Chapter 22

2.6K 38 3
                                    

Hello! At dahil hindi ako nakapunta ng Induction Night namin magUUD na lang ako. Huhuhu! Induction Night koooooo! T_T Naiiyak na ako dito ng dahil lang dun. Once in a lifetime lang yun eh!

Baka nandun din yung KRASSSSSS KOOOO!! Hihihi. Landi ko na. :">

Osya, eto na Chapter 22.

ENJOY READING!!


---



Chapter 22




Rain's POV



Dali-dali ako lumabas ng kwarto nagsuot ng jacket at kumuha ng payong.

"Oh Rain hija saan ka pupunta? Kakain na." Sabi ni Manang Lor. Nakasalubong ko kasi sya.

"Sa labas po manang. Saglit lang po ako." Hindi ko na sya hinintay magsalita pa. Nagmamadali ako eh. Baka mapano pa si Yuu.

Nakakainis! Galit ako sakanya pero nag-aalala ako para sakanya! Ang unfair!

Pagkalabas ko. Ang lakas ng ulan grabe! Nakita ko si yuu sa tapat ng gate namin. Nakaupo nanginginig sa lamig.

"Hoy! Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw ko sakanya.

"R-rain? A-akala ko hindi ka na l-lalabas." Garagal na sabi nya. Shit! Baka lagnatin to.

"Halika ka nga dito!!" Hinila ko sya papunta dun sa payong. "Nakakainis ka alam mo yun?! Galit ako sayo eh kasi ang sakit nung sinabi mo sakin kanina pero bakit mko pinagaalala ng ganito!!" Sigaw ko sakanya.

"Nag-aalala ka? S-sorry. Kaya nga nandito ako para magsorry sayo. Hindi ko dapat sinabi yun sayo Rain. Sorry kung nasaktan kita hindi na mauulit yun. Promise." Yinakap ko sya kahit basa sya kaya ayun parehas kaming basa.

"Nakakainis *huk* ka! Pasalamat ka *huk* Mahal kita. *huk*"

"Sshh.. Tama na." Hinawakan nya yung pisngi ko tapos pinunasan nya yung luha sa mga pisngi ko.

"Mas mahal kita. Mahalaga ka sakin Rain hindi lang kaibigan turing ko sayo parang kapatid na din turing ko sayo eh. Tama na ha?" Nagsmile sya sakin.



Wow! Higit pa sa kaibigan kaso nga lang kapatid naman.

Nageexpect kana naman Rain kaya ka nasasaktan eh. Yan tayo eh!!



"Wala paba kayo balak pumasok sa loob?" Napatingin naman kami sa gate.

"Kuya/KuyaNick!" Sabay na sabi namin ni Yuu. Uyy! Sabay kami nagsalita. So meant to be kami? Hahajk.

"Kanina kapa jan?" tanong ko.

"Hindi naman. Actually hindi ko naman nakita lahat. Yung mga yakapan moments nyo ts---" Hindi ko na sya pinatapos. Nakakahiya na.

"Hep hep! Wag mo ng ituloy. Shut up kuya!"

"Hahahahaha! Nahiya kapa. Pumasok na kayo sa loob." Lakas ng tawa ng gagong 'to.



Huhu! Nakita lahat ni Kuya? Waaaaahhhh! Nakakahiyaaaaaaa!!  Ayos lang yan nakachansing este nakayakap kana man kay Yuu. Hihihi! Ang landi mo na talaga Rain.



Bumaba na ako pagkatapos kong nagbihis. Excited na ako makita yung asa-- este si Yuu.

Nakita ko naman si Kuya sa sala nakaupo.

"Kuya nasan si Yuu?" Masiglang sabi ko.

"Umuwi na may tumawag kanina sakanya ayun. Nagmamadaling umuwi." sabi ni kuya.

One Sided Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now