Chapter 51

3.1K 33 0
                                    

Chapter 51


Rain's POV

Papunta ako sa condo ni Yuu. Kailangan ko na talaga siya makausap. Wala akong pakealam kahit ipagtabuyan pa niya ako, ang gusto ko lang makinig siya sakin.

Sakto naman na magdodoorbell ako ng biglang buksan ni Yuu ang pintuan kaya medyo nagulat ako pati siya nagulat. Pero agad naman ito naalis sa mukha niya. Hindi niya siguro inaasahan na pupunta ako dito sa condo niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig at parang pagalit na sabi niya sakin.

"Gu-gusto lang sana kita kausapin." Sabi ko sa kanya. Sa mga oras na ito kinakabahan na ako pero inihanda ko na ang sarili ko sa mga masasakit na salitang sasabihin niya sakin.

Nakita ko naman siya nag-smirk.

"Yuu, please! Mahal kita, mahal na mahal. Kay--" Hindi na niya ako pinatapos dahil agad niya akong hinila sa loob at marahas na hinalikan.

"Y-Yuu.. Please.. T-tama na." Paputol putol na sabi ko. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Nalalasahan ko na ang dugo sa may labi ko.

Itinulak ko siya ng pagkalakas lakas.

"Ano?!" Pagalit niya sigaw sakin dahil itinulak ko siya.

"Hindi ba ito naman ang gusto mo Rain?! Pagbibigyan  na kita. Chance mo na 'to para maika-- *PAAAKKK!!!*" Hindi ko na siya pinatapos dahil sinampal ko na siya.

"Hindi ako nagpunta dito para tapakan mo lang ang pagkatao ko. Hindi ako nagpunta dito para babuyin ako! Wag kang mag-alala, hinding hindi na kita guguluhin pa." Umiiyak na sabi ko.

Nagmadali ako umalis sa condo niya hanggang makarating ako sa parking.

Bakit ang sakit. Bakit ganito tingin sakin ni Yuu. Ganun ba siya kagalit sakin para sabihin pa ang mga bagay na yun? Ngayon ko lang naranasan ang maging ganito, ngayon ko lang marananasan ang masaktan ng ganito.

Ngayon ko lang naranasan ang husgahan ng taong mahal ko. Umiiyak pa rin ako hanggang sa makauwi ako ng bahay.

Pagkatapos ng mahabang iyakan. Pumunta ako sa kwarto ni Kuya.

"Oh Rain nandyan kana pala. Teka umiyak kaba? Anong nangyari jan sa labi mo?" Nag-aalalang tanong ni Kuya sakin.

"Anong ginawa sayo ni Yuu? Siya ba may gawa niyan?! Tang*na!!!" Galit na tanong ulit niya.


"Anong ginawa sayo ng gagong yun?! Sabihin mo sakin?!" Galit pa rin si Kuya pero di ko siya kinibo.


"Kuya paki-ayos na passport ko. Gusto ko na makaalis sa lalong madaling panahon. Kung pwede bukas na bukas din aalis ako." Sabi ko sa kanya.

Halata ang pagkagulat sa kanya pero nawala din ito. Tumango naman siya at tinawagan ang dapat tawagan.

Hindi na tumutol kapatid ko dahil alam naman niya ang nangyayari kahit na hindi ko sabihin.

Pumunta naman ako sa kwarto ko pagkatapos ko sabihin sa kuya ko 'yon.

Mga ilang sandali pa sumunod naman siya.

"Sigurado ka na ba?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako.

"Sige kung iyan ang gusto mo. Sana maging okay kana Rain. At kailangan ko lang makaganti sa gagong yun!" Sabi sakin ni Kuya. Napayakap naman ako sa kanya.

"Ang sakit pa rin Kuya *huk* Sobrang sakit pa rin! *huk*" Umiiyak na sabi ko sa kanya. Para ako batang nagsusumbong sa kanya.

"Kalimutan mo lahat ng nangyari dito, magsimula ka ulit sa Paris. Sorry Rain hindi ka maprotektahan ni Kuya. 'Wag kang mag-aalala lahat ng mananakit sayo ako ang makakalaban nila." Sabi sakin ni Kuya.

Tama siya. Kakalimutan ko lahat ng masasamang nangyari sakin dito. Kailangan kong bumalik sa dating ako. Yung Rain na walang pakealam sa love love na yan. Nakakatang*na kasi yan. Magsisimula ulit ako sa Paris.



 

A/N: Malapit na matapos.

VOTE AND COMMENT!

One Sided Love (UNEDITED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora