Chapter 20

2.8K 44 1
                                    

Chapter 20



Yuu's POV


Nasa condo ako kasama ko pa rin si April. Hindi pa rin maalis sa utak ko si Rain, yung nangyari kagabi. Tapos kanina kakaiba na naman kinikilos nya. Kahit nakangiti sya sakin alam ko naman na peke lang yun halata sa mga mata. Hay! Ganyan ba kalakas ang epekto ng lalaking yun kay Rain para lang magkaganyan siya?!

"Babe?" Medyo natauhan ako ng tawagin ako ni April.

"A-ah yes babe?"

"Hindi ka na man nakikinig sakin eh. Lutang yang utak mo magmula ng bumalik ka dito kanina para habulin mo si Rain."

"Sorry napuyat lang siguro ako."

Yumakap sya sakin. "Hay. Nakakaselos na minsan kasi parang mas mahalaga pa si Rain kesa sakin."

"Huh? Paano mo naman nasabi yan?" tanong ko.

"Nakikita mo yang bracelet na yan?" Sabay taas ng kamay ko. "Suot mo parin. Diba bigay sayo yan ni Rain? Tapos yung bigay ko sayo hindi magawang maisuot." Nagtatampong sabi nya.

"Ikaw talaga." Yumakap din ako sakanya. "Magkaibigan lang kami ni Rain, okay? Ikaw lang mahal ko. Promise!"

"Talaga? Magmula kasi ng nakilala mo si Rain lagi ka ng masaya kahit mga simpleng bagay lang lagi kang nakatawa tapos wala ka ng ibang bukang bibig kundi si Rain."

"Babe naman. Ikaw lang mahal ko. Kung inaakala mo may gusto ako kay Rain, nagkakamali ka. Hindi naman ako hihingi ng tulong kay Rain para lang maging akin ka ulit sakin, diba?"

"Hmp! kahit na suotin mo muna yung bigay ko sayo. I'm sure maiintindihan naman ni Rain yun."

Huminga ako ng malalim. "Okay fine." Sabi ko na lang.

Hindi ko alam pero parang labag sa loob ko na tanggalin yung bigay ni Rain sakin. Importante sakin 'to tsaka nangako ako kay Rain eh.

Pero baka kasi magtampo na naman si April. Hays! Maiintindihan naman siguro ni Rain 'to.


"I love you babe." Sabi ni April tapos sumiksik sa dibdib ko.

"I-ilove you t-too." Bakit ganito? Bakit parang ayaw ko sabihin sakanya yung mga salitang yun? Hindi naman ako ganito sakanya noon ah.






Rain's POV

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan ako dinadala ni Yuu noon. Hapon na kaya hindi na mainit dito. Gusto ko mapag-isa kaya pumunta ako dito. Ayoko kasi sa bahay sigurado iistorbohin lang ako ni Kuya. Dinala ko din gitara ko. Ganito lagi ako kapag nalulungkot. Maghahanap ng tahimik na lugar tapos tutugtog.

[A/N: Nasa side po yung song. Pangarap lang kita. --->]

"Mabuti pa sa lotto...
May pag-asang manalo...
Di tulad sayo... impossible...
Prinsesa ka... ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari
At kahit mahal kita... wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta...
Pangrap lang kita...

Ang hirap maging babae
Kung torpe iyong lalaki
Kahit may gusto ka... di mo masabi
Hinde ako iyong tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya di maaari
At kahit mahal kita... Wala ako magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta, pangrap lang kita

At kahit mahal kita,
Wala ako magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta, pangrap lang kita

Suiran wo hen ai ni
Wo mei pan fa gaosu ni
Wo xin zhong yi you oh ~ qinai
Danshi xi wang ni de ai

At kahit mahal kita (da ai ni)
Wala akong magagawa (wo zhen de mei fanfa)
Tanggap ko 'to aking sinta
Pangrap lang kita

Pangarap lang kita, pangarap lang kita...
Pangarap lang..."



Hanggang pangarap kana lang ba talaga Yuu?


Nabigla ako ng may narinig akong pumaplakpak.

"Ay palaka!" Letse! Ano ba yan.

"Hahaha. Magaling ka pala kumanta bakit hindi mo sinabi sakin?" Si Yuu lang pala. Bakit ba nandito tong mokong na to. E ayoko nga sya makita eh.

"Why are you here?" Sabi ko.

"Hindi  ba dapat ako nagtatanong nyan sayo? What are y doing here?" Oo nga pala. Sakanya pala kuta to.

"Wala nagpapahangin lang. Ikaw? Diba kasama mo si April?"

Umupo sya sa tabi ko.

"Pinauwi ko na. Sabi ko masama pakiramdam ko." E kung masama pala pakiramdam nya e bat nandito sya? Diba dapat nagpapahinga sya?

"Bakit nandito ka? Diba dapat nagpapahinga ka?"

"Haha. Wala lang."




Hindi ko na lang sya kinibo nakatingin lang kami parehas sa view.

Tinignan ko sya. Napansin kong hindi na nya suot yung bracelet na bigay ko sa halip yung April yung suot nya.

Shit! What do you expect?! Natural lang alisin nya yun kasi mas mahalaga si April kaysa sayo!

"Inalis mo na pala." Sabay tungo.

"Kasi si April.."

"Its okay. Hindi mo kailangan magexplain. I understand." Sabi ko.

"Alam mo ba yung feeling na parang may kulang parin. Yeah, I know bumalik na si April sakin pero parang may kulang. Hindi na tulad na tulad dati." Sabi ni Yuu.

"Mahal mo pa ba?" Tanong ko.

"OO naman."

Halata nga eh. Kaya nga ang sakit para sakin. Alam mo ba yun?!

"Masaya kapa ba?" Tanong ko ulit.

Hindi sya sumagot.

"O bat hind ka naimik jan?"

"Hindi ko din alam Rain kung masaya pa ba ako."

"Pwes! Alamin mo kung hindi kana masaya bumitaw kana. Magpakalalaki ka Yuu!"

"E ikaw, masaya ka ba?" Tanong naman nya.

"Teka bat sakin naman napunta?"

"Wag kang magpretend na okay ka kahit hindi naman talaga!"

 "Uuwi na ako." Sabay tayo ko.

"Bakit ba ayaw mong ipakitang nasasaktan ka? Bakit ba ayaw mong sabihin sakanya yung tunay mong nararamdaman? Wag kang duwag Rain!"

Humarap ako sakanya.






*PAAAAAKKK!*








TO BE CONTINUED...

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon