Chapter 21

2.5K 41 1
                                    

Chapter 21



Rain's POV




*PAAAAAKKKKKK!!!!!*




Ako pa tatawagin nyang duwag?! Bakit alam ba nya tong pesteng nararamdaman ko?!


"Duwag? Ako? Alam mo ba kung bakit hindi ko pinapakitang nasasaktan ako?! Ayoko kasing kaawaan ako ng tanong mahal ko!! Naiintindihan mo ba ako?!" Sigaw ko sakanya.


"At alam mo ba kung bakit hindi ko magawang sabihin sakanya tong pesteng nararamdaman ko?! Kasi iniingatan ko yung pagkakaibigan namin! Gaano ka ba sigurado na hindi nya ako lalayuan kapag sinabi ko sakanya 'to Yuu?! Hindi mo alam diba?! Sa oras na sabihin ko sakanya to hindi pwedeng walang magbabago samin!! At ayokong iwasan nya ako! Naiintindihan mo ba ako?! Hindi mo alam gaano kahirap magmahal ng taong iba ang mahal!"


Tumalikod na ako at sumakay sa sasakyan ko. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita pa. Naririrnig kong tinatawag nya pangalan ko pero hindi ko sya pinansin.


Mabilis kong pinatakbo yung sasakyan ko at buti na lang nakarating pa ako ng buhay sa bahay.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. Pumasok agad ako sa kwarto ko at pabagsak na sinarado yung pinto.


Pabagsak akong humiga sa kama. "Nakakainis ka Yuu!!"

Binalibag ko yung alarm clock na nakalagay sa side table.


"Woah! Chill ka lang bunso.  Wag mong sinrain tong alarm clock ko mo."

"Kuya!! Anong ginagawa mo dito?!" Napatayo ako sa pagdating nya. Kaya pala hindi ko din narinig pagkabagsak ng alarm clock ko kasi nasalo nya.



Umupo sya sa kama ko kaya napaupo din ako. "Hindi mo kasi ako pinansin kanina basta basta kana lang lumakad at dumiretso sa kwarto mo. Sinundan pa nga kita kaso hindi mo din napansin pinagsaraduhan mo pa ako ng pinto." Sabi nito.

"Sorry kuya kasi.."

"Nagkita ba kayo ni Yuu kanina?" Tanong nya.

"Yeah and unfortunately nag-away lang kami."

"Ano naman pinag-awayan nyo? Mukhang first time nyong nag-away ah."


Oo nga no. Eto yung unang away namin ni Yuu at nasampal ko pa sya. Hindi ko lang naman kasi nagustuhan yung sinabi nya sakin eh o masyado lang ako sensitive dahil wala ako sa mood? Mukhang may mali din ako.


"Yeah at nasampal ko pa sya Kuya. I didn't mean to do that. Nadala lang ako Kuya." Sabi ko.

"Bunso maliit man o malaki yang pinagawayan nyo kailangan nyong ayusin yan as soon as possible. Hindi dapat pinapataggal yang away."

"I know kuya kaso kasalanan naman nya eh. Nasaktan lang ako sa sinabi nya."

Kasalanan ba nya talaga? O ako ang may kasalanan?

"So patatagalin mo ya? Okay. Pairalin mo yang pride mo Rain."

"But--"

"No buts. Call him at ayusin nyo na yan."



Kinuha ni Kuya yung phone ko na nasa side table.

Nakatingin lang ako. Pinagiisipan ko kung kukunin ko ba yun o hindi.

Sakto naman biglang umilaw phone ko.




Shinji Yuu's Calling...




"Oh.. hindi mo na pala kailangan tumawag sakanya kasi sya na tong tumatawag sayo."

Bago ko pa sya pigilan para sabihin na wag nyang sagutin eh nasagot na nya yung call.

"Yes?"

Niloudspeaker nya yung phone ko para marinig ko yung pinag-uusapan nila.

[Kuya Nick? Ikaw ba yan? Please pakausap naman ako kay Rain oh. Importante lang.]

Sumenyas ako na ayaw ko syang makausap.

"Ayaw ka nya makausap eh."

[Please kuya. Nasa tapat ako ng bahay nyo ngayon. Pakisabi hindi ako aalis dito hangga't di ko sya nakakausap]



Ano daw?! Napatayo naman ako tapos sumilip sa bintana. Nandun nga sya nakasandal sa kotse nya, ang hot nyang tignan. Ay letse! Anong hot pinagsasabi mo jan Rain! Galit ka sakanya diba?! Umupo na lang ulit ako sa kama.



"Umuwi kana. Ayaw ka nya makausap. Bye." Tapos inend call na nya.

"Wow! Kanina lang ang sabi mo tawagan ko sya tapos gumaganya ka." Sabi ko.

"Alam ko naman hindi mo din sya matitiis." O talaga? Ibang klase din pag-iisip ng kuya ko.

"Tss! Manahimik ka nga jan."







*Brrroooooggggssshhhhhh!!!!* [A/N: Soundeffects po yan. Kulog yan kunwari. Hahahahaha.]





Isang malakas na kulog kasabay nung pagbuhos ng malakas na ulan. Teka may bagyo ba?

"Woah! Lakas ng ulan." Nakakatakot naman. May kidlat pang kasama. Hindi na naman ako makakatulog nito mamaya.

"Sige tawagin na lang kita kapag kakain na." Tapos tumayo na bago nya buksan yung pinto nagsalita ulit sya. "Yung bisita mo sa labas, basang basa na. Tsk tsk!" tapos umalis na.

Napakunot noo naman ako sa sinabi nya. Huh? Bisita? Baliw ba si Kuya? Kita mo ng lakas ng ulan tapos may bisita pa ako at sa labas pa nagstay ah. Tsaka sinong tanga a--- OH SHIT! SI YUU NGA PALA NASA LABAS!!

Anak ng pating sa kalabaw! Sumilip ulit ako sa bintana. Walangya! Nandun pa rin sya.





VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now