Chapter 57

4.1K 32 1
                                    

Chapter 57

Yuu's POV

Habang hinihintay ko si Rain sa may sala hindi ko mapigilan maisip yung nangyari kanina. Wala akong balak na masama na gawin kay Rain. May respeto ako sa mga babae at alam ko naman ang limitations namin pero kanina... bakit kasi ganoon lang suot niya? Tsk!

"Ehem!" Napatayo ako ng may marinig akong tumikhim. Nakita ko si Kuya Nick na seryosong nakatingin sakin. Mukhang alam ko na pag-uusapan namin.

"A-Ah.. Kuya ikaw pala. Hehe." Napakamot na lang ako sa batok ko. Umupo na ulit ako ng makita ko din siyang umupo.

"Naliligaw ka pa lang sa kapatid ko, diba?" Seryosong sabi ni Kuya Nick.

"Yes Kuya." Sagot ko naman.

"Sinasabi ko na sayo Yuu. Masyado pa kayong bata ni Rain. At sa kalagayan niyo ngayon unahin mo muna ang pagkuha ulit ng tiwala ng kapatid ko bago mo siya bigyan ng kiss mark sa leeg." Tuloy-tuloy na sabi ni Kuya Nick.

Hindi ko mapigilan hindi masamid sa sinabi niya. Medyo nahihiya din ako.

"P-Pasensya na kuya. A-Ano kasi.. Hmm.. Hindi na muulit yun. Promise!" Nauutal na sabi ko at kinakabahan din ako sa mga oras na 'to. Kahit na may pagka-isip bata si Kuya Nick sa mga oras na 'to ay gumagana na ang pagiging Kuya niya kay Rain. Hindi ko din naman siya masisisi. Napayuko na lang ako.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Kuya. Napa-angat ako ng makita kong nagpipigil siya ng tawa at namumula na ang mukha nito.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Feeling ko rinig na kabilang bahay sa lakas ng tawa ni Kuya. Napatingin na lang ako sa kanya na parang naweweirduhan.

"Pa-Pasensya na. HAHAHAHA. Kung nakita mo lang mukha mo Yuu. Epic. BWAHAHAHAHAHA!" Tawa ulit niya na parang wala ng bukas. Nang mahimasmasan na ay tumingin ulit siya sakin.

"Pero wag mo munang buntisin ang kapatid ko kundi puputulan ko yang kaligayan mo pero pwede din hindi. Hmmm.. Aha! Ipapakasal ko na lang kayo tutal mahal ka naman ng kapatid ko. Bwahahaha!" Parang demonyo kung makatawa ito.

Napakamot na lang ako sa batok ko. Akala ko pa naman seryoso siya pero kahit na hindi siya seryoso dun gagawin ko parin yung sinabi niya. Alam ko naman na dinadaan lang ni Kuya Nick sa biro ang lahat.

"Hoy kuya! Para kang sinapian jan." Narinig kong sabi ni Rain habang pababa siya ng hagdan.

"Suuus! Suplada talaga, porket nagkiss na sila ni Yuu." -Nick.

Natawa ako ng palihim sa sinabi ni Kuya Nick. Para namang kamatis si Rain sa sobrang pula.

"Tse! Kung ano-ano na pinagsasabi mo! Makaalis na nga. Tara na Yuu!" Sabay higit sakin ni Rain.

Pagkasakay pa lang namin ng sasakyan pinagpapalo na ako ni Rain.

"Kainis ka! Kasalanan mo 'to. Nakakahiya ka Kuya!" Sabi niya habang pinapalo pa rin ako. Ako naman tawa lang.

"At tumatawa kapa ha?!" -Rain

Hinawakan ko magkabilang puslo niya para magtigil siya sa kakapalo at hinalikan siya. Nawiwili nako sa kakahalik dito. Hahaha.

"Edi tumigil ka din. Hahaha. Ang cute mo talaga." Sabi ko sabay kurot ng mahina sa pisngi niya.

Rain's POV

Nakatulala pa rin ako sa nangyaring halikan samin ni Yuu. Shet! Para naman first time mo pa rin mahalikan ni Yuu eh pang-ilan beses na niya 'to ginawa.

Tumingin na lang ako sa bintana. Ayoko makita niya mukha ko na feeling ko ngayon sobrang pula daig pa ang kamatis. Nakakainis naman kasi si Yuu manghahalik na lang bigla bakit di na lang niya sabihin papayagan ko naman siya. Wahahaha! Landi lang eh.

 "Saan ba kasi tayo pupunta Yuu?" Tanong ko sakanya na busy-ng busy sa pagddrive.

"Mamasyal lang." Pa-cool na sabi nito.

"Tsaka namiss kita eh. Gusto ko din bumawi sa lahat ng mga naging kasalanan ko sayo." Seryosong sabi niya.

Kahit ata anong gawin niya sakin hindi ko kayang magalit sa kanya. Ganun siguro kapag mahal mo ang isang tao.

"Matulog ka muna, gigisingin na lang kita." Tumingin siya sakin tsaka ngumiti. Nginitian ko din siya pabalik.

Nagising ako dahil sa mahinang pagtampal sakin ni Yuu sa may pisngi.

"Love, gising na. Were here." Malambing na sabi nya.

Nagunat-unat muna ako at nag-ayos bago lumabas ng sasakyan.

"Wow." Yan lamang ang nasabi ko paglabas ko ng sasakyan.

"Napakaganda dito Yuu." Nakangiting sabi ko habang nakatitig sa asul na karagatan.

"You like it?" Tanong niya sakin.

Umiling ako. "I loved it! Thanks Yuu." Nakangiting sabi ko dito.

Yinakap niya ako mula sa likod.

"Basta para sa Rain. Gagawin ko lahat para sa mahal."

Humarap ako sa kanya at inilagay ko ang kamay ko sa leeg niya.

Hinalikan ko siya sa labi pero smack lang naman.

"Thank you kiss?" Natatawang sabi ko.

"Tara na nga sa loob. Ipagluluto kita ng dinner." Nakangiting sabi niya.

I nodded. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay namin habang naglalakad papunta sa resthouse nila.

Napagalaman kong nasa batangas pala kami.

"Nasa taas ang kwarto mo yung kulay puti ang pintuan. Katapat lang ng room mo ay yung sakin naman." Paliwanag niya.

"Wait.. Wala akong dalang damit." Nakapout na sabi ko.

"Dont worry, Love. Pinabili ko na kay Jazz lahat ng kailangan mo."

"Hay. Pwede mo naman kasi sabihin sakin 'to diba? Para hindi kpa napagastos." Pagrereklamo ko.

"I want to suprise you. Kaya hindi ko pinaalam sayo." -Yuu.

"Mahal na mahal kita Rain. Lahat ng nasayang na panahon na dapat ay naging masaya tayo ay gagawin ko ngayon. Babawi ako diba? Kaya eto, sinisimulan ko na." Lintaya ni Yuu.

Oh! Kung alam mo lang Yuu. Mahal na mahal pa rin kita. Walang nagbago. Ikaw pa rin kahit na nasaktan ako ng ilang beses, ikaw pa rin ang mahal ko.

---
Sa wakas nakapag-ud din. Hahaha. Pero ang lame. Pasensya na. Bawi na lang.

VOTE AND COMMENT.

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon