Chapter Twenty-Four

Start from the beginning
                                        

Nagawa kong ibahin ang topic nang hindi napapansin ng pinsan ko. I asked him questions about his parents and then we talked about their trip. Hinatid din agad ako ni Logan sa campus dahil may susunod na klase pa ako. 

The day passed quickly. Sumabay ako sa sasakyan ni Noelle dahil hindi pa uwian nila Grant ng ganitong oras. Grant's adamant abut driving me home, says he's the one who drove me to school kaya siya rin dapat mag-uwi sa akin. I insisted to ride with one of my friends. Hindi naman siya naging mapilit.

Nang mag text si Grant sa akin para sabihin na nasa labas na siya ng bahay ay agad akong lumabas ng kwarto. Nagpaalam muna ako kay Daddy na aalis na. He knows about my schedule during Saturdays, so it's not new to him. He just asked me to take care and don't cause any trouble.

I got out of the gate and was welcome by a Grant who's standing beside his car. Nakakunot ang noo niya pero kahit ganoon ay may bakas ng pag-aalala sa mga mata niya. Nang marinig niya ang pagpapaalam ni Mang Roger sa akin ay lumipat ang tingin niya sa akin.

"I have to go. I will call you later, okay?" rinig ang lambing sa mahinang boses niya nang sinabi iyon. 

Lumapit ako sa kanya para kainin ang maliit na distansya sa aming dalawa. Binaba agad ni Grant ang tawag at mabilis na itinago iyon sa bulsa niya. Sumunod ang mga mata ko sa phone at napanguso sa sarili. Sino naman ang kausap niya?

"Hey," his voice was warm as he looked at me with light filling his eyes. May maliit na ngiti rin na gumuhit sa labi niya. The question in my mind immediately disappeared. One smile from him. That's all it took.

Nang magkaharap na kami ay ipinulupot ni Grant ang braso sa bewang ko. Lumapat ang kamay niya sa likod ko at marahan na hinila ako palapit sa kanya at matapos ay hinalikan ang gilid ng ulo ko. May tumusok-tusok na kung ano sa tiyan ko nang marinig ko ang pag-amoy niya sa buhok ko. He let out a deep breath after sniffing my hair, like taking in my scent was a dose that he'd been dying to take.

Ako rin naman ay ganoon, hindi lang halata kagaya niya. I'm addicted to Grant's manly scent. Marami na akong naamoy na mababangong lalaki pero sa kanya lang talaga ang bukod tangi na hinahanap-hanap ko. Or maybe nahalata niya na dati pa at gentleman lang talaga siya kaya hindi niya ako inaasar sa pagiging obsess sa amoy niya?

Inilayo ni Grant ang mukha niya mula sa akin at tinitigan ang mga mukha ko. Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon habang nakatingala sa kanya. Pakiramdam ko ay namumungay ang mukha ko. I probably looked intoxicated again!

Deretsong nakatingin lang ako sa nangingitim na mga mata niya. Lumibot ang mga mata niya mula sa noo ko, pababa ng ilong, hanggang sa umabot iyon ng bibig ko. He licked his lips and my eyes dropped to it because of that.

"I want a taste." he huskily said. I want that, too. Gusto ko isagot iyon pero pinili ko na lang na manahimik. He bit his lip. "But if I kiss you some more again, I'd end up being hopelessly addicted."

Nanginig ang buong katawan ko sa boses niya pero malala ang paghampas ng puso ko sa dibdib ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi ako makahinga. Lalo na nang inangat niya ang kamay at hinawi ang daliri sa labi ko. Hinintay ko na lumapit ang mukha niya para halikan ako.

"Let's go..." binitawan niya ang labi ko at binuksan ang pinto ng sasakyan sa gilid para sa akin. Napangnga ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya. I was waiting for him to grab me and pull me against him, pero hindi niya iyon ginawa.

Pinaasa niya ako! Damn it! At umasa naman ako! I thought he wasn't going to resist and kiss me. I did my best to hide my disappointment and quickly got inside the car. Nang isara niya ang pinto ay tsaka ako ngumiwi at halos sampalina ng sarili. Dapat pala ako na lang ang humalik para wala siyang palag! 

When I Chase (When #1)Where stories live. Discover now