Hindi pa rin nawala ang pagsimangot ko sa isip kahit na nang tumugtog ang music player niya. Nakakabit ang regalo ko sa kanya nung Christmas at tumutugtog doon ang ginawa kong playlist para sa kanya. Iritado pa rin ako.
Sa pagkadismaya ko ay lumabas agad ako ng sasakyan pagkaparada niya 'non sa libreng space. I didn't wait for him to switch off the engine. Sumunod naman siya agad sa akin at parang hindi nakakaramdam na nagtatampo ako nang buhatin niya ang guitar bag ko para sa akin. Hindi ko na rin nagawang iiwas ang kamay ko dahil mabilis niya iyong kinuha at hinawakan ng mahigpit.
Pagkapasok sa loob ng Harlow ay nakuha agad ng atensyon ko ang boses na nanggagaling mula sa speaker. Hinanap ng mata ko ang stage at napangiti ako nang makita si Patch doon na nakaupo sa harapan at kumakanta.
Nanatili ang mga mata ko kay Patch kahit na hinahatak na ako ni Grant. Ang tagal na simula nung huli ko siyang nakita! That's why I'm very excited to meet him again. Dumaan si Grant malapit sa stage para puntahan ang table ng mga kaibigan ko sa gilid.
Tumama ang mga mata sa akin ni Patch. Nagulat siya ng bahagya nang makita ako. Binigyan ko siya ng malaking ngiti at kumaway pa. Ibinalik niya naman ang ngiti sa akin pero nawala ang ngiting iyon nang makita ang kamay ko na hawak-hawak ni Grant. Kumunot ang noo niya pero hindi pa rin tumigil sa pagkanta.
"Hey, Grant! Fall!" masayang bati nila Maia nang makita kami. Tumayo sila para salubungin ako ng yakap.
"Siya ba yung tinutukoy mong kasama mo last time?" kumikislap ang mata ni Rio na tumingin kay Ambrose na seryosong kumakanta pa rin sa stage, pati ako ay napatingin bago tumango sa kaibigan. Mahinang tumili ito na parang kinikilig. "Ang pogi niya!"
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Grant sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakasimangot siya sa akin at parang may gustong iparating.
"What?" I frowned at him.
"Last time?" he asked like he was annoyed.
"That's the day I saw you with Maxwell at the mall." nakangusong sagot ko kay Grant at binawi ang kamay mula sa kanya. Hindi na siya nakasagot dahil natapos na si Patch sa set niya at nagpalakpakan na ang mga tao. Pati ang mga kaibigan ko ay maingay din at tumitili pa.
Kinuha ko ang gitara mula kay Grant at tumuloy na sa harapan. Pinilit kong ngumiti ng malaking nang makalapit na kay Patch. "Patch!"
"Hey, Fall. Long time no see." nagtaas siya ng kilay.
"Right. I gave you a gift. Where's mine?" I asked.
He gave me a sheepish smile. "I'm still working on it."
"Duet na yan!" I heard Noelle shout from the table. Sabay kaming napatingin ni Patch sa mga kaibigan ko. Sinamaan ko sila ng tingin dahil doon. Nahuli ng mga mata ko si Grant na nakatayo pa rin at ngayon ay nakatingin na sa amin.
"Duet! Duet!" someone shouted, this time it wasn't from my friends' table. It was followed by a chant. Napanganga ako dahil doon habang si Patch naman ay natawa na lang.
"What do you say?" tanong ni Patch sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Patuloy pa rin ang pagsigaw ng mga tao. Napatingin naman ako kay Grant na nakatayo pa rin pero ngayon ay hindi na sa akin nakatingin. He remained motionless as he stared at the floor.
"Can I choose the song?" tanong ko sa kanya at agad naman tumango si Patch.
Sinabi ko sa kanya ang kanta at nagpapasalamat naman ako na alam niya rin iyon. The crowd cheered when we both went up the stage. May staff na nag-akyat ng isa pang stool at microphone para sa akin. Ipinatabi ko muna ang gitara ko sa gilid dahil si Patch lang ang mag gigitara sa amin.
"Good evening, everyone. This is gonna be my last song for tonight and I'll be singing with the talented, Fallon. She chose this song, by the way. Kaya kung hindi niyo magustuhan ay sa kanya kayo mag reklamo." sabi ni Patch at napatawa naman ang mga tao.
