Chapter 46

2.6K 41 0
                                    

Chapter 46


April's POV

"Okay kana ba?" Tanong sakin ni Yuu.


"Yes. Thank you babe. Buti na lang talaga dumating ka agad." Sabi ko.

"Sorry hindi ako naniwala sayo agad. Promise magmula ngayon paniniwalaan ko na lahat ng sasabihin mo. Proprotektahan kita lalo na kay Rain. Hindi niya ako maagaw sayo babe." Sabi nito sabay halik na mabilis sa labi ko.

"Thank you babe." Okay! Mission accomplished!

"Mauna na ako babe. Sunduin na lang kita bukas." Sabi ni Yuu. Tumango na lang ako. Umalis na ito.





"Argh! Angel, lumabas kana nga jan!" Sigaw ko. Bakit ba kasi nagtago pa 'tong bruhang 'to.

"Gwapo pa rin yang si Yuu ah ay mali pala lalong gumwapo lalong naging yummy." Malandi din tong Angel na 'to eh.

"Akin na siya, sorry ka." Sabi ko. Natawa na lang ito.

"Ang sakit ng katawan ko. Walangya talaga yang Rain na yan buti na lang talaga worth it 'tong sakit na nararamdaman ko sa katawan ko." Sabi ko. Medyo pinahirapan nga lang ako nung una.


"Demonyita ka parin talaga April." Sabi naman ni Angel.


Aba syempre. Ako ata si April Dela Cruz. Ang akin dapat akin lang ayoko ng may kaagaw.



Yuu's POV

Sinundo ko naman si April sa kanila inihatid ko din siya sa room niya. Kami pa rin ni April hindi kasi ako makakuha ng tyempo para hiwalayan siya ng dahil lang kay Rain buti na lang talaga nakita ko yung ginawa niya kay April. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagaw ni Rain yung bagay na yon. Masyado akong nagtiwala sa kanya.

Pero may kumirot parin sa puso ko ng hindi ko siya sinasadyang maitulak, noong nakita ko siyang umiiyak, noong napagsabihan ko siya ng kunga anu-ano na nakakasakit sa kanya. Nagawa ko lang 'yon dahil sa ginawa niya kay April.


Napadaan naman ako sa room nila. Teka wala ata si Rain. Pakealam mo ba Yuu? Tss!

"Si Rain ba hanap mo?" Biglang tanong sakin ng babae.


"Wala siya ang alam ko nasa ospital na daw siya. Actually kahapon pa after nung.. Ah! Ikaw nga pati yung gf mo after nyong mag-away sa CR ayun nahimatay daw kawawa nga eh. Ay sige alis na ako bye." Medyo madaldal ang babaeng yun ah.

Bakit kaya hinimatay si Rain? Okay na kaya siya? May sakit ba siya? Hay! Bakit ko pa ba siya iniisip? Tama na nga pag-iisip kay Rain!



Rain's POV

Nakauwi na din kami ng baha sabi ko kasi kina Steven na umuwi na lang ako tutal wala naman akong malalang sakit. Masyado lang ako nastress sa mga nangyayari kaya daw ako hinimatay.


"Rain, ayos kana ba?" Nag-aalalang tanong ni Kuya. Tumango lang ako.


"Bebs mauna na kami ni Jasmine ah? Magpahinga kana lang muna ah?" Sabi ni Steven sakin.

"Oo ng bessy, wag kana muna kaya pumasok bukas." Sabi naman ni Jasmine.

"Okay na ako. Sige, umuwi na kayo. Alam kong pagod din kayo. Salamat sa inyong dalawa." Sabi ko.



"Naikwento na sakin Jasmine ang lahat. Ano kaya mo paba?" Tanong sakin ni Kuya.

"Kaya pa kuya tsaka kasalanan ko din naman eh." Sabi ko sa kanya.

"Hindi kapa ba susuko? Hindi kapa ba napapagod Rain? Kung ako ang tatanungin ay mas gusto kong lumayo kana lang kay Yuu." Tanong ulit ni Kuya.

"Matagal nako sumuko. Una pa lang sumuko nako. Siguro nga may mga oras na umaasa pa rin ako pero alam ko naman sa sarili ko na malabo maging kami ni Yuu, isa pa..." Naalala ko na naman yung masasakit na salita na sinabi niya sakin. Naiiyak na naman ako.


"Isa pa balak ko na din sumama kina Mommy at Daddy sa Paris." Sabi ko.


"Ikaw bahala. Mukhang mas maganda nga idea yan kesa sa nandito ka. Magumpisa ka ulit sa Paris, sana lang kapag nandoon kana maging masaya kana katulad ng dati. Kung nalalaman lang nila Mom and Dad 'to sigurado lang aakalain nilang pinapabayaan kita. Tsk!" Sabi ni Kuya. Natawa naman ako.


"Mas okay nga yung ganito Kuya kasi natututo ako. Diba?" Sabi ko sabay smile.


"Hay! Ikaw talaga! Dalaga kana nga, dalaga na yung nag-iisang prinsesa namin." Sabi ni Kuya.

"Magpahinga kana, ipapatawag na lang kita kay Manang kapag kakain na." Sabi ni Kuya sabay gulo sa buhok ko.








VOTE AND COMMENT!

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon