Chapter 19

2.4K 43 3
                                    

Chapter 19


Rain's POV


Ano ba yan! Peste! Pinagtritripan na naman ng magaling kong kuya. Kitang ng natutulog yung taong kinikiliti pa ako sa tenga.

"Hmmm.. Kuya naman eh." Sabi ko sabay talukbong ng kumot.

Ays! Ang kulit din ng isang to ah. Kanina sa tenga ngayon sa paa naman.

"Isa! Kapag hindi ka tumigil jan sasapakin kita." Pagbabanta ko.

"Rain.. Gising na." Nagiba ata boses ni Kuya? Naging kaboses nya ata si Yuu? Hahaha. Naku! Antok lang yan Rain.

"Inaantok pa ako. Lumayas ka nga sa kwarto ko Kuya." Sabi ko.

"Rain hindi ako kuya mo, Si Yuu ito. Gising na jan uy!" Yugyog sakin.

Wapakels pa rin ako sa sinabi nya. Ang bango naman ng kumot naamoy ko si Yuu sa kumot na to.








T-teka.. Ano ulit sabi nya?







Napabangon naman ako bigla. Pinagmasdan ko yung paligid. Hindi ito yung kwarto ah!



"Kyaaaaaaaaaaaahhhh!!! Bakit nandito ako?!" Tanong ko kay Yuu.

"Hays! Wag ka nga maingay Rain, nasa condo mo ako. Remember yung kagabi?"

"A-anong kagabi?" Napahawak naman ako sa katawan ko. "H-hindi pwede!" Kahit na gwapo si Yuu. Kahit na mahal na mahal ko yan hindi ko parin tanggap na pinagsamatalahan nya ako. Huhu!

"Hoy Tiffany Rain! Wag kang OA. Hindi kita pinagsamantalahan no. Isipin mo mabuti yung kagabi. Ikaw kung ano-ano pinagsasabi mo. May pahawak hawak kapa sa dibdib mo. Hahahaha!"

Ay ang tanga! Oo nga pala nakatulog na pala ako nun. Napatingin naman ako sa katawan ko. Suot ko parin yung damit ko kagabi.

"Hehe. Sorry!" Sabi ko kay Yuu tapos nagpeace sign pa. Pero teka.. Patay! Lago ako kay Kuya. "Waaaaaahhhh!! Yuuuuuu!! Lagot ako kay Kuya. Huhu!" sabi ko.

"Don't worry, tinext ko na si Jazz sabi ko sabihin nya sa kuya mo na magkasama kayo nakatulog ka kasi sa condo ko." Ang galing talaga ng labidabs ko. Hihihi! Okay ang lande. Hahaha.

"Oh eto damit mo. Pinabili ko yan kay Jazz, maligo kana. Ang baho mo na uy!" Inamoy ko naman sarili ko.

"Hoy! Walangya ka. Mabango parin ako no. Letse! Alis kna nga jan ng makaligo na ako."

"Hahahaha! Uto-uto ka naman." lakas mangtrip ng gagong to ah. "Bilisan mo ng maihatid na kita."



Pagktapos ko naligo lumabas na ako ng kwarto. Hmmmm... Ang bango. Si Yuu ba yung nagluluto?


Dali-dali ako pumunta ng kusina. "Yuu a--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko sana. Hay.. Sana pala hindi na ako pumunta ng kusina.

"Oh Rain buti tapos kna naligo malapit na din matapos yung niluluto ni April."

Yeah.. Tama kayo si April yung nagluluto. Ang aga naman nyang nandito, sabagay baka ganyan talaga sila dati.

"Maupo kana Rain, malapit din naman to." Sabi pa ni April. Bakit ba ang bait ng babaeng to. Hays!

"A-ahh.. Aalis na ako baka kasi magaalala na si Kuya sakin. Salamat na lang." Sabi ko.

"Ay teka, ihatid na kita." Sabi ni Yuu.

"Hindi. Ayos lang, magtataxi na lang ako. SIge mauna na ako." Dali-dali ako umalis na condo nya. Halos patakbo na nga ako maglakad makapunta lang agad sa elevator.

"Teka!" Sigaw ni Yuu tapos iniharang nya yung kamay nya sa elevator. "Rain nakalimutan mo bag mo." Sabay abot sakin ng bag ko. Akala ko pa naman pipigilan nya ako.

Duh! Wag kang assuming Rain, may April na sya. Sabi ng utak ko.

"A-ah. Haha. Salamat, sige. Alis na. Bye!" Sabi ko.

"Teka lang. Okay ka lang ba Rain?" Tanong ni Yuu.

"Oo naman. Ang weird mo Yuu. Hahaha." Kunwaring natatawang sabi ko. "Sige alisin mo na kamay mo. Bye!" Ako na nagalis ng kamay nya sa elevator.



Huminga ako ng malalim. Buti na lang ako lang mag-isa sa elevator.

"Nakakainis! Bakit ba mahal na mahal kita Yuu?" Sabi ko. Pinunasan ko agad yung mga luha sa mata ko malapit na kasi magbukas yung elevator.


Nasa tapat na ako ng bahay ko. Pinilit kong ngumiti para di mahalata ni Kuya. Hindi pa rin kasi ako okay eh.

Pagkapasok ko. Bumungad agad sakin si Kuya na nakaupo sa sala. "Good morning Kuya." Sabi ko.

"Oh buti nakauwi kana. Kamusta naman?" Tanong nya.

"Ayos lang naman. Sige kuya akyat na ako ha? Bitin pa tulog ko eh. Hehe."

"Okay. Sleepwell bunso." Tumalikod na ako sakanya.




Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko agad ko itong nilock. Ayoko ng istorbo. Gusto ko mapagisa ngayon.

"Ang tanga mo Rain. Sobrang tanga mo!" Sabi ko sa sarili ko. Naiiyak na naman ako.

"Pesteng luha ka! Bat ayaw mong tumigil sa pagtulo! Hindi kapa ba nauubos!" Marahas kong pinapahid yung mga luha sa pisngi ko.

"Bakit kasi hindi na lang ako mahalin nya? Bakit?" Tanong ko sa sarili ko. Ganito pala yung feeling na hindi ka mahal ng taong sobrang mahal mo. Ang sakit pala, sobrang sakit pala.

Sa kakaiyak ko hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng marinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

Bumangon ako at agad itong binuksan. Si Kuya lang pala. "Oh Rain, bat namaga yang mata mo? Umiyak ka ba?"

Napatingin naman ako sa salamin. Namamaga nga. "A-ah ako umiyak? Bakit naman ako iiyak? Hahaha. Nasobrahan lang ako sa tulog."

"Osya, masyado kang defensive. Magayos ka na at kakain na." Akmang aalis na sana sya kaso huminto na naman sya. "Kung nasasaktan kana, tigilan mo na." Sabay alis nito.

Kahit kailan talaga ang weird ng kapatid ko. Hahaha. Pero nagets ko yun. Hindi naman ganun kadali yun eh. Hay! Nakakainis ka Yuu! Anong ginawa mo sakin bakit naging ganito ako?

Ang dugas mo Yuu!! Ikaw ang saya-saya mo samantalang ako umiiyak ng dahil sayo. Bakit ba kasi nakilala pa kita?


















VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now