi ni Rain.


"T-teka lang..." Hindi ko siya pinansin.


Hinila naman ni Jazz si Rain kaya ang set up ay parang nag-aagawan kami ni Jazz. Nagkatitigan lang kami ni Jazz na para bang naghihintay kung sino ang unang bibitaw kay Rain.


Hinawakan naman ako sa balikat ni Chad sabay binulungan ako.


"Pare huminahon ka. Daig mo pa ang boyfriend eh. Baka nakakalimutan mo may girlfriend kana." Sabi sakin ni Chad. Nabitawan ko naman si Rain.


"Pa-pasensya na Rain." Nakayukong sabi ko.


"Honey ko. May pupuntahan nga pala kami Yuu. Magkita na lang tayo bukas ah." Pagpapaalam naman ni Chad kay Jazz tsaka ako pinagtutulak paalis sa canteen.




Nagpunta kami sa roof top. Nakatingin lang si Chad sa malayo, pinagmamasdan ang buong university. Mula dito kasi tanaw mo ang buong university.


Nakita ko sina Rain at Jazz papuntang gate, pauwi na siguro. Nakita ko naman hinahabol sila ni Steven. Medyo matagal pa sila nagstay doon. Nag-usap siguro.


"Anong tingin mo kay Rain, pare?" Tanong sakin ni Chad.


"Si Rain? Siya yung tipo ng babaeng hindi sinasayang, siya yung tipo ng babaeng hindi dapat pinapaiyak. Siya yung babaeng masarap kasama na kahit sa simpleng bagay lang napapatawa ka niya. Siya yung babaeng hindi kinukumpara sa iba dahil kahit simple lang siya may kakaiba pa rin sa kanya. Matapang na babae si Rain pero nasasaktan din. Sobrang magmahal yan. Siya yung tipo ng babaeng inaalagaan at minamahal ng sobra." Sabi ko kay Chad.


"Mahal mo na ba siya?" -Chad.

"May girlfriend na ako pare at mahalaga sakin ang girlfriend ko." Sabi ko kay Chad.

"Ang tinatanong ko eh kung mahal mo si Rain." Sabi nito.

Bumuntong hininga muna ako. Hindi ko din alam ang isasagot ko sa tanong niya. Mahal ko na nga ba siya? Pero mahal ko din si April kasi siya ang girlfriend ko.

"Sagutin mo yang tanong ko kapag nakapagisip isip kana Yuu. Tandaan mo may taong umaasa sayo at may taong ayaw kang mawala ka sakanya. Pare habang maaga pa dapat alam mo na kung sino sa kanila ang pipiliin mo. Pero sa nakikita ko parang mas matimbang na sayo si Rain sa puso mo. Pare habang maaga pa alamin mo na baka mahuli ka ikaw din. Nakikita ko kasi kay Rain na malapit na siyang sumuko sayo. Tao lang din si Rain napapagod at nasasaktan." -Chad.

Gulong-gulo parin ako pero kailangan kong magmadali baka pagsisihan ko 'to sa bandang huli.

"Salamat pare." Yan na lang ang sabi ko. Umalis na si Chad at ako na lang ang naiwan sa taas. Dinukot ko ang bracelet na bigay sakin ni Rain noong pasko. Kahit hindi ko ma ito suot. dala-dala ko naman 'to palagi. Parang ito kasi ang nagsisilbing lucky charm ko.


"Rain wag ka muna sumuko. Please! Konting tiis na lang."















VOTE AND COMMENT!

One Sided Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now