Chapter 27

2.5K 41 1
                                    

Chapter 27


Rain's POV

Hindi naman nagtagal nakarating din kami sa destinasyon namin. Dinala niya pala ako dun sa secret place niya. Oo, dito niya ako dinala. Bumaba naman siya agad at ako din naman. Ayoko ng makaladkad pa no.


Umupo siya nakigaya na din naman ako. Ang ganda talaga dito. Ang tahimik. Hapon na kaya makikita po yung araw na palubog na.


"Kamusta ka na?" Pambasag niya sa katahimikan.

Wow! Kanina lang wagas kung makasigaw ngayon ang amo niyang magsalita.

"Okay lang." Matipid na sabi ko.

"Okay lang ba talaga?" Biglang tanong niya.

Ano na naman ba? Wala ako sa mood para magkwento. Tinatamad akong magsalita ngayon.

"Oo naman." Matipid na sagot ko ulit.


"Rain, ganun ba kahirap sabihin na "Hindi ako okay."?"

Ano bang gusto niyang malaman?

"Huh? Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko.

"Please naman Rain. Sabihin mo sakin anong problema mo."

"Ayos lang ako, wala naman problema eh." Pagdedeny ko.


Anong gusto niyang sabihin ko? Na siya yung problema ko? Kasi nasasaktan ako. Kasi mahal na mahal ko siya at nasasaktan ako kasi hindi ako ang mahal niya? Yun ba gusto niyang sabihin ko sakanya?


"Wag mo akong gawin tangan Rain. I know may problema ka. This past few weeks kakaiba na kinikilos mo at ngayon lalo ka lang lumala. Ang akala mo ba hindi ko nahahalata? Madalas kitang pinagmamasdan."

Pinagmamasdan niya ako? So lagi siya nakatingin sa akin? Kakasabi lang diba Rain? Unli lang?



"Minsan kasi mas maganda ng ipakita mo sa kanila na okay ka, na lagi kang masaya hindi din naman magtatagal at makakalimutan ko din siya." Mahinahon na sabi ko.


Oo, hindi din magtatagal at makakalimutan din kita Yuu.


Pero gaano katagal yun? Talaga bang kaya kitang kalimutan ng basta-basta lang? Lalo na't sobrang mahal na kita.

"I knew it! Yung lalaking gusto mo na naman. Bakit ba kasi hindi mo na lang siya kalimutan. Move on!" Sabi nito.

"Move on? Two words lang yan pero mahirap gawin. Matagal na proseso."

Napabuntong hiniga na lang siya. Tumahimik na naman ang paligid.


"Kung mahal mo siya bakit hindi mo siya ipaglaban?" Biglang sabi ni Yuu.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Ipaglaban? HAHAHAHAHAHA!

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Tanong ni Yuu na nakakunot noo.

"Wala. Natawa lang ako. Ipaglaban? Wow! Hahahaha!" Patuloy pa rin ako sa pagtawa.

"Don't laugh." Mariin na sabi ni Yuu. Napatigil naman ako.


 

"Gusto ko man pero hindi na pwede. May gf na nga diba."

"Mahal ba niya?" Tanong niya.

"Gf niya nga diba? Syempre mahal niya yun!" Syempre mahal mo yun. Si April pa? Tss!


"Diba ang sabi mo sakin mahalaga ka sa kanya, so it means may possibility na magkagusto din siya sayo."

"Oo naman. Tinatanong pa ba yan?"

"So may posibilidad bang magka gusto ka din sakin?" Tanong ko. Tinignan ko siya sa mata.




"May posibilidad bang mainlove ka sakin Yuu?"


Yuu's POV

"May posibilidad bang mainlove ka sakin Yuu?" Tanong niya sakin habang nakatitig sa mga mata ko.


Hindi ako makasagot. Bakit ganun? Yung mga mata niya, yung way ng pagtitig niya parang sinasabing sana may pag-asa ako. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya pero kung titignan mo mukha niya talaga napakaseryoso ni Rain. Nakatitig lang sakin si Rain. Hindi ko talaga alam isasagot ko.


Bakit ko pa kasi tinanong yun? Ayan tuloy napasubok ka Yuu!

Hays! Ano ba naman yan. Oo o Hindi lang naman isasagot mo ganun ba kahirap yun Yuu?!

 Pero sana wag na lang kasi masaya na ako kay April at ayoko din naman masaktan lang si Rain ng dahil sakin.


"Haha! Kalimutan mo na nga lang. Syempre wala, kasi mahal mo si April." Napangiti siya ng mapait sabay iwas ng tingin sa akin. "Ngayon alam ko na.." Mahinang sabi niya.


"Tara na Yuu!" Masayang sabi nito.


Kahit anong pilit niyang pag ngiti hindi pa rin sumasangayon yung mga mata niya sa labi niya.


Tumayo na siya at nanuna ng naglakad papunta sa sasakyan niya. Sumunod na lang ako sa kanya.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa sasakyan. Bigla ko na lang sinabi sakanya eto. "S-sorry Rain."

"Hahahaha! Para saan? Magdrive kana lang jan. Matutulog muna ako. Hehe." Nakangiting sabi niya at tumalikod na sa akin.

Hindi ko na lang siya kinulit. Ayoko na din naman siya kulitin pa.

Habang nagddrive ako hindi ko maiwasang maisip yung tanong sa akin ni Rain. Kung wala siguro si April sa buhay ko malamang pwede ako mainlove dito kay Rain. Nasa kanya na kasi lahat eh. At masaya ako kapag kasama ko.







VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now