Chapter 54

3.8K 42 5
                                    

Chapter 54


Rain's POV



Ano na naman ba 'to? Wag kana magpadala sa kanya Rain. Utang na loob at labas!



"Ang tanga ko kasi hinayaan ko ang sarili kong maniwala sa kasinungalingan niya. Ang tanga ko kasi hindi man lang kita hinayaang magpaliwanag. Napakabobo ko Rain. Napakaduwag ko. I'm sorry." Alam na pala niya. Sinabi na ba sakanyan ni April ang totoo?

Mas lalong humigpit ang yakap niya sakin. Isiniksik nya ang kanyang mukha sa aking leeg.


"Wag mo akong iwan, wag kang umalis. Please! Hindi ko kakayanin." Yuu. At pati pala ang pag-alis ko alam na din niya.


"Kakayanin mo. Ako lang 'to Yuu kaya kakayanin mo kahit wala ako sa tabi mo." Walang kaemo-emosyon na sabi ko.


Humiwalay siya sa yakap at iniharap ako.


"Hindi Rain. Hindi ko kaya. Kung alam mo lang kung gaano ako naapektuhan noong mga araw na hindi kita kinakausap. Kung alam mo kung gaano ako nasasaktan sa tuwing nakikita kita umiiyak, sa tuwing nasasaktan kita.." Medyo humina ang boses nito at ramdam mo dito ang pangungulila niya.

Tinignan ko ang medyo singkit niyang mata. Bakit parang nasasaktan siya?


"Akala ko magiging madali na makalimutan mo ako sa tuwing gagawin ko iyon sayo. Akala ko madali ko din makalimutan ka. Akala ko sa tuwing gagawin ko yun mapipgilan ko itong nararamdaman ko sayo Rain, pero nagkamali ako.." Teka.. Ano bang sinasabi nitong lalaking 'to? Nagcoconfess ba siya.


"Y-Yuu.. Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.


"Mahal kita, Rain." Punong-puno ng emosyon ang pagkasabi nito pati na rin sa kanyang mga mata.


 "Ano bang pinagsasabi mo?!" Inis na sabi ko. Pinaglalaruan ba ako nito?! Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa mga braso ko.


"Mahal kita Rain. Totoo yun. Siguro matagal na hindi ko lang maamin sa sarili kasi confused pa rin ako sa nararamdaman ko kay April akala ko siya pa rin pero hindi na pala, kaya pala naiinis ako sa tuwing may ibang lumalapit na lalaki sayo kapag may ibang nagpapasaya sayo. Nagseselos ako Rain. Magmula ng umiwas ka sa akin. Doon ko naramdaman kung gaano ako kalungkot kapag hindi kita nakakasama." Paliwanag ni Yuu.


"Utang na loob Yuu. Tama na! Ayoko na. Tigilan mo na ako, please! Pagod na ako. Pagod na pagod na ako sayo Yuu." Madiin na sabi ko sa kanya habang nakayuko ako.


"Hindi. Hindi ako titigil sayo. Nasasabi mo lang yan ngayon Rain. Please! Wag mo naman ako ipagtabuyan oh." Medyo naiiyak na sabi niya.


Yinakap niya muli ako pero hindi ko iyon tinugon. Mahal ako ni Yuu. Mahal ko pa rin siya pero pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa kanya.


"I'm tired... I'm tired of you." Mahinang sabi ko pero sakto lang para marinig niya.










Yuu's POV

"I'm tired... I'm tired of you."



Hindi. Hindi siya pwedeng mapagod sakin. Hindi niya ako pwedeng iwan, hindi ko kakayanin.


Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya.


Huli na ba ako? Shit. Bakit kasi hindi ko kaagad nalaman? Bakit kasi hindi kaagad inalam? Tangina! Ang tanga ko talaga!



Humiwalay ako sa yakap niya at lumuhod sa harapan niya. Lulunukin ko na lahat ng pride ko wag lang mawala sakin si Rain. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.



"Please Rain. Isa pang pagkakataon. Gagawin ko lahat, lahat-lahat Rain. Please!" This time lahat ng luhang pinipigilan ko ay bumagsak na. Bakla na kung bakla pero di ko kayang mawala sakin si Rain.


"Yuu, tumayo ka jan!" Sabi nito habang pilit akong pinapatayo.



"Please Rain..." Pagmamakaawa ko. tinignan ko siya sa mata.



Nakita ko ang pagbuntong hininga niya.



"Okay. Tumayo kana jan at umuwi kana." Pagkatapos nun ay nag-iwas siya ng tingin.




Ayaw naba talaga niya sa akin? Tumayo ako at nakayukong nagtungo dun sa bintanang pinasukan ko. Ang sakit talaga mareject.


"Last chance Yuu. Sana mapatunayan mo lahat." Sabi ulit ni Rain.






















Napaharap ako bigla sa kanya.


Last Chance? Ibig sabihin ba nito, may chance pa ako? Tanga lang Yuu? Last chance nga diba?


Nagmadali ako nagtungo sa kanya yinakap at hinalikan siya. Hindi napigilan eh. Masyado ako masaya.


"Thank you Rain. Promise gagawin ko lahat." Nakangiting sabi ko.



























--
Tara nood ng A Second Chance. Haha.




VOTE AND COMMENT.

One Sided Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now