Patch counted as he tapped his guitar before strumming the guitar strings. Hinigpitan ko ang pagkakapit sa microphone, hinihintay na magsimula na ang verse. Napatingin ulit ako kay Grant na ngayon ay hinila na nila Noelle para umupo.
His eyes went back to mine and I took a deep breath before closing my eyes.
Lyin' here with you so close to me
It's hard to fight these feelings when it feels so hard to breathe
Caught up in this moment
Caught up in your smile
Nagsimula nang kumanta si Patch kaya idinilat ko ang mga mata at tiningnan si Grant na nakatingin pa rin sa akin.
So hard to hold back when I'm holding you in my arms
I held Grant's stare as I sang the next lines with Patch.
We don't need to rush this
Let's just take it slow
Inalis ko ang tingin mula kay Grant at tiningnan si Patch na nakapikit habang sabay namin na kinakanta ang bawat linya ng chorus. Our voices melded together. Bumagay ang malambing na boses ko sa malalim at nakakaakit na boses niya.
I know that if we give this a little time
It'll only bring us closer to the love we wanna find
It's never felt so real, no it's never felt so right
Habang kinakanta ko ang mga linya ay sumasabay sa akin si Patch katulad ng ginagawa ng Lady Antebellum. Napatingin na siya sa akin habang kumakanta at ngumiti bago iginala ang mga mata sa audience. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Grant.
Just a kiss on your lips in the moonlight
Just a touch of the fire burning so bright
Nang matapos ang kanta namin ay nagpalakpakan ang mga tao. Nagpaalam na si Patch sa crowd, pati sa akin. May lakad pa kasi daw siya bukas ng umaga. Hindi naman ako umalma at nakangiting nagpaalam sa kanya.
I started with my set. Nang makatapos ng dalawang kanta ay pumunta ako ng table ng mga kaibigan ko. Grant's with them but he's quiet now. He's got a bottle of beer in front of him too.
My friends gave me a shot and then a bottle to drink. Nang mapangalahati iyon ay bumalik na ako sa harapan para sa dalawang huling kanta ko. Nang matapos iyon ay nagpaalam na kami ng mga kaibigan ko sa isa't isa at umalis na ng Harlow.
Naging tahimik lang ang buong byahe papuntang bahay. The only thing that's keeping the whole ride silent was the low music crooning from his player. Parang bumaliktad ang tiyan ko nang huminto na ang sasakyan ni Grant sa driveway namin. Hindi pa rin siya nagsasalita.
Bakit hindi siya nagsasalita? May sinabi ba akong mali? Is he mad? Kinukurot ang puso ko habang naglalaro ang mga tanong na iyon sa utak ko.
"G-Goodnight." singhap ko bago lumabas ng sasakyan. Hindi sumunod si Grant sa paglabas kaya ako na mismo ang kumuha ng guitar case ko mula sa backseat.
Hindi ko na siya nilingon at naglakad palapit sa gate namin. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan. Bago pa ako makalingon para tingnan kung anong meron ay may humawak sa braso ko at inikot ako bago hinila papalapit.
Nanlaki ang mga mata ko nang tumama ako sa isang matigas na katawan. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at matapos ay inilapat ang mga labi sa akin. Tumalon ang puso ko sa ginawa niyang paghalik sa akin. Nanlambot ang buong katawan ko nang laliman niya ang halik.
Dumausdos ang kamay ni Grant sa likod ng ulo at sa bewang ko bago ako marahas na hinila papalapit sa kanya. Mas diniinan niya ang halik na ibinibigay sa akin. His lips were attacking mine. It was so different from the first kiss that we shared. This kiss is desperate and filled with yearning.
Grant tugged my lower lip then kissed me one last time before breaking away. Our noses were touching and we were both breathing hard.
"I am so jealous, Fallon." his words were stern. He sounded like he was in pain when he emphasized each word. My mind was still swirling when he placed a feather like kiss on my lips once more. "You got me fucking obsessed too."
His voice was low and husky. It was making me heady. His hand slipped on my butt before kissing me again, longer this time. It was a thorough and hard kiss.
"And now I'm addicted." he released my nearly numb lips.
Grant stared at me with a drunken look on his face. He looked at me with his tender eyes. He licked his lips. "Papanagutan mo ba ako?"
VOUS LISEZ
When I Chase (When #1)
Roman d'amourShe hates it when he gets cold and bosses her around. She hates him for always being there to stop her in her wicked games. She hates him for making her feel like she's done something wrong. She hates him for treating her like a child who needs some...
Chapter Twenty-Four
Depuis le début
